QUINLEE'S POV
Palimbag-limbag ako habang nag-iisip kung paano ako makakatulog nito, kasi naman hindi talaga ako makatulog.
Pansin kong nakaupo lang ang pabidang lalaki sa kama at inihiga niya medyo ang likod niya sa headboard ng kama habang busy sa kakalikot ng cell phone niya.
Umiwas ako ng tingin nang bigla na lang tumingin si Zik sa akin ng may pagtatanong na tingin.
Lumipas ang ilang segundo at ramdam kong nakatingin pa rin siya sa akin.
"Ano'ng tinitingin-tingin mo d'yan?!" irita kong tanong.
"Why you're still there?" nakakunot-noong tanong niya.
Nandito kasi ako sa sofa ng kwarto namin, Malaki ang kwarto na ito at parang hindi normal na kwarto ang laki, parang isang buong bahay na kung tutuusin.
Sinamaan ko siya ng tingin at sinabing, "At bakit na naman?! gusto mo ba talagang matulog ng magkatabi tayo!? Ano ka siniswerte?! Hoy! Para sabihin ko sa'yo? Hindi ka talaga makakatulog kung ako ang katabi mo! Eh? sa sexy kong 'to!? Baka pagpantasyahan mo lang ako! Kaya NO WAY!!!!" iritang sabi ko at diniinan ko talagang sabihin ang salitang No way. Tsk.
"What?! Me?! Are you nuts? Hindi ako pumapatol sa isang katulad mo 'no! Dream on girl!" sagot ni Zik.
Nanlaki ang mata ko at napanganga ako sa sinabi niya.
O_o
Hindi dahil sa sinabi niyang hindi siya papatol sa'kin kun'di sa pagsasalita niya ng Tagalog!? For the first time! Narinig ko siyang magtagalog!
"Ano?! Ano'ng sabi mo? Akala ko hindi ka nagsasalita ng tagalog, bakit ngayon ko lang narinig? Ang buong akala ko talaga ay lumaki ka sa states kaya akala ko hindi ka marunong magsalita ng tagalog?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Tss. Bakit naman hindi ako marunong magsalita ng tagalog? Eh, nakakaintindi nga ako hindi ba? so, it means I can understand and speak too, I can do both. Tss." Sabi ng pabidang lalaki.
O____O
"Akala ko pa naman ay hindi ka marunong! Eh? pinahihirapan mo lang pala ako eh! May pa english-english ka pang nalalaman d'yan! Eh, pwede ka naman palang mag-tagalog!" bulyaw ko kay Zik.
"Tss." reaction ng pabidang lalake.
'Yan lang 'yong sagot niya at humiga na siya sa kama saka ipinikit ang kanyang mga mata habang tinatakpan niya ang kanyang mukha gamit ang isa niyang braso.
"Teka? Hoy! Saan naman ako matutulog!?" tanong ko sa pabidang lalake.
"Hmmm?" Sagot niya na halatang antok na antok na.
"Hindi naman ako makakatulog dito sa Sofa! Ikaw na lang kaya dito at ako d'yan! Kung 'gentledog' ka, dito ka na lang sa sofa at ako d'yan sa kama!" Sigaw ko.
"No, I can't sleep there and I don't mind if you sleep beside me, so will you shut the f*ck up and sleep instead?"
Sinamaan ko na lang siya ng tingin at hindi na ako umimik pa.
Anak ng hotdog talaga. Psh!
*After few minutes*
Wala na akong nagawa kun'di titigan ang natutulog na pabidang lalaki.
Infairness, mabait siyang tingnan kapag natutulog at ang tangos ng ilong niya at gwapo rin naman pala siya kahit natutulog. >||<
Hays! huwag mo nga purihin ang pabidang lalaking 'yan Quinlee! Ano ka ba!" Sigaw ng utak ko.
BINABASA MO ANG
My Instant Husband (Completed)
RomansaQuinlee Velez has a wealthy but miserable life, despite of that she has a boy bestfriend who is one call away in times of distress and trouble. She always has things planned out to pursue and reach her dreams until one day she meets a guy named Zik...
