FORTY is the new thirty.
Daw. Sabi. Sa articles na makikita online. Sa old-school magazines. May talk show pa noon sa isang cable channel na ganyan ang title.
Ang tanong, bilang isang forty-two year old Tita, naaaliw ba ako sa sinasabi nilang 'yan? Not really. Wala naman kasing bearing. Dahil sa kabila ng unti-unti nang paglabo ng paningin habang nagkakaedad... ng frozen shoulders... ng mga nasa bag na maintenance medicines, Katinko at Whiteflower, I feel sexy in my forties.
Not physically, of course. Hindi naman ako ilusyunada. Kumpara sa katawan ko ten years ago, medyo mas malapad na talaga ako ngayon. Although, sabi naman ng friends... 'yon ay 'pag nasa mood sila, hindi raw halata kasi medyo matangkad ako. Height? Five-feet, seven-and-a-half inches. Shoe size? Eight. Kapag tsinelas, seven.
Hindi ako madalas mag-high heels. Nakakapagod kayang yumuko sa kausap! Pero may itinatago akong Manolo Blahnik na pointed toe pumps. Black. Three inches ang heels. For special occasions. Bigay lang ang Blahniks. 'Di ako bumibili ng ganoon kamahal na sapatos. Keds puwede pa. Pang-kumpleto ang puting Keds sa ultimate Tita grocery outfit kong mid-rise, slim-straight jeans na itinutupi ko ang laylayan at poloshirt.
Pero tatanungin siguro ako ngayon ng mga thirty-something kung dahil ba sa sinasabi nilang 'yan thirty is the new twenty na rin?
What??? You wanna go back to being twenty? Why!!!
Ako, ayoko. Noong early twenties kasi ako, napakarami kong katangahan. Tapos feeling ko pa noon ang dami-dami ko nang alam, turns out, wala pala akong alam! Kung masasalubong ko ang twenty-year old self ko ngayon, sasabihin ko: You know nothing, Jon Snow! Malamang magugulat si twenty-year old self. Malay ba niya kung sino si Jon Snow, 'di ba?
Hindi ko naman nilalahat. Baka naman ako lang ang tanga noong nasa ganoong edad.
Pero kapag nagpa-flashback kasi ako sa mga pinaggagagawa ko no'ng time na 'yon, napapangiwi talaga ako. Example? Hmmm...
May Sorority Ball kami noon. Yep, sorority girl ang tita n'yo. Gusto kong maging Date ang friend slash crush ko sa ball na 'yon. Pumayag naman. Kaso wala siyang isusuot sa Ball. Eh, dahil gusto ko talaga, nag-rent ako ng Barong Tagalog para sa kanya gamit ang allowance ko. Ending? Kinailangang kong magtipid nang todo, kundi gutom ng ilang araw ang aabutin ko. Tanga? Tanga!
Eh, pero sabi nga nila, never regret anything that made you smile. Oo nga naman. Galak na galak naman ako noong time na 'yon, kaya, siya, sige na nga lang.
Nalilito na ba kayo kung saan papunta ang kuwento? Maligalig? Para bang hindi writer ang nagkukuwento?
Believe it or not, I'm a writer. Tagalog Romance writer. Published? Of course. Writing is not my main source of moolah, though. Mabagal akong magsulat.
I am a veterinarian by profession. Hindi siya demanding na propesyon. Kaya ko pang isingit ang pagbi-bake tuwing weekend. Oo, kailangang masipag. Maraming bayarin.
Pero bakit nga ba ako nagsusulat kahit napakarami ko namang ibang gagawin?
Magpapaka-senti ba ako at sasabihing uhaw lang akong ilahad ang laman ng aking puso, isip at kaluluwa? Eh, given naman dapat 'yan! Ano ang kalalabasan ng kuwento kung hindi kasama ang isip, puso at kaluluwa ng writer?
Simple lang naman ang rason kung bakit ako nagsusulat. Dahil gusto kong magsulat. At dahil alam kong medyo kaya kong magsulat. Tapos 'yong kumita ka para gawin ang isang bagay na gustung-gusto mong gawin? Ah, heaven!
Now, where was I, again? Ah, sexiness at forty.
Kapag nasa forties ka na kasi, napakarami mo nang napagdaanan. Kabiguan, kalungkutan, tagumpay - you've conquered them all. You survived. Kaya matinding confidence ang hatid ng pagtapak sa edad na ito.
BINABASA MO ANG
Something Old, Something New
RomanceKung tipikal na heroine sa isang romance novel ang hanap n'yo, hindi ako 'yon. I am not a drop-dead gorgeous, feisty heiress or a damsel in distress with flawless features. And at the age of forty-two, some would even say I am way past my prime. Eh...