End(1)

1.3K 44 2
                                    

DEANNA

Ang pag-ibig namin parang isang libro,pagkatapos kong basahin ililipat sa bagong pahina kong saan may bagong pagsubok na mababasa.

Sa bawat pahina ng librong mababasa ko,meron akong natutunan.

Isa na doon yong paano ako lumaban ng mag-isa,kung paano mo sarilinin ang bawat pagsubok na dadaan sayo.

Isa lamang akong taong nabubuhay sa mundong likha ng sa itaas,Isa rin ako sa umaasang babalik sa lahat.

Siguro tatanggapin ko na lang na wala na talaga.

Hindi ko na kasi alam kong pagnagkaharap kami may mararamdaman ako,natatakot ako. Natatakot ako na baka wala na akong mararamdaman sa kanya.

"Ganyan kaba ka seryuso? Baka bukas gaganyan ka uh! Kasal ko pa naman!"

Bumalik ako sa realidad ng biglang magsalita ang maingay kong kapatid

Nakauwi na kami kahapon,walang nakakaalam na umuwi na ako kasi itong kapatid ko may nalalaman pang surprise!

Hindi naman pupunta yun! Nahihiya yun malamang.

Pero Sana,Sana pumunta sya

Tao lang din ako,umaasang babalik sya

Bahala na kong babansagan akong MARUPOK pero babalikan ko sya dahil Mahal ko sya.

Dahil worth it ang bawat pagsubok na nilaban ko habang sya ang na isip ko.

"Woy!?oh? San ka pupunta?"

Nagtaka naman sya dahil bigla akong tumayo

Napabaling ako sa kanya na ngayon ay nakakunot ang noo

Natawa ako sa mukha nya

"Pupuntahan ko lang yung taong gumugulo sa isip ng ate mo, baka kasi wala syang kasama maglakad sa altar,at baka maunahan pa ako" nakangiting sabi ko sa kanya

Pero ang loko tumawa ng malakas

-_-

Ang ganda ng sinabi ko eh!.

"You are so marupok talaga ate! Sige gooooo!layas" Tawang sabi nya

Tumawa lang ako sa kanya .

Hindi na ako nagdalawang isip at tumakbo na ako papuntang garahe

Narinig ko ang sigaw ni mommy at Thea

Pero hindi ko na pinansin.

Masyadong abala ang isip ko para pansinin ang mga sigaw nila HAHAHA

Dahil sa subrang excited ko.

Nakalimutan kong wala pala akong kotse.

Pucha!.

Mabuti nalang merong motor!

Okay! Ready!

......................

Pagminamalas ka nga naman!

Nawala pa ako ng gas!

Pero swerte ko sa part na malapit nalang ako sa bahay nya.

Nang dumating na ako sa bahay nya nagtaka ako Kasi madilim.

Lumipat na ba sila?.

Hindi na ba sya umuuwi dito?

Baka tulog na?.

Sayang naman yung punta ko dito,sayang din gas.

Pero sayang kong hindi ko sya makakausap ngayon baka hindi ko pa sya makapartner hirap na.

Maingat kong inakyat ang gate nila

Hindi pa naman ako nakababa ay bigla nalang may dumating na sasakyan.

Puteks! Teka lang!

Pero huli na!

Dahil may bigla nalang sumigaw!

"Ate! May magnanakaw!"

Mafe?

Teka anong magnanakaw?

Sinong?

Wtf!

Bababa na Sana ako ng may narinig akong lumabas sa kotse

"Ano ba yang sinisigaw mo Mafe?"

Ilang segundo pa bago mag sink-in sa'kin ang boses na iyon

"Ate!ayon oh! May magnanakaw na inaakyat ang gate natin!" Sabi ni Mafe na parang natatakot

Hindi ako makagalaw dito!

Bakit kasi may nalalaman pa akong ganito.!

"Aray!" Bigla nalang ako nalaglag sa pagkakapit sa gate nila ng may naramramdaman akong sakit sa likod ko!

Sinong bumato sa'kin!

"Mafe! Tumawag ka ng-

"Sinong trantadong bumato sa'kin uh!?" Napatayo ako dahil sa inis ko

Natahimik ang paligid ko.

Ay pucha! Nakalimutan kong andito sila

Napatingin ako sa kanila...

...sa kanya

Muling nagtama ang mga mata natin mahal ko...

Muntik ng mailaglag ni Mafe ang phone nya at nakangangang tumingin sa'kin

At ang mukha ng babaeng kaytagal kong hindi na nakita, parang hindi sya makapaniwala sa nakikita nya ako

*_*

"D-Deanna" naluluhang sabi nya

Ngumiti ako sa kanya

"H-Hi Margarett" nakangiting sabi ko

Hindi ko na namalayan na tumutulo na ang mg luha ko.

Finally I'm home.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon