DEANNA
Nakita ko,kung paano ka naging masaya sa kanya, nakita ko,kung paano ka yakapin at hagkan sa paboritong kong parti ng iyong mukha, ang malapad mong noo nakakatawa man pero bakit?
Kasalanan ko ba?.Siguro nga, naging kampante ako eh, kampante na Hindi na tayo maghihiwalay ulit,kampante na sa'kin ka lang sasaya pero bakit? tinanong kita kung Mahal mo ba sya pero yung mga tingin mo na alam ko na ang kasagutan.
Ako na ang unang bibitaw sa mga pangako kong pinakawalan, na sa altar ihaharap para malaman ng buong mundo na akin ka at sayo ako pero hindi na ata mangyayari.
Mahal parin naman kita pero sadyang nakakapagod lang na paulit-ulit tayong nasasaktan dahil sa paulit-ulit na pangyayari. Siguro tama ka, mas mabuti pang hanggang dito nalang muna tayo, magpahinga muna tayo.
Lagi mo na lang tatandaan na napagod man ako sa laban na'to, hihintayin ko parin na dumating yung panahon na pwede pa tayo ulit dahil ikaw ang tadhana ko.
Sana nga pwede pa kahit alam kong may iba na.
___________________
JEMA
Paalam,hanggang sa muling pagkikita natin.