⚔4

58 12 0
                                    

"Naligaw yata kayong dalawa dito sa Umbra? Anong sadya nyo dito?" Palipat lipat ang tingin ni Amber kay Shadow at Whisper.

"Nandito kaming dalawa para paalalahanan ka Amber?" wika ni Shadow na seryosong seryoso.

"Paalalahanan ng ano naman?" Pagmamaang maangan naman nya.

"Haayy.. Amber,  mga kauri mong kaharap mo ngayon hindi mga tagalupa. Alam mo kung ano ang nais naming ipahiwatig sayo." Seryoso ring sabi ni Whisper sa kanya.

Sa nakikita nyang reaksyon ng dalawa alam na nyang importante ang sadya ng mga ito sa kanya. Dumating na ba ang panahon ng paghahatol sa kanya? Sa mga ginagawa nyang hakbang na paglabag sa mga kautusan ng Mahal na Reyna Amethyst ng kahariang Umbra?  Pero hindi pa pwedeng bawiin sa kanya ang taglay nyang kapangyarihan...hindi pa nya natatapos ang kanyang nasimulang laban... Hindi pa nya nalulupig ang lahat ng nagkasala sa kanya.. Sa angkan nila..

"Amber, isang beses na kaming lumabag sa kautusan ng Reyna Amethyst at hindi matatawaran ang hirap at pasakit ng ipinataw nyang parusa saming dalawa ni Shadow, ang kaparusahang sa tanang buhay namin ay noon lang namin naranasan."

"Kaya pinaaalalahanan ka namin ulit ngayon ni Whisper, tumigil kana sa pagkitil ng buhay ng mga tagalupa.. Pakiusap, hindi ikaw ang dapat gumagawa nyan kundi si Zia, naiintindihan mo ba kami ha Amber."

"Narinig kong sinambit mong pangalan ko Shadow.. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?"

Isang nilalang ang biglang lumitaw sa kanilang harapan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang nilalang ang biglang lumitaw sa kanilang harapan... Basi sa dala nitong  kawit, koronang nakalutang lang sa ulo nito, ang pakpak nitong kulay itim na may halong ginto , tiyak ni Amber na ito si Zia ang pinuno ng mga  tagahatol at tagaparusa.. Akala nila nag iisa lang ito, pero sa pagtalikod nito ay saka naman naglitawan ang tatlo pa nitong kasamahan.

"Uy... Zia,  kanina lang tayo magkasama ah.. namiss mo ba'ko kaagad kaya ka nandito?"

"Gusto mong ihiwalay ko yang ulo mo sa katawan mo para malaman mong ganun kita kinamumuhian Whisper?"  Nanlilisik ang mga matang naglakad palayo sa kanila si Zia.

"Geezz... Mahal na mahal talaga ako ng pinuno nyu ano? Kakapanindig ng balahibo ang kasweetan nito.. woooh."

"Minsan mo na syang sinaktan Whisper, kaya wag ka ng umasang mahuhumaling ulit sya sayo." Nang uuyam na sabi ni Ui saka nilingon ang dalawa pang kasama nito..saka sabay sabay na naglaho ang tatlo.

"Lilisan na rin kami Amber..tandaan mo isang pagkakamali mo na lang mapapatawan kana ng kaparusahang hinding hindi mo makakalimutan. Kaya kung ayaw mong mangyari sayo ang nangyari samin ni Whisper magbago kana!"

"Oo na! Tatandaan ko ng mga sinabi nyo sakin.. sige na! Maaliwalas na araw sa inyong dalawa...Paalam."  Nauna pang maglaho si Amber sa dalawa.

"Panu ngayon yan  Shadow, mukhang di susunod satin si Amber?"  Naiiling na napapasuklay na lang ng kanyang buhok si Whisper.

One Sided Love🗡Assassin Series12✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon