QUINLEE'S POV
Matapos kong sabihin ang lahat kay Cody at nang makabawi na siya sa gulat ay---
"Ano!? Kaya pala, naiintindihan ko na ngayon." sagot niya at nakita kong ikinuyom niya ang kanyang kamao.
Niyakap niya ako para patahanin, lumipas ang ilang minuto at naging maamo na ang mukha ni Cody na nakatingin sa'kin.
"Sssshhh! Alam mo Quin? nasaktan ako hindi dahil hindi mo sinabi kaagad, naiintindihan naman kita eh." dagdag niyang sabi.
Tiningnan ko siya sa mata at gano'n din naman siya.
"Alam mo ba kung bakit ako nasasaktan?" Tanong niya at mapait siyang napangiti.
"Dahil wala akong magawa sa sitwasyon na pinagdadaanan mo ngayon, ang sakit lang isipin na wala akong silbing bestfriend 'di ba? at mayroon akong na-realize, Na-realize ko na kung kailan ay pag-aari ka na ng iba, hindi ka na pwedeng maging akin, Inis na inis ako sa sarili ko dahil higit pa sa isang bestfriend lang ang turing ko sa'yo." Sabi niya kaya napanganga ako at nagulat sa sinabi niya.
"Mahal kita Quin, Mahal na Mahal kita."dagdag niyang sabi at niyakap niya ako ng napakahigpit.
Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya at alam kong umiiyak siya habang magkayakap kami. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin para mabawasan man lang ang sakit na nararamdaman ngayon ni Cody kaya niyakap ko rin siya ng napakahigpit at sinabing "Tahan na Cody, Please." at ako? Hindi ko malaman kung ano'ng pwede kong gawin at maramdaman sa mga nalaman ko ngayon, parang sasabog na ang dibdib at utak ko, nasasaktan ako, kailan ba matatapos ang paghihirap ko?
Si Cody ang unang bumitaw ng yakap pero iyak pa rin siya ng iyak sa harapan ko at tinitigan ko lang siya.
Galit ako sa sarili ko, bakit ba lahat ng taong malapit sa akin ay nasasaktan din? Ano ba ang meron ako? Bakit ang malas-malas ko naman? tanong sa isip ko.
"Cody, tahan na Please? hindi ko rin alam kung ano ang pwede kong maramdaman sa pagtatapat mo sa'kin pero alam mo naman na mahal na mahal rin kita bilang pinakamatalik kong kaibigan 'di ba?" sabi ko sa kanya.
Tiningnan niya ako ng may pagtatanong.
"hindi mo ba ako pwedeng mahalin ng higit pa sa isang kaibigan Quin?"
"Cody hindi natuturuan ang puso, tanging ang puso lamang ang nakakaalam kung sino ang gugustohin niya at mamahalin." sagot ko at nginitian ko siya ng matamis na ngiti.
"Hindi ka naman mahirap mahalin Cody dahil mabait ka naman, Gwapo, mayaman, matalino, makulit, sweet, caring at ideal guy ka naman talaga." dagdag kong sabi.
"Pero 'gaya nga ng sabi ko, hindi natuturuan ang puso dahil kusa na lang itong magmamahal, Makinig ka... mahal kita bilang pinakamatalik kong kaibigan Cody pero kung tatanungin mo ako kung mahal kita higit pa sa isang kaibigan ay hindi ko masasagot 'yan." seryosong sabi ko.
"Ang sakit mo naman magsalita Quin, Basted na ba ako kaagad? gusto mo ba magtampo ako sa'yo? Ha?" Tanong niya sa'kin at saka ngumiti ng pilit.
Ginulo ko ang buhok niya at saka nginitian ko siya.
"Alam mo ba bestfriend? Ang drama mo eh? 'no? Hindi ko alam na may tinatago ka palang kalandian d'yan sa katawan mo." natatawa kong sabi.
Sinamaan niya lang ako ng tingin at saka nag-pout.
"Okay lang, Maghihintay ako Quin, hihintayin kong mahalin mo rin ako hindi bilang kaibigan kun'di higit pa sa isang kaibigan." sabi niya at ngumiti siya, 'yong ngiti niya ay hindi na katulad no'ng kanina, 'yong ngiti niya ngayon ay isa na itong tunay na ngiti.
BINABASA MO ANG
My Instant Husband (Completed)
RomanceQuinlee Velez has a wealthy but miserable life, despite of that she has a boy bestfriend who is one call away in times of distress and trouble. She always has things planned out to pursue and reach her dreams until one day she meets a guy named Zik...
