"Pucha naman! Paano tayo magkakaintindihan! Guys, ano ba! Konting tahimik naman wala tayo sa palengke! Respeto naman guys! Makinig kayo sa akin."
Isang malakas na hampas sa board ang umalingawngaw sa buong classroom. I crossed my arms above my chest, teasing our President. He raised his eyebrow at me. I stuck my tongue out. Ano ka ngayon takbo takbo ka sa officers.
"Umayos kayo, kapag nanalo tayo sa event prize natin is mali-lift ang punishment sa comfort room kasi ba naman bakit iniiwan na bukas ang gripo and ang mga dating exams ay maiibigay sa atin meaning pwede nating maging reviewer,"
Tumahimik ang buong klase sa pakiusap ni Liam. Si Liam ang aming class President at siya ang mamumuno sa amin sa darating na Foundation Day. Katabi niya si Tanya at Layla. Si Tanya ang Vice President at si Layla naman ang Secretary.
Liam is one of my closest guy friend. I mean, he is so kind and approachable. Siya yung palaging nandyan kung may pagdadaanan ka ganon siya.
I sat comfortably at my chair, buti na lamang hindi ako nag officer. I don't want to deal with these responsibilities.
"Open for suggestions," Layla shouted and started numbering the boards.
Agad nag salita ang mga classmates ko ng sabay sabay. May gesture gesture pa sa kamay nila habang nag e-explain. Ewan ko ba, pero napatawa ako!
"Ampucha! Tumaas ng kamay ang mag sasalita!" Liam massaged the bridge of his nose in frustration.
"Ako! Ako!" Sigaw ni Ali habang nakataas ang kamay. Tumayo siya ng tindig at sumaludo sa class officers na nasa unahan na parang baliw.
"I suggest na magperform tayo ng isang play." Tumatango tango niyang sambit.
Isinulat iyon ni Layla sa board. Marami pa silang sinuggest na ideas pero ang nag wagi ang ang play na minungkahi ni Ali. A lot my classmates voted for it kasama na ako roon.
"How about princess and the frog prince," Suggest ko ng tanungin ako ni Layla kung may idea ba akong makakatulong sa amin.
"I like that!" Tanya flicked her fingers and pointed at me.
"So, entertainment na lang," Tumango si Liam at inilipat ang titig sa akin. "Sige, Ikaw na Florence yung bida." Dugtong niya.
"Oo tama! tama! Bagay sa kanya yun." Sang-ayon ni Layla habang tumatawa.
"Ako!? Do I look like a frog!?" Kumunot ang noo ko sa kanila.
They all laughed at what I said that made my cheeks heated in shame.
"Tahimik! Hindi ka mukhang palaka, Florence..." Sambit ni Liam ng may seryosong mukha. "Mukha kang prinsesa,"
Nagsigawan silang lahat. Nagsalubong naman ang aking kilay sa kanya. I crossed my arms at my chest at inirapan ko silang lahat. I know Liam! He is making fun of me! Again!
"Oh, maniwala mabaho p'wet." Dugtong niya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya't tumawa muli siya.
"Okay lang sa'yo, Florence ha. Sige sige, okay! 'Wag na kayo tumanggi guys, the best na si Florence for this role "
Tuloy tuloy na sambit ni Layla dahilan upang 'di na ako makatanggi bagkus ito ay humagalpak ng tawa.This is frame up!
"Gagawan na namin 'to ng request. Wala na aangal. " Mariin akong tinitigan ni Tanya. I frown at her.
It was really a frame up, biglang tumunog ang bell. Hudyat na tapos na ang klase. Mabilis na nagtayuan ang mga classmates ko at umalis. Nagkagulo pa sila sa pag-alis at nagsiksikan sa pintuan.
BINABASA MO ANG
100 Ways to Get Fortunato (Complete)
Художественная прозаHighschool crush. Kaya mo bang umamin sa taong gusto mo? Kung hindi, dapat kang matuto kay Florence. "Ano bang gusto mong gawin ko para magustuhan mo ako?" -Florence Started: May 2020 Ended: March 14, 2021