⚜️ PROLOGO ⚜️

1.9K 57 0
                                    

Lahat kami ay may Hologram sa kanya-kanya naming upuan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lahat kami ay may Hologram sa kanya-kanya naming upuan. Malinaw naming nakikita in three dimensional image ang presentation ni Professor Plax. Ang astig diba. Napakataas ng teknolohiya dito kung i-kukumpara sa Human World.


"Mababa pa nga iyan Airish - mas kakaiba at mas mataas ang teknolohiya sa Scalar University, Quasar University at Unknown Realm." Saad ni ULrich. Hindi na siguro siya nakatiis dahil amaze na amaze na agad ako sa nakita ko.

Meron din naman kasing hologram sa earth pero tanging ang mga Prestigious Universities lamang ang meron nito doon, at sa mga Lugar sa mundo na maunlad na talaga ang teknolohiya.

Pero iba pa rin yung mga kagamitan dito sa M-Gen, lubhang mas advance.

Malapit na matapos ang class namin nang biglang narinig ko ang mga pigil na sigaw sa labas. Alam mo yung mga babae na kinikilig sa crush nila pero pinipigil ngumiti at magsisigaw? Ganoon yung tunog sa labas. Mga babae nga naman oh. Ay babae din nga pala 'ko.

Napailing-iling na lamang ako at hindi sila nilingon.

Mas interesado ako sa Hologram kaysa sa pangyayari sa labas ng aming silid.

Currently, naka-focus ako sa hologram mula sa isang maliit na device na naka-attach sa lamesa ko ng biglang maramdaman kong sa akin sila lahat nakatingin. Pati si Professor Plax ay saakin rin NAKATINGIN. Tsk. May amos ba ako sa mukha?

"Airish tumayo ka- "

'Bakit ULrich?'

"You need to go with the man that awaits you by the door-" Informed saken ni ULrich. A man? Ah baka si RD? Yung na meet ko sa Symbolica kanina.

Pagtingin ko sa pintuan ay nakita ko ang naka-pamulsa na lalaki. Shit! Yung mystery guy na nakaiwan ng hindi pangkaraniwang libro sa puno. Ay baka kukunin niya nga yung book niya.

Paano ba yan nasuli ko na sa Symbolica.

Ay good, sabihin ko na lang na wala na saken, and assure him that he don't have to worry about it. Its already safe and sound.

Tumayo ako, ramdam ko na hanggang ngayon ay saakin parin nakatingin ang lahat ng kamag-aral na nakasuot ng masquerade masks.

Iba't- ibang kulay at disenyo ng Maskara na nakasalalay sa kung saang League ka kabilang.

Napatingin ako sa aming guro.
Kalmado lamang si professor Plax.

Then I look at the mystery guy na tahimik na nakasandal sa may pinto, staring at me.

Elixir UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon