Prologue

7 2 0
                                    

"Nandito na tayo" masayang sabi ng mama ko pag labas nya ng kotse

"Dito ulit tayo titira?" Dismayadong tanong ng nakaka tanda kong kapatid na babae

"Bakit ano namang problems ate" curios na tanong ng bunsong lalaki kong kapatid

"Tss wala tara na nga ang init ohh tirik na tirik ang araw" reklamo ni Ate Leni

Kaya ayun naglakad na kami papasok sa dati naming bahay

You heard it right dati naming bahay kasi palipat lipat kami ng bahay.Eto na ang kinalakihan kong bahay  hanggang 7 years old ako dito kami tumira pero two weeks lang matapos ang 7th birthday ko namatay ang lolo ko kaya pumunta kaming probinsya kung saan nakatira sila Lola sa father side ko

Sa di inaasahang pangyayari ilang buwan matapos mamatay ang lolo nagkasakit naman ang Lola ko at kailangan ng pera pang pagamot dahil sa di naman kami mayaman at tatlo lang sila papa magkakapatid at may kanya kanyang pamilya na nung time na yun kaya isinangla muna nila  mama at papa etong bahay.

Tapos yung iba pang kapatid ni papa nag bigay din ng tulong financial para may pang maintenance si lola kaya pansamantala doon muna kami tumira sa probinsya at doon ko narin pinagpatuloy ang pag aaral ko at sinamahan narin namin pansamantala manirahan si Lola doon

Habang nakatira kami doon ay nag iipon na sila mama at papa ng pang lokat sa bahay naming nakasangla.

After kong mag grade 5 bumalik uli kami sa dating bahay at dito na pinagpatuloy ang pag aaral  hanggang sa umabot na ako ng third year high school at pagtapos ko sa third year inilipat ako ni mama sa school sa probinsya nila Lola dahil sa sunod sunod na sangkot ko sa gulo at ipinagpatuloy ko ang fourth year high school doon kaso  hindi napigilan non ang pakiki pagbasag ulo kaya natigil din ako sa pag aaral

At babalik uli kami sa kinalakihan ko ng bahay upang ipagpatuloy ang naudlot kong fourth year high school pero hindi na sa dati kong school

Isabella High School ang pangalan ng bago  kong school while Solerama High School ang dati kong school

Bukas na ang first day of class

"MARREEENGG JEESAAA,PAAAREEENGG KIIIKOOO KAYO BA YAN?" sabay sabay naming nilingon ang tumawag kila mama at papa

"ANO BA YAN MAHAL ANG AGA AGA NAGSI SISIGAW KA DYAN" sigaw ng kung sino sa loob ng katawid bahay namin at naglaon lumabas ang lalaki na mukang bagong gising lang "Ang aga aga ang ingay m---" di na natuloy nito ang sasabihin at nagulat na lang nang makita ang pamilya namin

Walang ano ano ay tinawid ng mag-asawang kapit bahay namin ang tahimik na kalsada na tanging naming hadlang lang upang matungo ang kinaroroonan namin.Actually parang subdivision tong lugar namin kasi sobrang tahimik at wala pang masyadong nadaan na sasakyan

"Jessa*beso*, Kiko*beso* buti at bumalik na kayo dito" masayang bati ni Tita Christine ng makalapit samin

Im Your BossWhere stories live. Discover now