dapat kahapon ko pa toh ipopost eah kaso di ko natapos hahaha!!
sa lahat ng mga classmates ko na nagababasa nito yieee!! eto na ang kulit niyo!! ^___^
vote.
comment.
______________________________________________________________________
Chapter Fifteen: ~Finding Her~
Aldrich Pov:
Bumalik ako sa kwarto niya. Kumpleto pa naman yung laman ibig sabihin babalik pa siya.
Habang hinihintay ko siyang bumalik tinignan kong mabuti yung kwarto niya. Di pa rin siya nagbabago ang linis linis ng kwarto niya. Pero may napansin ako dun sa side table niya
Our wedding ring…
Iniwan niya yun alam ko lagi niya yun suot. Iiwan niya na rin ba ako gaya ng ginawa ko sa kaniya?
Nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko sa kanya. I remember bago mamatay si lola nagsorry siya sa akin but hindi ko alam na tungkol sa pag-gawa niya ng dahilan para mapaghiwalay kami pero hindi ko sinisisi si lola dun dahil umpisa pa lang ako na yung nagkulang sa tiwala para sa kaniya. Nagpadalos dalos ako ng desisyon di ko siya kinausap nun bago ako umalis or sana din a ako umalis. Akala ko noon ako lang yung nasasaktan iyon pala mas nasaktan ko ng sobra. Kung tatanungin niyo ako kung ano na lang ang gagawin ko kung iiwan niya na talaga ako?
Di ko alam
Pero siguro gagawin ko lahat para bumalik siya sa akin
nalayo na siya sa akin ng tatlong taon kaya hindi na ako papayag na malayo ulit siya sa akin.
Mga ilang oras na yung nakakalipas pero wala pa rin siya so I decided to look for her.
Kinuha ko agad yung susi ng sasakyan and jacket ko.
While driving iniisip ko kung saan siya pwedeng pumunta
Baka nasa bahay siya ng parents niya kaya iyon yung una kong pinuntahan
Nang makarating ako dun nag-doorbell agad ako. Si tita yung nagbukas ng pinto
“sino hinahanap mo Aldrich hijo?” tanong niya sa akin
“a-ah ano tita andito po ba si angela?” tanong ko din sa kaniya
“ha? Wala siya dito ano ba ang nangyari at dis-oras na ng gabi eah wala pa siya?” nakita ko ang pag-aalala sa boses niya kaya napayuko na lang ako.
Ako may kasalanan nito eah
“t-tita kasi nag-away po kami” pag-amin ko
“tss mga bata talagang ito oh..normal lang yan sa mag-asawa kaso ibahin mo si angela matigas ang ulo niyan nako kung ako sayo hanapin mo agad yan baka andun siya sa condo ng kya niya sa Makati ” sabi ni tita na nagaala ala pa din
“sige po tita salamat po”
“sige hijo mag-ingat ka” tumalikod na siya pero may naalala ako
“ tita!!” tawag ko bago niya masara yung gate
“ano yon hijo?”
Napakamot na lang ako sa batok ko sabay tanong
“saan po ba yung condo ni kuya rain sa Makati?”
“haha oo nga pala noh sa ******* text ko na lang sayo kung saan siya doon” pagkasabi ni tita nun umalis na agad ako
Natanggap ko na din yung text ni tita
BINABASA MO ANG
We're Strangers[on-going]
Romancewe're not friends..... ......We're Strangers with memories.....