⚔9

35 12 0
                                    

Mula nung maganap ang pangyayaring sinalakay ng mga Golem ang bahay ni Gaelan, nung magising sya mula sa bangongot na kaganapang iyon, hindi na nya nakita pa si Amber. Mabaliw baliw na sya kakahanap sa diwatang yun kung saan saan hindi na talaga ito nagpakita pa sa kanya. Hanggang nung isang gabi habang nagmamaneho sya pauwi galing kila Eruto, may nasulyapan syang isang maliit na pusa sa daan, nakikipag away ito sa isang malaking aso. Hindi namalayan ni Gaelan na nakatigil ng kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada at naaaliw na syang pinapanood ang aso't pusang nag aaway. Natatawa pa nga sya dahil kahit na maliit lang yung pusa hindi ito nagpapadaig sa asong halos daganan na nga sya nito.. Biglang naalarma si Gaelan ng makitang sinagpang bigla nung aso ang maliit na pusa.

"Oh! Shit! Nonono..." Nagmamadaling lumabas ng kanyang sasakyan si Gaelan saka maagap na dinampot ang bato sa kanyang paanan. Binato nyang aso dahilan para mabitawan nito ang kawawang pusa saka mabilis na itong tumakbo palayo dun. Nagmamadali syang tumawid ng kalsada para saklolohan ang pusang sugatan.

"Kuting,  ayos ka lang ba?"

Maingat nyang dinampot ang pusa saka nilagay sa kanyang braso at sinuri ang sugat nito sa katawan. Malalim ang mga sugat nito at dumudugo, lakad takbo ang kanyang ginawa marating lang ang kotseng nakahinto sa kabilang kalsada. Mabilis ang patakbo nya patungo sa bahay ni Brent na unang naisip nyang makakatulong sa kanya ngayon. Halos dina nya naiparada ng ayos ang kanyang sasakyan sa garahe ni Brent at dina rin sya kumatok, basta pumasok na lang sya  sa loob ng bahay nito na alam nyang palaging hindi naka lock.

"Brent!.. Brennt... san kaa!"

Hysterical nyang tawag sa kaibigan ng makita nyang kuting sa kanyang palad na parang wala ng buhay.

"Wooh... Anong nangyari sayo bro? Ba't ka nag iiskandalo sa pamamahay ko ha?"

Galing kusina ang binata, at bitbit nitong alagang pusa.

"Brent, I need your help please! Gamutin mo sya.. dali na!"

"Wow.. Kelan kapa naging pet lover ha? at saan mo naman napulot yang pusang gusgusin na yan?"

Inilapag muna ni Brent ang pusa nyang si Alex sa sofa bago kinuha kay Gaelan ang sugatang pusa nitong hawak.

"You think, she's still alive bro? Hindi na kasi sya humihinga..."

Halatang malabis na pag aalala ni Gaelan sa pusa na ikinatawa na lang ni Brent.

"Relax! Unconscious lang sya, nakalimutan mo na yatang siyam ang buhay ng mga pusa. Maya maya gigising na din yan."

Pagpapakalma sa kaibigang sabi ni Brent, habang nilalagyan ng bendahi ang katawan ng pusa matapos gamutin at injectionan ito.

"Oh God! Thanks Bro, saka ng bayad, tubuan mo na lang."

"Nah, it's okay! libre na lang kasi cute naman si kuting kagaya ng kuting kong si Alex.. hmm."

Inabot nito ang kanyang pusa saka itinabi sa pusa ni Gaelan.

"Haha.. Alex talaga ang pangalan ng pusa mo?"

Naniningkit ang mga matang sinulyapan sya ni Brent na himas himas pa rin ang alagang pusa nito.

"At bakit? paki mo naman sa gusto kong ipangalan sa pusa ko? Kung naiinggit ka, di Amber rin ang ipangalan mo sa pusang napulot mo."

"Kahit kelan, pikon ka talaga, haha... Ano, pwede na ba kaming umuwi ni Amber? Bigyan mo na lang kaya ako ng gamot nya para dika na ma stress sakin."

Nakasimagot na tumayo si Brent mula sa pagkakaupo sa sofa saka kinuha ang itinabing gamot kanina para sa pusa ni Gaelan.

"O, ayan na! may kasama pang sombrero yan ha! para kay Amber mo.. umalis kana dito, storbo ka lang sa bonding namin ni baby Alex."

One Sided Love🗡Assassin Series12✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon