"She so gorgeous,'di ba Shane?", sambit ng isang dalagita sa di kalayuan.
"Indeed Kei,Princess Aurora is really beautiful", sagot naman ng isa na naging dahilan ng pagsilay ng ngiti sa aking labi.
"Mga ineng, maari ko bang malaman kung sino ang inyong pinaguusapan?", sambit ko nang dumaan sa harapan nila.
"Si Princess Aurora po, yung bida sa libro ng sleeping beauty", masiglang tugon naman nito.
"Alam niyo ba ang totoong kwento ni Aurora?", sabi ko na nagpakunot sa kanilang noo.
"Hindi po ba't isa siyang prinsesa na isinumpa at saka halik ng isang lalaking may totoong pagmamahala ang makapagpapawalang bisa roon?", sagot naman nitong tila ba kay taas ng kumpyansa sa kaniyang sagot.
"Tama ka diyan iha, pero may ilang bagay na wala sa kwento", muli ay nakita ko ang kunot noong mukha nila na animo'y 'di mahulaan ang sagot sa pagsusulit.
"At ano naman po iyon?", mabilis na tugon nila."Makinig kayo ng mabuti't isasalaysay ko; ang hindi nabanggit sa kwento ni Prinsesa Aurora".
***
Noong araw na iyon, nang marinig kong may nangyari kay Aurora ay nagmadali akong pumuntasa kaharian nila upang iligtas ang buhay ng aking kasintahan.Doon ay tumambad sa akin ang walang malay kong iniirog. "Nahuli kami ng dating prinsipe phillip, patawarin mo kami", lumuluhang sambit ng tatlong diwata.
"Wala kayong kasalanan,ako ang dapat niyang kasama sa lahat ng oras", nagsimula na ring bumuhos ang aking luha dahil sa lungkot.
"Ano ang aking maaring gawin upang mabuhay lamang siya, maski ang aking buhay ay ibibigay para sa kaniya", buong pagsusumamo kong tanong sa tatlong diwata.
"Ang halik lamang ng tunay niyang minamahal ang magbibigay sa kaniya ng buhay", diretsang sagot nito.
Walang ano-ano'y hinagkan ko ang aking kasintahan.Hinantay ang pagmulat ng kaniyang mata.
Ngunit ilang minuto ang nagdaa'y walang tugon ang nagmula sa kaniya.
Sinubukan kong muli siyang hagkan ng buong pagmamahal,ngunit walang kahit anong nangyari.
Bigo akong lumabas ng kwarto, naisipang magpatiwakal na lamang upang sundan ang aking iniirog.
Nagiisip ako ng paraan kung paano siya masusundan.Nang biglang pumasok ang aking kapatid sa palasiyo, si prinsipe Pharades.
Agad ko siyang sinundan, at laking gulat ng tinungo niya ang kwarto ng aking irog, si Aurora.
Pumwesto ako sa siwang ng pinto ng hindi nakikita nino man.
Nakita kong hinagkan ng aking kapatid si Aurora, at ilang saglit lamang ay dumilat ang mga mata nito.
Tila pinupunit ang aking dibdib ng malamang si Pharades at hindi ako ang mahal niya sa simula pa lamang.
Hindi na ako muli pang nagpakita sa kaharian. Nagpakalayo-layo ako upang makalimutan ang sakit na aking dinanas roon.
Mapait na lamang akong natawa nang malaman kong kasal na ang dalawang lapastangan na iyon.
Ang mahal ko at ang kapatid ko.
***
"Ang sakit naman po noon lolo, saan niyo po narinig ang kwento na iyon?", mangiyak ngiyak na sambit ng mga dalaga."Hindi ko iyon basta narinig lamang, nasaksihan ko pa iyon", sabi ko naman na naging dahilan ng kanilang pagtawa.
"Lolo, isa lamang pong fairytale ang kwentong iyon", aniya saka hagalpak na tumawa.
"Bahala kayo kung ayaw niyong maniwala, basta ngayon alam niyo na ang totoong kuwento", sambit ko saka tumayo na nagpatigil sa kanila sa pagatawa.
"Sandali po lolo, parang may kamukha kayo", muling kunot noong sambit ng dalaga. Ngiti lamang ang itinugon ko sa kanila bago naglakad sa gitna ng kalsada.
"L-lolo!", sigaw nila bago ako tuluyang maglaho kasabay ng sinag na nagmumula sa isang sasakyan.
YOU ARE READING
Azie Yitsui's Short Stories
AléatoireA compilation of my lame stories,hope you like it