KABANATA I- UTOS NI BATHALA

1.7K 22 7
                                    

“napakaraming panauhin Danaya” may ngiti sa mga mukhang sambit ni Pirena.

“oo nga, bawat kaharian ay may representante” wika ni Danaya habang pinagmamasdan ang Lireo na masaya at kaaya-aya.

Nang biglang umaliwalas ang isang portal. Lumabas mula dito sina Alena at Ybarro. Laking gulat ito ng mga encantado at encantada sapagkat patay na ang mag asawa.

“ina! Ama!” wika ni Reyna Armea ng Sapiro, agad siyang lumapit at niyapos ang mga magulang.

Lumabas din sa portal sina Ynang Reyna Mine-a, Raquim, Armeo, Mira at Aquil na matagal na ring namayapa at nagtungo sa Devas.

Agad lumapit si Pirena sa anak at niyakap ito, lumapit din si Amihan sa amang si Raquim at nagkamustahan sila, hindi rin nilang matiis na pumatak ang kanilang mga luha, agad din silang nagyakapan.

“Danaya..” malambing na wika ni Aquil

“Aquil..”mangiyak ngiyak na wika ni Danaya habang lumalapit sa sinisinta. Agad na nagtagpo ang kanilang mga labi.

“I Corrie Diu” sambit ni Aquil at hinalikan sa noo ang Rayna

Ang mga mahal nila sa buhay na galling Devas ay pinahintulutan ni Bathala na dumalo kahit sandali.

Lumabas din si Bathalang Emre sa portal na may mahalagang iuutos sa mga sang’gre.

“Danaya, Amihan at Pirena ako ay may mahalagang iuutos sa inyo”

Ano ang mapaglilingkod namin sa inyo mahal na Bathhala?” agarang pagsagot ni Amihan at sabay na pagyuko ng mga sang’gre

“may ipagkakaloob ako sa inyong sanggol, nilikha ko sila upang maging susunod na mga tagapangalaga, tratuhin ninyo silang parang tunay ninyong anak, ang ipagkakaloob ko sa iyo Armea ay tratuhin mong parang iyong tunay na kapatid, magiging anak siya ni Alena kay Ybarro.”

“masusunod po” sabay na wika ng  mga sang’gre

Binasbasan sila ni Bathala at pinagkaloob ang mga bata, binigyan sila ng tig iisang dama upang bantayan ang mga sanggol.

Encantadia Ang Bagong YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon