KABANATA V- HIMIG NI SANG'GRE ALENA

636 10 0
                                    

Sa Sapiro ay nakaupo lamang si Sang’gre Alena at kumakanta ng mga a- jun.

“kahit kaylan, hindi talaga nagbabago, sadyang napaka ganda ng iyong tinig.”

“Danaya.?” agad na lumingon si Alena “ikaw pala… halika” paanyaya ni Alena na paupuin ang kapatid sa kanyang tabi.

“iyan ba ang a-jun na paborito ninyo ni Lira?” pagtanong ng Reyna.

“oo nais mo bang marinig?” Paanyaya ni Sang’gre Alena habang inaayos ang buhok ni Danaya.

“ikagagalak ko iyon Alena” sabay na ngiti ni Reyna Danaya na nais marinig ang napakagandang awitin ni Alena.

Ulan man o bagyo,Lindol ng mundo,

Sigaw ng bulkan, Pipigilin ko

Pipigilin ko, Binigyan mo ako

Ng mahiwagang puso

@LIREO

“napakasaya ng kaarawan ng aking ina, ngunit ashti bakit tila hindi siya masaya?” pag aalalang tanong ni Blair

“Dahil iyon sa inyong Ashti Alena ngunit siya ay nagbalik na kung kaya’t masaya na si Danaya” pag papaliwanag ni Amihan

“kaya kayo’y batiin niyo ang inyong ashti Alena  sa kanyang muling pagbabalik” ani Pirena

“masusunod po”

@Sapiro

“ina?”

“Aundria? Ikaw na ba iyan? Napakalaki mo na” sabay yakap sa anak.

“ina napaka tagal mong nawala, san po kayo galing?” nagtatakang sambit ni Aundria

“masyadong mahaba ang aking maaaring paliwanag kung kayat huwag mo na lamang Itanong mahal ko.. nais kitang makausap ng tungkol sa iyo at kay Armea.”

“opo ina”

Sa balkonahe..

“Kamusta kayo ni Armea?”

“kami’y nasa mabuting kalagayan ina.. lalo na nung mga panahong kayo’y wala sa aming tabi.. kami’y inalaagaan ng maayos ni Ada Danaya.”

“Ada??” labis na nagtaka si Alena kung bakit Ada ang tawag ng anak niya kay Danaya.

“umm… Ashti Danaya po pala.. tinatagwag ko po siyang Ada dahil siya po ang nag aruga at nag palaki sa akin..”

“ahh.. mabuti naman kung ganoon.”

Sa Lireo

“Danaya? Este Reyna Danaya..” lumapit si Alena at yumuko sa kanyang kapatid.

     “Naparito ka Alena? Napaka lalim na ng gabi .. hindi maaaring pumarito ka ng walang mabigat na kadahilanan.”

“nais ko lamang na mag pasalamat sa pag aaruga kay Aundria.. ngunit bakit Ada ang tawag niya sa iyo? Hindi naman sa iba pero..”

“Alena.. Alam ko na nagtataka ka.. pero hindi naman ako nagkulag na ipaalala sa iyong anak na ikaw at ikaw ang kanyang ina..”

“oo Danaya.. pero ngayong naririto na ako ay maaari bang ipaiwas mo ang pag tawag ng Ada ng aking anak sa iyo?”

“masusunod mahal kong kapatid” agad na pagtatapos ng usapan at umalis na si Alena.

-Umaga sa hardin ng Lireo

“Ada Danaya!” wika ni Aundria

“Aundria.. ikaw ba ay hindi pinagsabihan ng iyong ina na hindi na ako ang tatawagin mong Ada?”

“Siya ay nagtugon sa akin.. ngunit Ashti hindi ko ito mapigilan dahil nakasanayan ko na ikaw ang aking Ada at ikaw ang nagpalaki sa akin”

“pero..”

“Ada hindi niyo ba ako mahal? Kahit hindi niyo ako tunay na anak ay tinuring niyo parin ako na anak mo.. hindi ko man naisin na masuway ang aking ina.. ngunit ikaw na ang aking kinalakihhan.. ikaw na ang nag dikta at nag turo sa akin kung paano magbasa.. magsulat at magsalita..”

“ikaw ay aking anak Aundria.. ngunit naririto na ang iyong ina.. ang aking kapatid.. maaari mo siyang suwayin ngunit baka an gaming pagsasama bilang magkapatid ay  maaaring magbago.. pamangkin kita kaya ayokong pumalayo ang loob ni Alena sa akin.. at pag iyon ang nangyari ay maaaring ilayo ka niya sa akin..”

“naiintindihan ko po Ada.. este Ashti Danaya”

Pagkaalis ni Aundria ay lumapit si Alena kay Danaya

“labag ba sa iyong kalooban mahal ko?” ani Alena

“medyo .. ngunit ayaw ko rin na mawala ang iyong loob sa akin mahal kong kapatid.”

“Danaya patawad.. ngunit ayaw ko rin kasi na mapalayo ang loob ng aking anak sa akin..”

“naiintindihan ko Alena.. kung ako’y nasa iyong sitwasyon ay ganoon din ang aking gagawin..”

“Salamat Danaya.. salamat”

Encantadia Ang Bagong YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon