Chapter 1

19 1 0
                                    

Chapter 1

Sometimes, in life, it's more fun to be on your own. No one would put their expectations on you, no pressure, no judgment. Nothing to worry about, it's just you enjoying yourself, finding yourself.

If only I could be alone right now. If only I could be on my own and rest and escape this stressful reality and find myself.

I want to travel already. Nakaka-stress na 'yung school. Hindi ko na kaya 'yung pressure, 'yung stress. Nakakapagod talagang mag-aral. Pero kailangan. It's okay to be tired, you just have to rest, don't give up.

Pero darating talaga tayo sa puntong susuko na talaga tayo.

I scratched my head. "Ayaw pumasok sa utak ko, shit," I uttered. I was at the edge of having a mental breakdown. May recit pa kami bukas. Hindi ko na alam kung makakasagot ba ako o ano. Hindi ko na alam, feeling ko huli na ang lahat.

Damn this life.

Minsan napapaisip lang ako kung tama bang pinangarap ko simula pagkabata ang pag-aabugado? Ngayon kailangan ko nang panindigan.

Nandito na ako. Buti nga nakatungtong pa ako dito. Wala nang atrasan 'to.

Binasa ko ulit ang halos lahat ng nasa page sa harapan ko. Meron namang pumapasok pero hindi pa rin sapat. Parang hindi pa rin sapat.

"Huy, ini-is-stress mo masyado ang sarili mo." Biglang umupo sa harapan ko si Lea. Napa-angat ako ng tingin. May kape nang nakalapag sa harapan ko at meron na rin siyang kaniya.

Napatingin ako sa paligid ng study cafe at hinanap 'yung wall clock. Hindi ko na namalayan ang oras.

"You know, baka gusto mo mag-chill-chill muna," suggestion ni Lea. I gave her a deadpan look.

"Seriously?"

Kumunot ang noo niya. "Oh bakit? Problem? Kaka-aral mo baka makalbo ka na diyan sa stress."

"May recit bukas."

"Oh? Naka-aral ka na niyan, sapat na 'yon, mag-refresh-refresh ka naman."

I don't like her idea of refresh-refresh. Puro kalokohan lang naman ang nasa isip niya. Ayoko.

"Mag-aaral lang ako, ikaw na lang mag-refresh-refresh diyan."

Dramatistang napabuntong hininga siya. "Hay nako, alam mo, napaka boring ng social life mo."

So? Anong gagawin ko ron?

"Oh?" ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Walang jowa, walang circle of friends."

Hindi ko nga alam kung paano kita naging kaibigan, basta ang alam ko dikit ka lang ng dikit sa akin. Gusto ko lang naman mapag-isa kahit sandali.

My forehead knitted.

"Ayon nga, walang kang jowa," she said and took a sip on her cup of coffee.

"Ano naman mapapala ko sa mga jowa-jowa na 'yan? Hindi ko naman ikakaunlad 'yan." I rolled my eyes. Tinuon ko ulit 'yung mata ko sa librong nasa harapan ko. Pero 'yung utak ko lumilipad na yata.

"Hoy, minsan kaya inspiration ang love life, alam mo 'yon. Saka it's your chance na to find true love."

Does true love even exist? "True love doesn't exist, it's only on fairy tales."

"Bakit ang bitter mo?" she frowned.

Go blame my parents and this sickening reality.

Nagkibit balikat lang ako bilang tugon.

"You know, malay mo, may true love ka ring mahahanap, naghihintay lang siya." She smiled.

Napatingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng dalawang kilay.

"Ay, bahala ka diyan." Irap niya at nagpatuloy na lang sa pag-inom ng kape.

***
At dahil mapilit si Lea, wala akong nagawa nang hilahin niya ako sa isang bar after school. Buti na lang at wala naman yata kaming gagawin bukas, pero kahit na ba. Isang exclusive bar ang pinuntahan namin. Hindi ako maka-relate sa social life nila. Ang wild nung iba.

Ako, ang tamlay ko. Wala akong energy kasi drained na drained na ako.

Hindi naman ako 'yung, I'm not like the others type of girl, for sure there are a lot of people like me out there who prefers studying the whole night to get good grades than to be surrounded by fake, hypocrites and judgmental people. I'm not generalizing, but some of them are, for sure. Sa society pang ito, where everyone's a hypocrite.

Sa isang sulok lang ako umupo. Napansin kong puro mga taga- St. Gabriel College of Law ang mga nag-titipon dito dahil may mga pamilyar na mukha akong nakikita.

Wala akong balak makihalubilo sa kanila.

Sana pala nag-dala ako ng earphones.

Kung kay Lea nakaka-refresh 'to, sa 'kin nakaka-stress lang lalo.

"Girl! Lumibot ka naman at humanap ng malalandi," aniya at umupo sa tabi ko.

Nilingon ko siya. Umiling lang ako habang walang reaction ang mukha. "Ayoko," ang tanging sagot ko.

Magsasayang lang ako ng lakas. Mas gugustuhin ko na lang yata matulog. Ayoko maghanap ng isang lalaking sisira lang sa buhay ko.

I waved my hand as a sign of dismissal. "Shoo," pagtataboy ko sa kaniya.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Ang kj mo," she whined. "Come on!" parang batang pag-a-aya niya.

I groaned.

Syempre nagpahila na naman ako. At natagpuan ko na nga lang ang sarili kong nag-s-shots. Naka ilang inom na ako.

My voice started to slur and my head was pounding already. Unsteady na rin ang paglalakad ko. Pagewang-gewang naglakad ako papalabas ng bar. I moved like a two-left feet girl.

Lea tried to stop me from leaving the bar as much as I wanted to stay pero ayoko na. Ang baba lang talaga ng alcohol tolerance ko kaya ayoko rin mag-bar.

Paglabas ko ay muntik na akong matumba at sumubsob sa curb kung hindi lang ako sinalo ng kung sino man.

"Watch it," anang malalim na boses. My face was buried on his hard chest that it vibrated on my cheek when he spoke.

Damn it, sinong gago 'to? Baka pagsamantalahan ako.

I tried to hit his chest as hard as I could but I ended up puking on it. I pushed the man and puked on the sidewalk.

"Shit," mura niya. Lumapit siya sa akin at inalalayan ako.

The last thing I remembered, I was inside a car of a complete stranger.

Worth The Risk (Risk Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon