Chapter 29

151 4 0
                                    


Chapter 29

"Xyleigh/Xyrine pov"

2weeks na nanliligaw si Charles, pero ganon pa din sya minsan nag susungit minsan naman magagalit pero sya yung manunuyo pag katapos, tapos minsan sweet, nakabobo sya, pag kaming dalawa lagi nyang sinasabi sakin lumayo daw ako kay caleb, ang hilig ko daw papaselosin sya,

Sa 2weeks na panliligaw nya di nya sinabo sa barkada na nililigawan nya ko, ayaw ko naman kasi eh, pero alam ko nag tataka na ang barkada sa mga kinikilos nung gunggong,

Andito kami ngayon sa canteen, lunchtime na kasi at katabi ko ngayon si Charles sa kaliwa sa kanan si Caleb at yun naman po ang masamang tingin ni Charles kay Caleb

"Pre kung apoy yung mata mo kanina mo pa napatay si Caleb sa masamang tingin" Natatawang sabi ni Kion sa kanya, kaya napa irap sya, bakla ba to?

"Tol umamin ka nga, may gusto kaba kay Caleb?" Natatawang tanong ni Andre kaya ang mga barkada natawa sinamaan nya naman ito ng tingin kaya napatahimik sila

"Nang hihinala ako sa inyo, diretsohin mo nga ako Xyrine" Sabi ni Yazmin sakin kaya bigla ako napatingin sa kanya,

"Huh?" Tanong ko

"Kayo na ba ni charles?" Nakangising tanong nya, kaya napaiwas ako ng tingin

Ano bang pinagsasabi ng pinsan ko na ito? Eh wala ngang kami,

"Hindi" Mabilis na sagot ko

"Wee?" Sabay na sabi nila, at tumingin pa samin

"Hindi kami, pero malapit na" Nakangising biglang sagot ni charles kaya napatingin mga barkada sa kanya na parang gulat,
At nung nakabawi sila,

"Yieee sabi na eh" Sabay na kantyaw nila, napatampal na lang ako sa noon ko,

"So nanliligaw ka kay Xyrine? Kailan lang?" Tanong ni Yukii

"2 weeks na" Sabi nya,

"WHAT?" Sabay na sigaw nila, kaya napatingin mga tao samin sa canteen sabay namam silang nag peace sign sa mga tao

"Oo" Sagot nya, ako itong tahimik lang bahala sila,

"Myghadd at ngayon nyo lang talaga pina alam ah" Sabi ni Yakii/klaire,

"Excuse me" Biglang sabi ko sa kanila kaya napa baling ang tingin nila sakin, di ko sila pinansin at tumayo, at nilisan ang lugar na iyun

Dinala ako ng mga paa ko sa garden, kaya naupo ako ng payapa,

Aaminin ko Gusto ko din pala si Charles yung siguro yung mean ni Caleb sakin nung umamin sya na hindi ko gets? Mahal ko nga ba si Charles? Pero sabi ng isip ko gusto ko lang sya at hindi mahal arghh ang gulo,

Aaminin ko sa 2 weeks na panliligaw nya sakin, masaya ako, kinikilig ako sa mga maliit na bagay na ginagawa nya, masaya ako na kasama sya, haysst buhay ganito ba ma inlove? ,

Sorry ah di ko kasi naranasan mainlove ngayon lang talaga pero inlove nga ba talaga ako? Ah ewan,

"Hey"

"Ay gago" Gulat na usal ko,

Tinignan ko naman kung sinong hayop na gumulat sakin, at yun ay si Charles, umupo sya sa tabi ko at tinignan ako,

"Bat ka umalis?" Tanong nya, umiwas ako ng tingin at tumingin sa mga magagandang bulaklak dito,

"Wala lang ang ingay kasi" Sagot ko,

"Xy" tawag nya, tumingin naman ako sa kanya,

"Hmm bakit?" Tanong ko

"Lahat ng mga pinapakita ko sayo, totoo mahal kita Xy " Seryusong sabi nya, ito namang puso ko bumilis naman ang tibok

The Nerd Secret (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon