Lumingon lingon sa kaliwa't kanan,likod at harap upang siguradohing walang nakasunod at walang makakaalam kung san siyang nakatira. Pagkatapos niyang icheck ang nasa paligid niya ay humarap na siya sa malaking batong nakatayo rito at sa gitna ng malaking bato ay may napakalaking butas na nasasakto lamang sa mga baging na naka dikit at sabit rito. Hinawakan niya ang napakalaking bitak ng bato sa kaliwa at may ibinigkas upang mabuksan ito.
""Mon,mon,mon,entendez-moi,suivez-moi et obéissez à mon ordre de Je veux que cette veine s'ouvre et soit ma porte vers ma maison!". Kaniyang bigkas at bigla na lamang nagbukas ito at bumungad agad sa kaniya ang kaniyang sala. At lomoob na siya agad at habang nakatalikod ay bumigkas ulit siya ng salita ng makakapagpasara sa portal.
"Merci mon ami".
"Magandang umaga,hapon at gabi po sa ating lahat mundo! Nakikita niyo po sa aking likuran na nababalutan po ng napakalaking apoy ang pinakasikat at pribadong paaralang nagngangalang Esteru University. Hindi po kilala ang may kagagawan nito ngunit may nagsasabi pong may nakakita kung sino ang may gawa sa pangyayaring ito".
Reporter.."tss!..". Asik ni Helly sakaniyang isip pagkatapos niyang buksan ang kaniyang tv at bumungad na agad sa kaniya ang balita kung san siya ang may kagagawan.
"liar". Sabi niya sakaniyang isip ng marinig na may nakakita daw sakaniya KUNO at humilata siya sa sandalan ng sofa at inabot ang teleponong nasa uluhan lamang niya at may idinayal rito.At maya'y maya ay nagring narin ito.
*RING! RING! RING! RING! RI!--*
"Hello?". Sagot ng babae sa kabilang linya kaya't ay nahulaan niyang ito ay isang babae,obviously!.
"Minamir". Kaniyang sabi upang magpahinto ang babae sa kabilang linya. Ng makarekober na ang nasa kabilang linya ay pumeke ito ng ubo at nagbuntong hininga saka nagsalitang muli.
"Helly.. Why?". Tanong ni Minamir sa kabilang linya upang magpaguhit ng isang matamis na ngiti sakaniya. At sabay nun ay parang may nakabara sa lalamunan niya na parang pinipigilan siya ng sarili niyang boses na huwag sabihin ito.
"I-- I-- I---..". napabuntong hininga nalamang siya na nagpakawala sa matamis niyang ngiti at bumalik nanaman sa pagiging walang ekspresyon nito.
"H-helly? Are you still there?". Tanong ng babae sa malumanay ng boses at hindi na katulad kaganina na parang may sama ito ng loob.
"I need to hang up now,I have an urgent meeting". Dahilan niya upang hindi na matuloy pa ang gusto niyang itanong rito at napabuntong hininga nanaman sa huling sandali.
"He--".
"Thank you,Minamir". Hindi na naituloy pa ni Minamir ang pagtawag sa pangalan niya dahil nagsalita na siya at pinutol ang linya. At umupo ng maayos at dumeretso na sa pangapat na palapag kung saan nakadistino ang kwarto niya.
Kwarto niya lamang ang naroroon sa pang apat na palapag at sa pangatlo naman ay puros ref at cabinet lamang ang laman. Dalawang ref na nakatayo na naglalaman ng mga alak katulad ng champagne,red wine,beer,tanduay ice at black martini.
Dalawa ding ref na pa rectangular ang sukat na naglalaman naman ng kaniyang mga pang midnight snacks,ice cream na malalaki, at mga ibat ibang klase ng karne. At sa mga cabinet naman ay lima ang meron.
Ang unang cabinet ay naglalaman lamang ng kaniyang mga pera,sa loob kasi non ay may mga vault na siya lamang ang nakakaalam ng password at ang pangdalawa naman,ay naglalaman ng kaniyang mga damit at sa pangatlo ay mga sapatos niya at sandals at sa pangapat na cabinet ay kaniyang mga pamalit ng unan,punda ng unan,kumot,comforter,rags,curtains na maninipis at makakapal. At ang panghuling cabinet ay naglalaman ng kaniyang mga pantulog na terno terno at ang iba ay hindi,mga silk at cotton ang lahat ng texture nito.
****************************
A/N:. So balik tayo kay Helly okay?. Hehehe nagegets niyo pa ba yung story ko? Kung hindi pwede na kayong umalis ng payapa kung ayaw niyo na,ayos lang sakin. Talagang ayos lang heheh. So let's proceed!. Hindi naman sa pinagtutulakan ko kayo ano lang kasi ayaw ko ng nahihirapan kayong umintindi sa storya ayaw kung pag buhol buholin ang inyong mga isip lalo na sa mga nagoonline class at modules diyan!. Hehehe relate ako eh. Okay! Nawala na tayo so madaldal masyado ang author niyo hehe okay na!.
************************Pagkabukas niya ng kwarto niya ay humilata na kaagad siya sa kama niya at inabot ang remote ng air-conditioning niya sa nightstand table niya at pinidot sa normal na lamig nito at ibinalik din lang agad sa dati nitong pwesto. At saka siya pumikit..
"I miss you".. Bulong niya sakaniyang sarili ng nagpakita sakaniyang isip ang mukha ng kaniyang mahal na hanggang ngayon ay hindi niya parin alam kung nasaan na. Pagkatapos ng nagyaring iyon ay hindi na niya nakita pa ulit ito.
At naramdaman nalamang niya ang patak ng kaniyang luha na dumausdos na pababa sakaniyang pisngi at hindi niya ito pinunasan at sa halip ay gumilid siya paharap sa kanan at natulog na ng hindi nagkukumot.
YOU ARE READING
MERCILESS WOMAN
Mystery / ThrillerAng babaeng walang sinasanto,walang awang pumaslang ng tao kapag ito'y kailangan at kapag siya'y hindi na makapag timpi sa mga taong nasa paligid niya at 'TAKE NOTE' ayaw niya ng pinagchichissmisan siya o pinaguusapan at higit sa lahat ayaw niya ng...