It was late in the evening. I was asleep, few minutes later I saw you in my dreams.
You smiled at me. I tried to chase you, but as I take my first step I was in a different place. A place where You and I met. I saw you again, but you said something I did not understand. I tried to reach you because your inch away from where I stand. I was shocked to see that you vanished as if you are a wind that passed by to my skin. I look around and felt your presence. My eyes began to water. I called your name, I ran as if you are there hiding to me. I kept on running and running. I am nowhere to be found. A split of second, I was there. I saw you in my own eyes about to kiss the guy. A guy who is better than me. You saw me. You smiled. I thought you will stop yourself, and walk your feet in my way. But you did not. You whispered to the wind “It’s over, goodbye.” you turned your back to me, holding a hand of a new guy I see.. I woke up, with tears in my eyes. can’t believe you still haunt me in my dreams."Why can't you get rid of my mind, Amber?"
Nasapo ni Gaelan ang ulo na tila kay bigat bigat. Madalas na silang nagkikita ngayon ni Amber, pero ganun pa rin ang trato nito sa kanya.. Malamig at mailap pa rin ito. Wala naman syang ginagawang kahit na ano para iwasan sya ng diwata, pero bakit kaya ganun ang trato nito sa kanya?.
'Haayy..tama nga si Eruto, napakahirap mag mahal ng isang katulad mo, Amber..'
Tumayo na sya't tinungo ang banyo. Panibagong araw para sa panibagong pakikipag sapalaran na naman ito..
'Baka ngayon swertehin na ako.. basta.. hindi ako susuko sayo Amber... magiging tayo rin sa huli!'
Pagdating ni Gaelan sa bahay nila Eruto ay nakita nya kaagad si Amber na kausap si Candy sa garden. Tila seryoso ang usapan ng dalawa na hindi man lang napansin ang pagdating nya. Napalingon sya sa kanyang likuran ng tapikin ni Eruto ang balikat nya.
"Mahal na mahal mo?" Tanong ni Eruto sa kanya habang nakatingin sa dalawang diwatang nag uusap.
"Sobra Bro, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Alam mo naman na medyo may pagka selfish akong tao, pero ngayon, siya lagi inuuna ko. Ayoko siyang nakikitang malungkot, ayoko siyang nahihirapan, gusto ko masaya lang siya lagi. Medyo moody at mataray lang yan pero mabait at malambing din naman yan... minsan . Kahit ganyan yan, mahal na mahal ko yan at hindi ko yan ipagpapalit sa iba."
Napabuntong hininga sya ng malalim. Sa totoo lang, masaya na malungkot ang kanyang nararamdaman.
"Bro, Alisin mo na dapat sa sistema mo ang pagiging malungkot at paghahabol sa babaeng hindi ka naman kayang panagutan o ipaglaban. Huwag mo i stress out ang sarili mo sa iisang babae lang. Hindi ko rin sinabing marami ka dapat minamahal at pag sabay sabayin mo sila. Ang ibig sabihin ko ay alam mo dapat kung kailan ka titigil. Alam mo ng imposible eh. Hindi mo nakukuha ang atensyon na gusto mo sa kanya. At once na sinabi nyang ayaw nya. Ayaw nya talaga. Lalo na’t wala pa namang 'kayo thingy' na nangyayari."
Napailing iling si Gaelan, "Hindi ko kaya.. hulog na hulog na'ko sa kanya, kaya wala ng atrasan 'to. Bahala na... kapalaran na lang namin ang magpapasya."
"Dapat kapag ganun tinatanggap mo na kaagad. wala na tayong magagawa dun eh. Kahit na sabihin mo pa sa kanyang wagas ang pagmamahal mo at alam mo sa sarili mong totoo ang nararamdaman mo. Kapag sya na mismo ang nagsabi at umayaw? Hindi mo na maipipilit ang nais mo, Bro... Acceptance. . Yun ang kailangan palagi. Acceptance. Promise. Makikita mo yung Peace of Mind na hinahanap mo."
"Susubukan ko pa rin.. alam kong hindi sya pangkaraniwang babae pero sya ang kaligaliyahan ko, Eruto. Katulad mo, na si Candy ang buhay mo..pwes ganun din ako."
Walang kakurap kurap ang pagtitig ni Gaelan kay Amber na tyempo namang napatingin sa kanya. At ng sumilay ang matipid na ngiti sa labi ng diwata, biglang lumuwag at gumaan ang pakiramdam nya. Ngumiti't kumaway pa sya dito... Somehow, nagkaroon sya ng ibayong pag asa na magiging sila rin balang araw..
'Amber.... Anung hiwaga bang taglay mo, Bakit ganito kalalim ang pagtatangi ko sayo? Kung saan nanggagaling, saan nagpupunta? Bakit ako'y nagkakandarapa? Ilang buhay na ba ang nabuwis dahil sa iyo? Ilang beses na bang ikaw ay laman ng sakiripisyo? Ilang luha at dugo na ba ang pumatak sa siphayo? Iyang lahat ng naranasa'y kagagawan ng hiwaga mo? Mistulang paraiso ang daigdig sa iyong pagdating. Lahat ay nagkakulay, lahat nga ay nagniningning.. Ang nasasambit ng labi'y pawang salitang magigiting, Mistulang isang pambihira ang nakikita ng paningin. Wala nga sa edad, hitsura at katayuan sa buhay.. Kapag ikaw ay kumilos, lahat ay napapasabay, nasa iyo ang kapangyarihan, ng lahat ng bagay, sa iyong pag-uutos, pawang lahat ay tagumpay! Ngunit sa kaligayahang dala mo'y may kabalintunaan.. Bakit kapalit nito'y parang sa dibdib may agam- agam.. sa sandaling tamis ay mayroong pait na di inaasam, Anu't ikaw ay mapagbiro, sa tadhana mo idinadaan. Anung hiwaga mayroon ka Amber?... sa puso'y nanlilito, Hindi nga malaman ang huwad at maging ang totoo? Damdaming nararamdaman, ay pinaglalaruan mo? Anu nga bang mangyayari, kapag nagmahal ako ng buo? Akala ko nga baga'y nagtuturo daw ang pagmahahal? Ngunit bakit nga naman ito'y tumitibok kahit bawal? Gagawin na lamang bang ito'y tulad ng isang sugal? Makikipagsalaparan, ang matatalo'y isang hangal? Anung misteryo ang bumabalot, sa iyo, Amber? Bakit hindi natatakot, kapag tumibok aking dibdib, sa pag-ibig na hinahangad, hindi ako palulupig, parang isang kabalyerong, gusto ko ay manaig... Amber, oh Amber, sabihin ang iyong gusto.. Halos naninikluhod nako sa harapan mo..tunay na pagmamahal, sa iyo'y ituturo, nang di na magkamali, kaligayahan na ang matamo. Sa lilim ng iyong hiwaga, ako'y iyong utusan..dalhin ako sa iyong gusto, kahit na nga saan.. Ako'y iyong alipin, handa kang paglingkuran. basta't mga pighati'y huwag kong maranasan. Sa hiwaga mo, Amber, ako'y tunay na sinta.. Sukdulan pang humarang ang mga sibat at espada. Hanggang sa kamatayan, ikaw ay aking dala-dala, dahil ako'y mangingibig, umiibig ng buo at nagtitiwala.'
"Hoy! Gaelan, ayos ka lang ba ha? Kanina kapa tulala dyan, ano bang nangyayari sayo ha?"
"Eruto, mahal ko si Amber.... Mahal na mahal..." Seryoso ang mukhang tumingin sya sa mga mata ni Eruto. "At hinding hindi ako susuko... Tuturuan ko syang mahalin din ako..."
💃MahikaNiAyana
BINABASA MO ANG
One Sided Love🗡Assassin Series12✔💯
Horror⚔Gaelan Ablan⚔ Isa sa pinakamahusay na sniper sa Hainsha Organization. Na-love at first sight siya sa isang fairy witch. Nakakatakot man lapitan ito, ginawa ni Gaelan ang lahat para lang mapalapit kay Amber. Maiinlove kaya si Amber kay Gaelan? Paano...