Chestlyn POV
"Promise me Chestlyn,no one can destroy our friendship" nakangiting sabi nito
"I'll promise" sabi ko at naki pag pinky swear sa kanya
"GISING NAAAAA!!!!! GISING NAAAAA!!!!! GISING NAA----" agad kong pinatay ang alarm sa cellphone ko bago pa umingay lalo to
Naupo muna ako sa kama ko ng ilang segundo bago tuluyang tumayo at dumiretso sa banyo upang maligo para sa pasukan. Matapos kong maligo suklay dito, polbo doon, at liptint dito ang ginawa ko bago lumabas ng kwarto dala ang cellphone at hindi dala ang bag dahil remember naiwan ko sya kahapon.
"Good morning ma" walang gana kong bati bago umupo at nag umpisang kumain
"Morning din" -mama
Di ko na ito pinag tuunan ng pansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Wala dito si papa dahil maaga syang umalis para maghanap ng trabaho habang si Ken ay maaga na pumapasok dahil may kalayuan ang SHS dito sa bahay. Ewan ko dun kung bakit ayaw na lang sumakay imbes maglakad. Sabagay nung doon pa ako dati nag aaral mas pinipili ko rin na maglakad na lang para exercise na rin at tipid pa sa baon
Maya maya ay nakarinig ako ng yabag ng paa pababa ng hagdan
"Good morning ma. Good morning Che—"
"Ma, una na ako baka ma late ako" paalam ko at di na hinayaang magsalita si mama at dumiretso nako lumabas ng bahay.
Sa ngayon ayaw ko munang maka usap si ate Leni dahil medyo naiinis parin ako sa kanya sa pagpapa alala ng gagong lalaking yon.
Never mind ayaw ko muna ma stress ngayon kasi kaka Simula pa lang ng araw kaya relax lang. Katulad kahapon ay sabay kaming naka labas sa kanyang kanya naming bahay kaya pansamantala kami nagkatitigan ni Vash.
"May problema ba?" Nag aalalang tanong ni Vash ng maka sabay sya sa paglalakad ko at nagtuloy tuloy na kami sa paglalakad
Si Vash ay childhood friend ko. Close naman kami pero tama lang. Maasahan mo sya pag may problema ka ay nandyan sya para damayan ka at kapag nasa mahirap na pagsubok ka ay nandyan sya para pagaain kahit papaano ang pasanin mo. Ganyan ang Vash Fontes
"Ahh wala to" pagsisinungaling kong sabi.
Alam kong di sya kontento sa naging sagot ko kasi halata naman sa facial expressions nya. Kaya binaling ko nalang sa daan ang tingin ko
"Musta ang SHS?" Pag iiba ko ng topic.
Knowing na Vash Fontes ang kasama ko ngayon ay for sure hindi sya titigil kaka kulit sayo para sabihin mo sa kanya ang problema mo dahil hanggat kaya nya tutulungan ka nya.
"Ayos naman. Napapatakbo naman ng ayos ang ilang bagay-bagay sa SHS ng mga...Chu" pagkagat nya sa pain ko na ibahin ang topic pero bahagya akong natigilan sa pag aalinlangan nyang sabihin ang apilyedo nayon pero agad din naman akong naka balik sa huwisyo
YOU ARE READING
Im Your Boss
RandomSi Chestlyn ay isang transferee sa bago nyang school na Isabella High School Syempre para sa iba pag new school,it means new friends, new crush lahat bago sa paningin. Kay Chestlyn may bago naman. Bagong kaaway, bagong kamalasan, bagong basag-ulo...