The Untold Story Of:Rapunzel

5 1 0
                                    

"Daddy,please read me a bedtime story",sambit ng aking munting anghel habang nakanguso pa.

"Walang problema mahal ko",sagot ko naman habang iika-ikang palapit sa kaniya.

"Gusto ko po yung kwento ni Princess Rapunzel",medyo natigilan ako dahil sa sinabi niyang iyon.

Agad din naman akong tumungo sa kaniya,Iniiwasang matakot ang aking munting anghel.

"S-sigurado ka ba anak?",alangang tanong ko sa kaniya.

"May problema po ba,Daddy?",kunot noo namang aniya.

"W-wala anak",maikling tugon ko saka binuksan ang librong hawak niya.

Mapait akong napangiti ng makitang hindi nabanggit dito ang totoong kuwento ni Rapunzel.

"Makinig kang mabuti,munti kong anghel sa ikukwento ng iyong daddy",sambit ko saka pumwesto na siya upang matulog.

***
"Mahal,may problema ba?",nag-aalala kong tanong sa kaniya.

"A-ayos lang ako,mahal.Huwag kang mag-alala",tugon naman nito habang tila nanghihina.

"Gusto mo bang tumawag ako ng manggagamot?",nag-aalala pa ring tanong ko sa kaniya.

"S-sige,baka may maitulong siya",pagkarinig ko noo'y agad akong nagtungo sa pinakamalapit na mangagamot sa aming bayan.

"Maari niyo po bang tulungan ang asawa ko?,tila po may sakit siya",agad kong sambit nang makarating sa bahay ng manggagamot.

"Nasaan ba ang iyong asawa?",gulat pero mahinahong tanong niya.

Agad siyang sumunod sa akin ng dala na niya ang lahat ng gamit niya sa panggagamot.

~~~
"Mahal,nandito na ang mangagamot na pinatawag mo",agad kong sambit ng makauwi sa bahay.

"Magantay ka na lamang sa labas,ako na ang bahala sa asawa mo",mahinahong ani manggagamot.

Kaya't ako'y naghintay na nga lamang sa labas.

Balisa at paikot-ikot ang lakad hanggang sa marinig ko ang impit na hiyaw ng manggagagmot kaya't patakbo akong bumalik sa loob.

Ang amoy na iyon,alam ko ang amoy na iyon.

Iyon ang amoy sa abandonado naming bodega sa 'di kalayuan.

Amoy malansang bagay na hindi ko maipaliwanag.

"R-rapunzel",Nanginginig kong sambit ng makita ang aking kasintahan.

Siya'y puno ng dugo,hawak ang puso ng manggagamot sa kaliwang kamay at atay naman sa kanan.

Ang asawa ko pala ang dahilan ng usap-usapan sa bayan,na pagkawala ng mga tao rito.

"T-tulungan mo ako mahal ko",balisang aniya habang nasa ganoon pa ring puwesto.

"A-ano ang gagawin ko?",gulat man sa mga pangyayari ay pinilit kong magpakatatag para sa kaniya.

"K-kailangan kong kumain,pero ayoko nang makasakit pa",humahangos na aniya.

"A-ano ang gusto mong gawin ko?",tanong ko sa kaniya dahil maski ako'y gulat sa mga pangyayari.

"Dalhin mo ako sa lugar na wala akong masasaktan",mahinaho't seryosong aniya.

Kaya't ng gabi ngang 'yon ay dinala ko siya sa isang lugar na walang makakapunta sino man,sa isang tore.

Iniaakyat ko siya roon ng may busal upang hindi niya ako kainin,na inalis ko rin nang maiakyat ko na siya.

"A-aray!",kinagat niya ang aking binti.

"P-paumanhin mahal ko,umalis ka na!",humahangos na aniya habang ang dugo ko'y tumutulo mula sa kaniyang labi.

Masakit man dulot ng ginawa niya sa akin at dahil na rin sa gagawin kong pag abanduna sa kaniya,ay kailangan kong gawin ito para sa kapakanan ng nakararami.

Isinara ko ang pintuan sa baba upang matiyak na walang sino man ang makakapunta sa kaniya.

At mula nga noo'y namuhay ako na malayo sa kaniya.

***

Hindi ko ikwenento ang bagay na iyon sa aking munting anghel,bagkus ay sinunod na lamang ang kasinunggalingang isinasaad ng libro.

"The End",pagtatapos ko sa kwento saka tinuon ang tingin sa aking anak.

Mahimbing ang tulog ng aking munting anghel,tulad ng kaniyang ina sa t'wing matutulog na kami noon.

Nababalitaan kong may mga haka-hak ng pagkawala ng mga binata sa lugar kung nasaan ang tore ng aking asawa.

Hindi ko pala talaga napigilan ang banta niya sa karamihan.

Papalabas na ako nang biglang may matulis na tumaraksa aking leeg.

Hindi ko na nagawang lumaban nang makitang ang aking munting anghel na tinubuan na ng kaniyang mga panggil.

"Dalaga ka na pala",huling bagay na nasabi ko bago mawalan ng ulirat matapos buksan ng aking munting anghel ang aking katawan.

Azie Yitsui's Short StoriesWhere stories live. Discover now