CHAPTER 6

4.2K 96 18
                                        

QUINLEE'S POV

"Good afternoon class!" bati ng teacher namin at bumati na rin kami ng mga kaklase ko.

Nagsimula ng magdiscuss si ma'am tungkol sa lesson at ng lingunin ko si Cody at Zik ay hindi na katulad kanina ang mga mukha nila na parang mangangain na ng tao sa sama ng tingin sa isat-isa.

Ngayon ay back to normal na ang awra nilang dalawa.

Mabuti naman.

Napansin ko rin na iniiwasan nila akong tingnan. Ano na naman ang drama nitong dalawang 'to? Tsk.

'Yong mga kaklase ko ay halatang bored na bored na sila sa mga pinagsasabi ni ma'am.

Kinuha ko ang ballpen at notebook ko para mag take note sa mga isinulat ni ma'am sa pisara at nakinig na rin ako sa mga itinuturo ni ma'am.

Maya-Maya~

May nakita akong isang babaeng nakatayo sa harap ng pintuan ng classroom namin at biglang kumislap ang mga mata ko nang makita ko si Yumi, napangiti ako.

Sabi ko na nga ba magiging magkaklase kami, Masaya 'to!

"Good Afternoon ma'am! and hi everyone!" *smile* Bati ni Yumi.

Pagkatapos niyang bumati ay Ipinakilala na siya ni ma'am sa amin ng mga kaklase ko.

"Okay class, may I have your attention Please?" Agaw ni ma'am sa attention namin.

"I would like you to meet your new classmate, She is a transfer student, galing siya sa states at dito niya gustong magpatuloy at magtapos ng pag-aaral so I want you to be nice with her. "*smile*

"Whoaaa! Ayos!" isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa mga kaklase kong lalaki.

Sumigaw ang mga lalaki kong kaklase dahil halatang kilig na kilig sila ng makita nila si Yumi.

"Ssshhhh! Class Listen!"

"Okay, Miss Yumi please introduce yourself. " Utos ni ma'am kay Yumi.

Tumango lang si Yumi at nagsimula na magpakilala sa kanyang sarili.

"Once again, Good afternoon! I'm Yumi Mazda, 21 years old and I'm looking forward to be friends with you all *smile* more of that, I know that the University can give quality education to the students and I believe that it's a privilege to be part of this institution. *Smile* my goal is not just to be successful on the future all alone but I want to do it with someone who is very dear to me, He became my treasure eversince when we're still young. I am here not just for my own good but I'm also here so that I can prove to him that he is worth the wait, other than my parents he became my inspiration to strive and persevere to finish my studies and be successful. *smile* That's all thank you."

Nagpalakpakan ang mga lalaki kong kaklase.

*Clap-Clap-Clap!*

"Ang swerte naman ng lalaking tinutukoy mo miss! " komento ng isang lalaki kong kaklase.

"Oo nga!" sabi naman ng isa at nag-agree na ang lahat.

Kita kong ngumiti lang si Yumi sa kanila.

Lumipas ang ilang segundo at nagulat ako nang biglang tumingin si Yumi sa katabi kong si Zik na ngayon ay gulat na gulat at parang nakakita ng Multo.

Ahm... Magandang Multo?

Guni-guni ko lang ba 'to? O talagang nakangiti talaga ng napakatamis si Yumi kay Zik?

My Instant Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon