***FORD'S RESIDENCE***
QUINLEE'S POV
"Where have you been?" Tanong ng pabidang lalaki sa akin pagkabukas ko sa pintuan ng living room.
Nandito na pala siya.
"Ano'ng paki mo?" Pilosopo kong sagot at saka mabilis at dire-diretsong naglakad papuntang kwarto.
Pagkabukas ko sa pinto ng kwarto ay narinig ko siyang nagsalita ulit, Psh! Sumunod pala ang pabida.
"Lee, I'm talking to you." Naiirita niyang sabi.
"Wala ka na do'n at saka 'wag mo nga akong pakialaman, hindi ko naman responsibilidad ang e-explain sa'yo lahat ng mga ginagawa ko kaya pwede ba? kahit ano'ng trip ko sa buhay, wala kang karapatan na kwestyonin ako at hindi naman kita kaano-ano, stranger lang tayong dalawa, alam naman nating pareho 'yon kaya know your limits." Diretso kong sabi at akmang pupunta na sana ako ng banyo para mag-shower nang hilahin niya ang isang kamay ko ng mabilis at idiniin niya ako sa wall, hinawakan niya ang dalawa kong kamay para hindi na ako makapalag at agad niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
*Dug-Dug-Dug-Dug!*
Ang lakas ng tibok ng puso ko, kulang na lang ay lumabas sa dibdib ko ang puso ko sa bilis ng tibok nito, Anak ng hotdog na maharot! sigaw ng isip ko.
Mas lalo pa itong bumilis nang tingnan niya ako ng mata sa mata. ><
"Whether you like it or not, You're my wife now. Even we're strangers, It will not change the fact that we're f*cking married and you as my wife must be responsible enough to inform me everything you do. Whatever it is! Do you understand?" galit at seryosong sabi niya ng nakatingin pa rin sa mga mata ko ng diretso.
Tiningnan ko siya sa mata ng hindi sinasagot ang tanong niya at mas lalo ko pang tinitigan ang mga mata niya, napakaganda ng mga mata niya, ang lalim para akong nalulunod sa tingin niya at para na akong aatakihin sa bilis ng tibok ng puso ko.
Bakit ako nagkakaganito? May sakit ba ako ? tanong ko sa isip.
At napatingin ako sa mga labi niya.
"Ang ganda at ang pula ng labi niya, ang serep beh." sigaw ng malandi kong utak. Langyang utak 'to.
Tinulak ko siya ng malakas at saka sinabi ko ang mga salitang hindi ko inaasahan na masasabi ko.
"Gano'n ba? Eh? Ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako ng kaek-ekan mong 'We're married' eh? ikaw nga d'yan ang nilalandi at tinawag na 'babe' ng transfer student kanina! May pakiss-kiss pang nalalaman, Psh! Eh, ang saya-saya mo nga nang gawin niya 'yon sa'yo! Kaya kung gusto mong tratohin kita na asawa ko, bigyan mo rin naman ako ng respeto at kahihiyan! dahil kahit alam natin na kasinungalingan lang ang lahat ng 'to ay ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa paligid natin kung nakikita nila na may kalandian kang iba? Hindi ba nakakahiya 'yon?! Kaya 'wag ka nang umasa pa na aakoin ko ang responsibilidad na maging asawa mo kung sa sarili mo ay hindi mo 'yon ena-apply! Umayos ka pabidang lalaki!" straight kong sabi at umalis na ako papuntang banyo ng hindi na hinintay pa ang mga sagot niya sa sinabi ko.
Pagkapasok ko ng banyo ay agad ko itong enilock at huminga ng malalim habang kinakalma ang puso kong sira. Tsk.
Agad na akong nag-shower at habang pumapatak ang mga tubig sa mukha ko ay ramdam kong namula ang mukha ko nang ma-realize ko ang mga sinabi ko kanina kay Zik.
*Tinampal-tampal ko ang mukha ko sa kahihiyan*
Bakit mo sinabi sa kanya 'yon Quinlee? Amoy selos ka yata? *._.* tsk.
"Eh, bakit? Hindi ka ba nagseselos? eh? kahit hindi mo naman aminin ay halata namang nagseselos ka lang, tanga!" Sabi ng utak ko.
"Ano!? Hindi 'no! Psh! Selos!? Bakit naman ako magseselos?" Sabi ng isa ko pang utak.
BINABASA MO ANG
My Instant Husband (Completed)
RomanceQuinlee Velez has a wealthy but miserable life, despite of that she has a boy bestfriend who is one call away in times of distress and trouble. She always has things planned out to pursue and reach her dreams until one day she meets a guy named Zik...
