13

64 18 2
                                    

"What are you shy about?" Gian who suddenly showed up asked in a deep voice katabi niya si Kurt na may nakakaasar na ngiti habang naglalakad pababa ng hagdan. I just noticed kasama niya na rin si Neil.

I looked up at them habang dahan dahan silang bumababa sa hagdan.

"Kayong dalawa ha, ano ginagawa niyo roon?" Kurt asked in a teasing voice, he even nudged Gian na nagpakunot ng noo nito.

I fake laughed and immediately run towards Ali that I saw from a far. I am so embarrassed to talk to them!

"Lugi, sa iba tumakbo," I heard Neil teased Gian.

Agad kong hinawakan ang braso ni Ali ng maabutan ko ito. Nagulat pa siya ng hinarap ako, malamang ay hindi niya inexpect na may hahawak sa kanya habang nakatalikod siya.

"Hoy, saan ka galing!?" Takang tanong niya sa akin.

"S-Sa rooftop." I answered and took the fruit juice on his hand. "Thanks, I am so thirsty." I said as I hand him the fruit juice.

"Ew," He looked disgusted dahil sa ginawa ko sa inumin niya.

"Wow, lagi ka nga nakiki-inom sa akin." I said.

"Tara na umuwi. Kanina ka pa naming hinahanap." Layla who just arrived said, kasama niya si Liam at Tanya.

Mataim niya akong tinitigan kaya naman bigla akong kinabahan.

"Sorry," That was all I can say. Tanya winked at me and gestured 'it's okay'. Pumunta kami sa locker room upang kunin ang mga gamit namin bago kami umuwi.

"I'm hungry." I whispered as I close the door of my locker. I fixed my tote bag at my shoulder and pouted at Ali who is currently holding a burger, he was about to devour it.

"Oh," Ali hand me a burger, I stared at the burger for a second. "Kunin mo na, Florencia. Baka magbago isip ko kainin ko na 'to."

Agad ko namang hinablot iyon sa kamay niya at kinagatan. "Sarap!"

Sabay sabay kaming lumabas ng campus nila Layla, at the gate, we parted ways but Ali insisted na ihatid ako.

"Why? I can walk alone." I said because I really can. Isa pa kampante ako sa daan pauwi sa amin.

"Gusto ko lang." He shrugged his shoulders while looking straight at the road with his hands on his pocket.

"Ang layo ng way mo sa way ko." Sambit ko sa kanya.

"Gusto ko lang maglakad lakad." Binigyan niya ako ng isang ngiti.

Katahimikan ang pumagitan sa aming dalawa. Lumingon ako sa kanya ng maramdaman ang titig niya ngunit umiwas din siya kaagad.

"I am happy and tired doing the things I want." He suddenly open up. He must be pertaining sa modelling.

"I am proud of you, Ali our Alistotle."

He looked at me biting his lower lip stopping himself from smiling. 

I am proud of your accomplishments baka sa susunod may movie kana."

"Malapit na," He sighed and stared at the stars above us and reached for it.

Hindi na ako magugulat kung bukas may movie na pala siya, hindi naman siya ganon ka-open sa amin about sa career niya pero ang bilis niya sumikat isa pa hinahabol na siya ng endorsements and etc.

Tahimik na ang kalsada at street lights na lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid. I-Ilang sasakyan lamang rin ang dumadaan. Hindi ko alam kung bakit sobrang tahimik ni Ali at mukhang seryoso ang mukha niya hindi naman kasi siya ganito.

100 Ways to Get Fortunato (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon