Chapter Thirteen:~Wanna Know The Truth?~

246 12 0
                                    

Paalala masyado madrama ang susunod na mga pangyayari hahaha

Sana po magustuhan niyo ang update!!

Vote.

Comment.

Salamat po sa support!!

Kapag madami na yung readers gagawan ko na sila ng facebook and hahanap na din ako ng operators and also gagawa na din ako ng group kapag marami na ang mga readers haha ^___^

__________________________________________________

Chapter Thirteen:~Wanna Know The Truth?~

Angela’s pov:

NAIINIS AKO!!

PUNUNG-PUNO NA  TALAGA AKO SA KANYA!!

Alam niyo gusto ko na talagang umiyak gusto ko siyang sigawan. Mahal ko siya pero sa tingin ko masyado na akong masokista and higit sa lahat sinisisi ko yung sarili ko sa pag-gawa ng rules na yun kasi ng dahil dun nawala na yung closeness ulit namin back to walang paki-alamanan na naman pero yung pinakamasakit sa lahat iyun yung nakikita mo siya na may inuuwing babae sa bahay NIYO mismo. Sabihin niyo nga sa akin sino ang hindi masasaktan diba kahit sabihin niyo na kasama yun sa rules na walang pakialamanan sa private life ng bawat is asana kahit konting respeto lang binigyan niya ako!!

Andito ako ngayon sa condo ni kuya siya lang naman yung mapagsasabihan ko ng mga problema ko kaya pasalamat ako meron akong kapatid na kagaya niya.

“nako baby sis ang sarap patayin ng magaling mong asawa” agad na sabi niya ng ikwento ko yung nangyari

“ako din naman yung may kasalanan eah. Because of that stupid rules that I made.”pagdadahilan ko naman. Di ko alam parang pinagtatanggol ko pa si Aldrich.

“oo nga’t ikaw yung gumawa nung rules na yun pero hindi naman tama yung ginawa niya eah. Kahit na sabihin natin na asawa ka lang niya sa papel mali pa rin sa mata ng Diyos yung ginagawa niya. Isa pa baby sis matuto ka naman ipagtanggol yung sarili mo wag yung laging tinitiis mo yung sakit na nararamdaman mo. Kapatid mo ako alam ko nararamdaman mo even sila mom and dad alam yung nararamdaman mo akala mo ba di sila nag-aalala sila lagi nila akong tinatanong kung maayos ba yung pagsasamahan niyong mag-asawa kasi alam nila na may mali alam din nila na hindi mo iyon sasabihin sa kanila. Angela minsan naman wag mo paganahin yung pagiging masokista mo”

“kuya nahihirapan na ako sa sitwasyon namin. Minsan iniisip ko na makipaghiwalay na pero laging nasa isip ko na di pa naman kami matagal na nagsasama siguro magwo-work pa ‘tong marriage na toh pero lumilipas yung mga araw wala naman nagbabago. Kuya hindi naman siya ganyan dati eah nawala na yung Aldrich na minahal ko. Kuya di ko na siya kilala ngayon.”tulo-tuloy pa din ako sa pag-iyak si kuya naman inabutan ako ng box ng tissue

“shhh don’t cry na. Dapat siguro siya yung kausapin mo wag ako kasi hindi ko naman alam yung takbo ng utak niya eah and dapat magdesisyon ka sa sarili mo,wag mong iaasa sa iba yung gagawin mong desisyon baka kasi sa huli magsisi ka dahil sinunod mo yung desisyon na sinabi ng iba”

“Kuya ang hirap kasi eah di ko naman alam yung nararamdaman niya ta—“ din a ako pinatapos ni kuya sa sinasabi ko

“kaya nga lilinawin mo sa kanya yung nararamdaman mo eah. Malay mo hanggang ngayon mahal ka pa din niya”alam ko naman na pinapalakas lang ni kuya yung loob ko eah

“natatakot ako malaman kung ano yung nararamdaman niya. Sa tingin mo kuya mambababae ba siya kung hanggang ngayon mahal niya pa din ako?”

We're Strangers[on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon