⚔3

57 12 0
                                    

=⚔= 
Para lalong maintindihan ang pinanggalingan ni Amber!!!  Isa po sya sa mga diwatang taga ulat sa kwento ng...

"Ang Lihim na pagkatao ni Ayana"

"Ang Lihim na pagkatao ni Ayana"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Finish na po ang story na yan.. Maaari nyu na pong basahin...

Maraming salamat po sa pagsubaybay ng aking mga nobela.. 😘😘

💃MahikaNiAyana

⚔⚔⚔


Matapos ang misyong iyon,  hindi na naging maganda ang takbo ng buhay ni Gaelan. Madalas na kasi nyang napapanaginipan ang impaktang babaeng yun.. Kahit na naghihirap ang kanyang loob wala man lang syang pinagsabihan ng karumal dumal nyang nasaksihan ng gabing yun. Basta tikom lang ang kanyang bibig ng lisanin nilang lahat ang compound ni Roso.

'Shit! Sana dina ulit kami magkita ng dyablong babaeng yun! Ayoko na talaga... Lord please lang po, ilayo nyo po ako sa mga masasamang elemento, maawa na po kayo sa gutay gutay na puso at kaisipan ko! Amen.'

"Gaelan, anuba? Sabi ng bumaba kana dyan sa sasakyan ko eh!"

Dis oriented na napabaling ng tingin si Gaelan sa nakasimangot na si Griffin.  "Bakit?"

"Punyemas! Anong bakit? Nandito na po tayo kamahalan, pwede na po kayong bumaba." Sarkastikong sabat naman ni Pyre sa usapan nila Griffin at Gaelan.

Nabaling ang tingin ni Gaelan kay Brent na nasa harapan na ng bungalow type na bahay. Bumaba na lang sya sa sasakyan saka naglakad patungo sa mga kaibigang nagkukumpulan. Nandito silang lahat sa tagaytay para tumulong kay Eruto na bawiin ang diwata nitong girlfriend mula sa Amang Hari nito doon daw sa Engkantadya. Napailing iling na lang si Gaelan, dahil ngayon ang paniniwala nya tungkol sa mga engkanto ay totoo talaga. Hindi na kathang isip nya lang.

"Hello Ganda! Na miss mo ba'ko ha?"  Bating pasigaw ni Brent sa isang magandang babae na nakatayo sa balkonahe ng bahay. Nagsipolan naman silang magkakaibigan.

"Alex, nakahanda na kaming sumama sayo dun sa sinasabi mong Engkantadya." Sabi ni Eruto dun sa babae na kulay pula ang buhok.

"Huh!" Naguguluhang napabaling ang tingin ng dalaga kay Eruto.

"Ahm mga kaibigan ko! pede ba silang sumama satin?"

Nakangiwing sabi ni Eruto dun sa Alex na hindi alam kung matatawa o anuba.

"Ha! Lahat sila?" Tanong pa nito ulit kay Eruto na parang manghang mangha, sa dami ba naman nila at lahat lalaki pa.

"Oo, kung pede sana Alex!"

Pinasadahan silang lahat ng tingin ni Alex, kaagad namang sinaway sila ni Eruto sa kanilang   pagkukulitan, nagtatawanan at naghaharutan pa sila na  parang mga batang walang pakialam sa kapaligiran. Natigil lang sila sa pagsasaya  ng may narinig silang pagaspas sa himpapawid, lahat tumingala  dun at nakita nilang isang babaeng kulay asul ang buhok na pababa na ngayon ang paglipad sa kanilang harapan, may kasabay itong isang kwago na paikot ikot sa himpapawid. Mismong sa harapan nila Eruto at Alex tuwid na tumayo ito at dumapo naman sa balikat nito ang kasamang kwago.

One Sided Love🗡Assassin Series12✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon