Pumasok siya sa isang hallway. Nagmadali rin naman akong sumunod sa kanya. Sa gitnang bahagi ay huminto siya at binuksan ang isang pinto. Mas lalo akong nagmadali nang pumasok siya doon at hindi man lang ako nililingon.
Naabutan ko namang nakabukas ang pinto at dumadampi na ang lamig ng hanging nagmumula sa loob ng silid.
Natanaw ko siya sa loob na nakatayo at nakasandal sa harapan ng isang mesa habang hinihintay ang aking pagpasok. Nanatiling naka-cross ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib habang nakatitig sa akin.
"S-Sir..." Napakagat ako sa aking labi habang marahan na akong humahakbang papasok sa loob.
"Close the door," mahina niyang sambit.
Kaagad ko naman siyang sinunod.
"How's your finger?" mahinahon niya pa ring tanong sa akin. Saglit akong natigilan dahil ang inaasahan ko ay pagagalitan niya ako.
Tiningnan ko naman ang aking hintuturo na may balot na band-aid.
"Kaunting hapdi na lang po, Sir. Sorry po ulit. Sana hindi niyo po ako paalisin," nakayuko kong sabi sa kanya.
"Stop calling me sir. Just call me Charles." Umikot siya sa mesa at naupo sa isang swivel chair. Ako naman ay natigilan.
"C-Charles? P-Pero sir po ang tawag nila sa inyo."
"Don't you want to be my friend?" tanong niya habang may kinukuha sa drawer ng mesa.
Bigla naman akong napangiti. "Siyempre, gusto po," masigla kong sagot.
Napalapit na rin ako sa mesa at naupo sa upuang nasa tabi nito.
"Drop the po. Sinabi mo sa akin na kahit anong trabaho, kaya mo. Anong nangyari?"
Muli akong napasimangot. "Dumulas lang naman 'yong kutsilyo sa kamay ko, eh. Hindi ko naman sinasadya."
"Sanay ka nang nasasaktan ang sarili mo?"
"Ha?"
"You still have bruises on your arm and face, and now you've even added a wound to your finger."
"Hindi ko naman gusto 'yon," mahina kong sagot at hindi ko mapigilang mapanguso. Para akong batang pinangangaralan ng matanda.
"Change your clothes." Isang white shirt ang ibinaba niya sa mesa na malapit sa akin. Natulala naman ako habang nakatitig doon.
"H-Ha? P-Papalit ako?"
"Yes."
"Naku, hindi na, Sir--e-este, Charles." Napangiti ako ng alanganin. "Maayos naman ang damit ko, eh," kaagad kong pagtanggi kahit nagugulat ako sa mga iniaasta niya.
"There are blood stains on the hem of your dress. Gusto mo bang umuwi nang ganyan ang hitsura mo?"
"P-Pero k-kon--"
"No buts. Just go to the restroom and change," pinal niyang sabi at mukhang wala akong magagawa kapag siya na ang nag-utos.
"N-Nakakahiya, eh, pero sige kung mapilit ka." Dinampot ko na ang shirt at tumayo. "T-Teka, sa iyo ba ito?"
"No."
Bigla akong nadismaya. "Hindi? Sayang naman," bulong ko sa aking sarili.
"May sinasabi ka?"
"Ahm... p-pwede bang palit na lang tayo?"
"What do you mean?" kunot-noo niyang tanong sa akin.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Son - EXCLUSIVE ON DREAME
Fantasi☆Wildly And Desperately book 1 Charles Delavega SPG/Romance book 2 Panganay si April sa dose nilang magkakapatid. Bata pa lamang sila ay namulat na sila sa kahirapan ng buhay at mas lalo itong pinalala noong bawian ng buhay ang kanilang ina mula sa...