PRIAGARISM IS A CRIME! FOLLOWED BY LAW!!...
YOU KNOW.. JUST SAYING...☺️😁
*******************
"hah!,sa tingin mo magagamit mo yang kaastigan mong peke sa isang tulad ko?." Naghahamong tanong ni Era,ang babaeng sinasabi nilang bitch sa buong Estero University,pero ang dilang nila alam ay mas bitch pa sa bitch ang babaeng kinakalaban niya ngayon.
"Wala naman akong sinabi.. sila lang ang nagsasabi." Kalmadong sabi ni Helly.
"Psh!. Ang sabihin mo attention seeker ka lang!,hindi kaba aware sa presence at kasikatan ko dito sa school? Ha?!". Nanggagalaiting sigaw na tanong ni Era kay Helly.
"Kung wala ka ng iba pang importanteng sasabihin aalis na ako,pero ito ang tatandaan mo kapag napuno na ako diyan sa kasasatsat mo sinasabi ko sayong pagsisihan mo na kinaaway at kinausap mo pa ako,dahil sinasayang mo lang ang oras ko sa walang kwenta mong dinadada sa harapan ko". Kalmado paring sabi ni Helly,ngunit may awtoridad na mahihimigan sa kaniyang boses, at nagsimula ng maglakad papalayo bago niya pa masaktan o mapatay si Era.
"Ha!!,at sino namang may sabing matatakot ako sa mga pinagsasabi mo?!, At hindi mo ko pwede nalang talikuran ng hindi pa ako tapos na nagtatanong at nagsasalita sa harap mo?!." Nabwibwisit at wala ng pasensiyang sigaw niya kay Helly na ngayon ay naglalakad parin na parang wala lang ang nangyaring pagsigaw ni Era."Bumalik ka rito!!,hindi pa ako tapos sa pagsasalita rito!!." Nag echo ang boses ni Era sa boung faild,at napatingin naman sakanila ang iba pang estudyante na papasok sa gate at papasok sa loob ng eskwelahan nila,at nagkumpolkumpolan sila upang masaksihan ang gulong nangyayari sa gitna ng faild.Napahinto naman sa paglalakad si Helly,at marahas na napalingon kay Era,ng nakita ni Era na napahinto at napalingon si Helly sa gawi niya ay nanggagalaiting naglakad siya papasugod kay Helly. Ng mahinto na siya mismo sa harap ng taong kinabwibwisitan niya ay wala siyang pagaalinlangan sinigawan ito.
"SA TINGIN MO BASTA BASTA NA LANG KITANG PAAALISIN SA HARAP KO NG HINDI PA KITA NASASAKTAN?!!!. PWES PAGBABAYARAN MO ANG PAGALIS SA HARAP KO NG HINDI MANLANG PINAPATAPOS ANG ITATANONG KO SAYO!!."at nakita naman niya ang bahagyang pagkakakunot noo ng kaniyang kaharap,at inangat niya sa ere ang kaniyang kamay upang sampalin sana si Helly,ngunit bago pa dumapo ang palad niya sa pisngi ng kaaway niya ay nahawakan na ito ni Helly. Nagulat man ay inangat niya ulit ang isa pang kamay sa ere patungo sa kabilang pisngi nito ngunit hindi ulit siya nagtagumapay dahil nahawakan nanaman ni Helly ang kamay nito."Huwag.Mong.Sabihing.Hindi.Pa.Kita.Binalaan." maydiin ang mga salitang pinakawalan ni Helly,at naramdaman niya ang pagpalit ng kulay brown nitong mata sa kulay pulang mata nito senyales na galit na ito. Nakita naman niya ang hitsura ng kaharap,ang kaninang galit na hitsura ni Era ay napalitan ng takot ng makita ang pagpapalit ng mata ni Helly,at pabagsak niyang binitawan ang kamay ng kaaway. At naglakad na siya paalis para umattend sa klase niya.
'tss...' sabi niya sa kaniyang isip,at nagpatuloy siya sa paglalakad.
********************
A/N: Hope you love/like this chap,guyss!. Don't forget to vote and feel free to comment guyss!. Mwuah!,love you all!.©Copy right_alright reserved 2021.
YOU ARE READING
MERCILESS WOMAN
Mystery / ThrillerAng babaeng walang sinasanto,walang awang pumaslang ng tao kapag ito'y kailangan at kapag siya'y hindi na makapag timpi sa mga taong nasa paligid niya at 'TAKE NOTE' ayaw niya ng pinagchichissmisan siya o pinaguusapan at higit sa lahat ayaw niya ng...