Deanna
"Kailan ka babalik ng pinas anak?"
Napabaling ang paningin ko kay mommy na nakaupo sa hapagkainan
"Wala na akong babalikan Doon mom" sabi ko
Bumuntong hininga syang pinagpatuloy ang pagkain. Ilang beses na nya akong sinabihan tungkol sa pag-uwi sa Pilipinas pero ako yung may ayaw.
Tatlong taon na hindi ko sya nakikita't nakausap.
Kinukulit na rin ako ng kapatid ko na umuwi para sa kasal nya,pero hindi nya talaga ako mapilit kahit anong gawin nya wala talaga.
"Denggay, kasal ng kapatid mo dapat andoon ka" sabi nya habang deretsong nakatingin sa'kin
Tinapos ko muna ang pagkain ko bago sya tinignang muli
"Mom, if you want to go back just go, hindi ko pwedeng hayaan ang company dito" seryusong sabi ko
"Nak,maayos na ang lagay ng kompanya, stable na lahat,Wala kang dapat na aalalahanin pa" sabi nya
Iniwas ko ang paningin ko sa kanya.
"Tita! I'm home!"
Napatingin kami sa pinanggalingan ng tinig na iyon.
"Althea!" Sigaw ni mommy at napatayo pa talaga
Umiling na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain,umupo naman sila at binigyan ng Mommy ng pinggan ang bagong dating.
"What are you doing here?" Kunot noong tanong ko sa kanya
"Wow! Ganyan ka ba bumati ng bisita." Tawang sabi nya
"Hindi kita bisita tsss" pangbabara ko sa kanya pero ang loko tumawa lang
"Tita may sayad na yata ang anak nyo" bulong nya kay mommy pero narinig ko parin
"I can hear you" sabi ko at binigyan nya ako ng masamang tingin
Tumawa si mommy dahil sa reaction nya
"Hayaan mo na Thea,may sayad yata talaga itong anak ko" Tawang sabi ni mommy
Tinignan ko lang sila ng masama
"Mom!" Inis na sabi ko
Tumigil naman sila sa pang-iinis sa'kin at pinagpatuloy ang pagkain
"Althea,nga pala ang pinapagawa ko sayo? Tapos mo naba?" Nakangiting tanong nya kay Thea
Taka naman akong napatingin sa kanila
"Yes Tita! Ako paba!" Masayang sagot nya
"Dahil dyan may dagdag kang bunos sa'kin" Sabi nya kay Thea habang tumatawa pa
Hindi ata ako ang may sayad.
"Ano ang pinagagawa mo ma?" Takang tanong ko
Napabaling naman sila sa'kin