Cugino

1 1 0
                                    

"Is there a problem?", tanong ko kay Zia.

"N-Nothing Hon, just thinking", anito saka naglakad papalayo.

"Tungkol saan naman, care to tell me?", paghabol ko sa kaniya.

"Wala yun, tara kumain na tayo maghahanda na ako", nakangiting aniya upang ibahin ang usapan.

She's like these for days now— no scratch that, she's been like this for months now and it's making me worry.

"May dapat ba akong ipagalala mahal ko?", tanong kong muli sa kaniya.

"Wala mahal ko, wag kang magisip ng kung ano", aniya nang nakatingin sa malayo.

Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain saka naghanda na sa pagtulog.

*

"When will you confront her?", ani Kix.

"Humahanap lang ako ng tamang tyempo, baka mali lang ang akala ko Kix, baka may ibang dahilan kaya sila nagkikita", sagot na siyang ikinaingos nito.

"Come on Kio, masyado ka naman 'atang nagpapakamartyrsa kaniya?. She doesn't deserve it", aniya saka humigop ng kape.

"Don't talk to my girl like that", anas ko na sinuklian niya ng kibit balikat saka lumabas ng kwarto.

Napasalampak na lamang ako sa sofa saka bumuntong hininga.

Marahan kong ipinikit ang mata upang makapagpahinga ang mga ito pati na rin ang utak ko sapagkat ang dami dami ko ng iniisip.

"Kio, trabaho na", sambit ni Kix kaya't agad akong nag ayos upang umalis na.

We're secret agents, looking for intel sa isang person of interest.

"Any info Sexy?", tanong ko sa kaniya habang sinisipat ang binoculars.

"It's Kix you dimwit", anito saka inihampas sa akin ang folder na naglalaman ng impormasyon ukol sa taong iyon.

"Klein?", tinignan kong mabuti ang folder na iyon.

Kunot noong sinigurado kong si Klein nga iyon.

"Who is it?, oh...'di ba siya yung laging kasama ng asawa mo?", pagtatanong nito.

"Work first before personal", sagot ko sa kaniya.

Inirapan lang ako nito saka ginamit din ang binoculars niya.

"It's movin', time to go", agad kaming nagimpake at sumunod kay Klein.

*

"Ano kayang meron sa kaniya at siya ang narito sa case natin?", tanong ni Kix.

"Hindi ko din alam", maikling sagot ko.

Naaninag namin ang isang taong papalapit sa lugar na pinuntahan ni Klein.

"Is that...your wife Kio?!", anas nito na nagpakunot ng noo ko kaya't kinuha ko ang binoculars ko para makita kung sino nga iyon.

"See Kio, now is the 'tamang tyempo' para komprontahin mo siya", kinabahan ako sa sinabing iyon ni Kix.

Ayokong malaman ang totoo, lalo na kung ang katotohanang iyon ay ang panglalalaki niya.

Kinuhanan ko na lamang sila ng litrato, "I'll talk to her later".

Inungusan lamang niya ako, nabalik ang atensiyon namin kila Klein ng biglang may dumating na sasasakyan.

"Fuck Kio may baril!", gulat akong napatingin sa direksyong iyon dahil sa sinabi ni Kix.

"N-No", mabilis akong tumakbo papunta doon upang iligtas ang asawa ko, si Zia.

Mabilis ang mga pangyayari, wala na akong inisip kung hindi ang mailigtas ang asawa ko.

"Zia!", sigaw ko saka niyakap siya.

Naramdaman ko ang pagtama ng dalawang bala sa likod ko, ngunit mas naalarma ako ng makita kong tumagos ang isa't tumama din kay Zia.

"K-Klein, natatakot ako", para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

"N-Nadito ako, wag kang ma-alala", pagpapakalma ko sa kaniya.

"Natatakot talaga ako, Cugino", I felt my heart shatter.

"I-Its okay, don't worry", pinipigil ko ang mga luhang pumatak.

Inaakay ko siya papunta sa isang ligtas na lugar ng biglang magcollapse siya.

*

(Zia's POV)
"Zia, are you okay", marahan kong iminulat ang mga mata ko at sinipat ang paligid.

"Klein?, nasaan ako?", tanong ko sa kaniya.

"Nasa hospital tayo, nagkaputukan kanina. Mabuti na lamang at nakaligtas tayo", Ani Klein.

Biglang pumasok ang doctor na siya namang kinausap ni Klein.

"She's okay now, mabuti na lamang at hindi malalim ang bala kaya't walang tinamaan na vital organ",sambit ng doctor saka ito nagpaalam at lumabas na.

"Thank you for saving me, Cugino", pagpapasalamat ko kay Klein.

"Huh?, hindi ako ang kasama mo kanina...nagulat na nga lang ako nawala ka matapos yung putukan tapos may tumawag sakin na nandito ka", kunot noong tinignan ko siya.

"Kung gano'n, sino yung yumakap sa akin?", takang tanong ko.

Gulat kaming napatingin sa pintuan ng biglang dumating ang mga pulis.

"Nai-palab test na po namin ang dugong nasa lugar kung saan nangyari ang ingkwentro", sambit nito.

"Kanino po iyon sir?", tanong naman ni Klein.

biglang akong kinabahan dahil parang may mali sa nangyayari.

"Lumalabas po dito na nagmatch ang dugong iyon kay Mr.Kio Salvero", para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa sinabi niyang iyon.

"C-Cugino, a-asawa ko 'yon", sambit ko saka hindi napigilan ang pag iyak.

"Huwag kang mag alala Cugina, hahanapin natin ang asawa mo", anito habang hinahaplos ang likod ko.

"Salamat Cugino, tinutulungan mo ako kahit na hindi pa kita matulungan sa problema mo dito", ngiti lamang ang tugon niya sa sinabi ko.

Hindi ko pa siya maikuwento sa pamilya ko dahil gusto niya sanang itago muna dahil kamamatay lang ng pamilya niya, at ang putukang iyon ay siya ang pakay.

Agad akong umuwi ng bahay upang hanapin ang asawa ko.

Hindi tumitigil sa pagpatak ang luha ko, kailangan ko siyang makita.

Nagtungo ako sa aming kuwarto at doon nakalagay ang isang sulat, gamit ang dugo.

Nanghina ako ng makita iyon.

'Malaya ka na Hon, Be happy with your Cugino...mahal na mahal kita'

*

"Took you so long", ani Kix habang nagbubukas ng alak.

"I already let her go yey!", I feel nothing inside.

"You look like shit Kio", aniya habang ginagamot ang sugat ko.

"Dapat siguro nagpakamatay na 'ko",sabi ko saka tumawa.

"Baliw, magtigil ka nga't baka tuluyan kita", aniya saka tumawa din.

"Cugino, nice endearment", that made my tears to fall.

"Dumbass...cugino, is cousin in Italian", that words made me dumbfouded.

'I'm fucked'

Azie Yitsui's Short StoriesWhere stories live. Discover now