Chapter 1

8 1 0
                                    

Chestlyn Pov

"GISING NAAAAA!!!!! GISING NAAAAA!!!!! GISING NAA----" pinatay ko na ang alarm ko

Oo alarm ko lang yan boses yan ng dalawa kong kapatid na nirecord ko na nasigaw sila para magising ako. Malakas pa naman sound ng cellphone ko

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo upang gawin ang morning rituals ko. Pagkatapos ay lumabas na ako at nagbihis ng school uniform ng Isabella High School

Matapos ang kaartehan sa buhay ay bumababa na ako dala dala ang bag at cellphone ko tapos na ako dumiretso sa hapag kainan.

"Good morning pa *kiss sa cheek* good morning ma *kiss sa cheek* ,good morning ate Leni" bati ko sa pamilya ko bago umupo

"Good morning din" sabay sabay na sabi nilang tatlo at ngumiti saken

"Ma asan na si Ken?" Hanap ko sa bunso kong kapatid

"Nauna ng pumasok, tatansyahin nya daw kung gaano kalayo mula rito sa bahay para sa susunod lalakarin na lang nya" sagot ni ate sa tanong ko habang inu umpisahan ang pagkain

"Ahhh okay" tangi ko na lang nasabi tapos kumain narin.

"Chestlyn pagbutihan mo na sana ang pag aaral mo. Inilayo ka namin sa dating mong school para sa ikabu----"

"Ma alis na po ako, male late na ako" putol ko sa sasabihin ni mama sabay hatak ng bag ko na nakalapag sa katabi kong sila at dali dali tumakbo palabas ng bahay

Sakto pag labas ko ng bahay ay ang pag labas din ni Vash sa bahay nila kaya ngakatingin kami at nginitian nya ako kaya nginitian ko din sya.

"Good morning" masayang bati  ng childhood friend ko na si Vash

"Morning din" sabi ko sabay ngiti at tinignan ang oras sa wrist watch ko.

6:34 am. na pala pero ang oras ng pasok ko ay 7:00 kaya okay pa naman tapos naglakad na naming dalawa

"Pwede pa sabay?" Tanong ni Vash saken

"Ahh...ehh di na ako sa SHS(Solerama High School) mag aaral ehh" sabi ko sa kanya habang kamot-batok

"I see" Vash tapos tingin sa school uniform ko "Bagay sayo" dagdag pa nya habang patuloy sa paglalakad

Im Your BossWhere stories live. Discover now