Chapter 17

156 4 0
                                    


Chapter 17

"Leigh/Xandra pov"

"Mga iha kailangan nyo pumasok bukas," Biglang sabi ni tito samin,

Andito na sila tito kasama nya si Ace pumasok kanina, pag katapos kasi nung nangyari sinundan nga ni tito si Ace, si tita naman galit na galit sa kanilang dalawa, pero tawa lang sila ng tawa HAHA mga baliw talaga pamilya ni Xyleigh, Ewan nga namin kung saan nag mana itong si Xy sobrang seryuso tapos minsan lang ngumiti,

"Pero tito hindi pa po nagigising si Xy" Sagot ni Yakii sa kanya

"Kami na bahala kay leigh, kailangan nyo pumasok, balita ko 2 weeks na kayong di pumasok" Sabi ni tita sa amin,tumango naman kami, oo nga 2 weeks ng di kami pumasok, di na rin namin alam kung ano na ngyari doon

"Pwede nyo naman dalawin si Xyleigh pag katapos ng klase nyo" Dagdag ni tito

"Sigurado po kayo?" Tanong ko sa kanila, ngumiti naman sila at tumango. Kaya nginitian din namin sila.

Biglang bunukas yung pinto at pumasok si Yukii at Yazmin,

"Hi tita, gising na po ba si Xy?" Tanong ni yukii na ikinailing ni tita.

"Hindi pa eh pero sabi ng doctor, malapit na daw sya magising pero di natin alam kong kailan" Sagot ni tita sa kanya

"Yukii at Yazmin, babalik ba kayo sa Korea?" Tanong ni kuya Zandro sa kanila

"Hindi na po kuya, plano namin dito na mag aral, kung saan nag aaral yung tatlo" Sagot ni yazmin

"Kung ganon, sumabay na kayo pumasok bukas sa kanila Xandra mga iha" Sabi sa kanila ni tito,

" Ay tito, hintayin na lang namin magising si Xyleigh at papasok na kami ng sabay, tapos di pa naman kami naka pag enroll" Sagot ni Yukii, na ikinatango ni tito,

"Segi na Xandra at Yakii, mag pahinga na kayo, may pasok pa kayo bukas, kayo din yakii at yazmin mag pahinga na kayong apat kami na bahala dito" Nakangiting sabi ni kuya Zandro, sinuklian naman namin uto ng ngiti, at nag paalam na kaming apat, at sabay kaming apat lumabas ng ospital
________________________________

"Charles pov"

2 weeks ng di pumasok yung tatlong nerd, 2 weeks na ding hindi sila naka pag practice, Hindi ko alam pero may parti sakin na namiss ko yung panget na nerd na yun ano ba ngyayari sakin arghh

"Hoy ok ka lang?" Biglang tanong ni kion sakin, andito kami ngayon sa bahay linggo ngayon at ngayon yung libing ni tito kaya kumpleto kami, andito rin yung mga pamilya ng kaibigan ko.

Opo tama yung narinig nyo libing ni tito, galit ako sa pumatay sa tito ko, sobrang close ko sa tito jayson ko kaya may parti sakin na di ko tanggap yung pag kawala nya, nung sabado, binalita sa tv na meron daw bangkay na nakita nila sa gilid ng kalsada, at pinakita yung mukha nito, nalaman naming si tito jayson ito, kaya sobrang galit na galit ako sa pumatay sa kanya, mabait yung tito ko para patayin,

Napag alaman din namin na yung pumatay sa kanya ay kasali daw sa isang gang, ibig sabihin mga gangster yung pumatay sa tito ko, galit na galit na ako sa kanila dahil sa ginawa nila, hindi ko mapapatawad kung sino mang hayop ang pumatay sa tito ko,

"Ha? Oo ok lang ako" Sagot ko sa kanya

"Oh edi tara na, nasa labas na sila sunod na tayo" Sabi nya, tumango naman ako at sumunod sa kanya lumabas,
________________________________

Andito na kami sa sementeryo kong saan ililibing si tito, madaming umiiyak na ka pamilya namin, naiiyak din ako pero pinipigilan ko baka pag tawanan pa ako ng mga mokong na to, umiiyak din si mommy at Honey ng tahimik, si daddy namn seryusong naka tingin sa kabaong na unti² ng binababa, makikita sa mata ni dad yung sakit, galit habang naka tingin sa kabaong,

Galit ba sya sa pumatay kay tito o kay tito sya mismo galit? Ah tanga mo Charles syempre sa pumatay sa tito mo kausap ko sa sarili ko, nung tuluyan ng nababa yung kabaong ni tito, unti² na rin umaalis yung nag dalo sa pag kamatay nya,

"Letz go" Seryusong sabi ni daddy at naunang mag lakad, ang weird wala na kaming nagawa kundi sumunod rin sa kanya
________________________________
"Charlie pov" (Daddy ni charles)

Di ako makapaniwala na wala na yung kapatid ko, totoo nga yung sinabi nya na sarili kong kapatid kaya akong patayin at ang pamilya ko, niligtas nya kami niligtas nya yung buhay ng pamilya ko, malaking pasalamat ko sa kanya, galit na galit ako sa kapatid ko, Dahil magagawa nya kaming patayin para lang makuha ang kayamanan ng pamilya na sa akin pinamana

Nag tataka siguro kayo kung bakit ako naniniwala sa sinabi sakin nung babae? Ito

FLASHBACK

Pag labas nya ng office ko na paupo na lang ako at napasabunot sa buhok ko, hindi ako na niniwala na kaya kaming patayin ng kapatid ko, mabait sya at mabait din sya sa mga anak ko, pero paano kung kaya nga yun gawin sa amin sa akin?

" ARGHHHHH" Sigaw ko, nagugulohan ako

Kung tatanongin ko kaya sya? Pero paano? Natatakot din ako sa babae, ang lamig nya sobrang seryuso may kamukha sya pero di ko matandaan kung sino, natatakot ako baka nga patayin nya yung pamilya ko,  hindi kakausapin ko na lang kapatid ko, pupunta ako sa office nya,

Tumayo ako, at naglakad, lumabas ako sa office ko at sumakay sa elevator, pinindot ko yung 12 floor,

Maya² bumukas na yung elavator kaya ibig sabihin andito na ako, lumabas ako at hinanap yung office ng kapatid ko, nakita ko yung office nya kaya pumunta ako don, di pa ako nakapasok rinig ko na parang may kinakausap sya, paano ko narinig? Naiwan nya bukas ang pinto, sinilip ko sya at nakita kung nakatalikod sya sakin at may kinakausap sa telephono na rinig ko

"[Naka plano na ako HAHAHA,] [Oo gagawa ako ng gulo sa mismong accuintance sa paaralang yun, ] [Yes naman, balita ko pupunta si kuya at yung pamilya nya kaya don ko sila mismo papatayin] Rinig ko na sabi nya na ikinagulat ko, shit tama nga yung babae, kaya ako patayin ng kapatid ko,

"[Wag ka mag alala, hindi ko idadamay yung Pamilyang Ainsworth, ikaw papatay don sa kanila eh HAHAHAHA] Rinig kong sabi nya at tumawa pa, Ainsworth? May nag tatangka din pumatay sa Pamilya ng Bestfriend ko? Hindi kaya yung babae kanina anak yun ni Zander? Bat nga di ko na mukhaan agad yun? F*ck, agad ako umalis sa office nya at pumunta sa office ko, shit kaya kaming patayin ng kapatid ko kaya nya kaya nya,

"Mr laxus, yung pinag usapan natin ngayon at yung nalaman mo, wala ka dapat ipag sabihan, at kapag nakaharap mo kapatid mo wag ka mag papahalata nasayo pa rin yun kung paniniwalaan mo o hindi, pag nalaman kung ket isa may sinabihan ka ng pag uusap natin, AKO MISMO ANG PAPATAY SA PAMILYA MO, mark my words Mr, laxus" Naalala ko yung sinabi nung babae, wala dapat ako pag sabihin nito, pero ano gagawin ko? Papatayin ng kapatid ko yung pamilya ko at ako,

End of flashback

Yun nga ang nangyari, habang pa punta kami sa kotse naramdaman ko parang nag vibrate yung phone ko kaya kinuha ko ito at tinignan yung message na hindi ko naman kilala kung sino, binuksan ko yung message at binasa ng kinangiti ko, Thank you,

To:0928********
"LIGTAS NA KAYO NG PAMILYA NYO"

The Nerd Secret (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon