I

1.2K 48 7
                                    

🏴‍☠️
Mystyryyy
Deadliest_Compass
🏳Elixir University: The Masquerade Masks🏳 [Book 1]
Sci-Fi University Series
-I-

Ang Mahiwagang Kahon

[Current Location: Human World]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Current Location:
Human World]

Airish's POV

'Anong nangyayari? bakit sila tumatakbo?' Bulong ng isip ko.

Naglalakad ako sa hallway ng biglang nagkagulo sa school.

Sa Girl's Academy ako kasalukuyang nag-aaral kaya siguradong hindi lalaki ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Lahat sila ay mabilis na tumatakbo- patungo sa i-isang silid.

Mabilis. Mabilis. Mabilis.

-iisang direksyon ang kanilang tinatahak.

High school pa lang ako at hindi ko pa alam kung saang University ako makakapag-aral. Di ko nga din alam kung makakapag-aral pa ba ako o dediretso na sa paghahanap ng trabaho. Tutal pwede namang kumita ng pera kung high skilled ako sa programming or any technical skills na makapagbibigay sa akin ng sapat na kita. The world is now innovative.

'Teka- ANO ang nangyayari?' Tanong ulet nang curious na tinig sa utak ko.

'Hindi mo malalaman kung tatayo ka lang dyan.' Sagot ng isang tinig.

At para malaman ang kasagutan ay sumunod ako sa iba pang mga mag-aaral na nagsisitungo sa i-isang silid somewhere here in Girls Academy.

Nag-uumpukan sila doon at may tinitignan. May tinitignan? Napataas ang kilay ko- hindi lang yung isa syempre sabay yung dalawang kilay.

At nang marating ko ang lugar ay nakita ko ang isang babaeng umiiyak.

'Bakit kaya siya umiiyak?'

'Bakit ang pag-iyak niya ay kailangan pang panoorin ng mga mag-aaral?'

'Gaano ba kahalaga ang kanyang mga luha?' sunod-sunod na tanong ko na tila ba may kausap ako.

Nakita kong may hawak-hawak siyang isang mahiwagang kahon. Isang magandang kahon na tila 11 x 11 inches ang sukat sa tansta ko. Magaling lang talaga ako sa mga measurement na yan. If I will be given the chance to study, I would love to try Architecture course.

Teka, balik nga tayo sa kahon.
Ano kaya ang laman niyon?

Yoon ba ang dahilan kung bakit siya umiiyak?

Bakit hindi na lang niya buksan para makita namin? Pasensya na kung halos patayin ako ng kuryosidad.

"Saih, wag ka mag-alala. Babalik din ang kuya mo. Hindi mo na kailangang i-report ito sa pulisya. Baka magalit lang sayo ang kapatid mo kung malaman niyang -" Habang pinakakalma ng isang babae ang estudyanteng umiiyak. Ah so, Saih pala ang pangalan ni ate na Famous Girl- kasi sya ang sentro ng kaguluhang ito.

Elixir UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon