"Anong gusto mo bes?"
"Kuhanan mo nalang ako Pringles at Piknik yung sa can tapos isang liter ng Mogu-Mogu na lychee please. Chips Ahoy narin. Thanks. Anong gusto mong chocolate?"
"Ikaw magbabayad ng sayo ah. Kahit ano nalang sa chocolates basta yung walang raisins"
Tumango ako then we parted ways. Nasa 7/11 kami ngayon bibili ng snacks. But damn, andito kami sa 7/11 na sa tabi lang ng condo ni Audenzia. Baka naman wala siya at nasa parents niya. Aish. Alexis is with Leigh while I'm all alone because Braelynn is nowhere to be found. Bahala siya diyan may kasalanan rin yun saakin. She ditched me for that friend of hers.
I headed towards the chocolates section saka nagsimulang kumuha. I remembered that time when I was with Aud kumukuha ng chocolates. She almost emptied the whole freaking section! Oh my gosh.
Anyway, kung ano ano lang yung kinuha ko. Mars, Maltesers, Toblerone, Hershey's, Dairy Milk, Twix, M&M's, Lindt, Ghirardelli, Crunch, Ritter Sport, and such. Naglagay rin ako sa basket ng Pocky at Pepero. Sayang wala yung favorite kong chocolate na laging bigay ni Auden-
Tss.After I got satisfied with the chocolates, dumiretso ako sa ice cream section. I was about to open the freezer nang may naunang nagbukas doon. Nahagip ng mata ko ang pamilyar na bagay sa daliri ng taong yon so I quickly looked at that person's face and to my surprise, it's Audenzia.
Shit, eto na nga yung sinasabi ko eh malapit lang yung condo niya dito. And that familiar thing on her finger was the ring I got her. Akala ko tinapon niya na.
"Oh hey my Cleurienne. What a coincidence"
Ang bubbly niya parin parang di lang kami nagkasagutan kanina ah. Naka hoodie siya and maong shorts plus Crocs.
"Ah hi"
Maikling sambit ko. She continued choosing a flavor habang naghihintay lang ako sa likod niya. Pinagmasdan ko siya hanggang matapos siya mamili and she got a tub of vanilla ice cream. Yan talaga yung favorite niya eh.
"Uhh what flavor do you want? Ako na kukuha"
She asked. Nag aalangan pa ako kung hahayaan ko lang siyang kumuha pero nakatitig siya saakin at naghihintay ng sagot so I sighed.
"Tig-iisang rocky road, black forest, at cookies and cream please"
Sambit ko and she smiled bago kumuha at isa isang inabot saakin.
"Thanks"
I murmured saka binuhat ang basket pero nahirapan ako kaya binaba ko ulit.
"Let me help you. Lagay mo sa basket ko yung mga ice cream"
"No, okay lang. Kaya ko na"
"I insist. Magbabayad rin naman ako sa counter"
Wala na akong magawa nang siya na mismo ang kumuha ng ice cream at inilagay sa basket niya. Hays ang kulit
BINABASA MO ANG
Is She The One? (On Going)
JugendliteraturCleurienne Damshiel Miller's journey of love. Past vs. Present Who? Audenzia Yael Tiamzon? Is She The One? ______________________ Date started: November 03, 2020 Date completed: - - -