KUNG paano nangyaring a little more than a week later ay boyfriend ko na si Zeus, hindi ko na maalala. That was January 24, 1992. I'm sure hindi ako sumagot ng direkta. Shy-type ako noon.
At kahit tanungin natin si Zeus ngayon kung paano nangyari, 'yon ay kung mahahagilap natin, malamang hindi niya rin alam. Mga lalake pa ba!
Pero noong araw na iyon, naging parang Jimmy and Joni kami.
Alam n'yo ba 'yong kantang 'yon? Kung hindi itanong n'yo sa mga mommy n'yo. O sa lola. Maraming nakaka-relate sa kantang 'yan. Marami sa atin, at some point in our lives, nagka-crush sa guy next door - na madalas mas matanda ng ilang taon. Eh, kasi naman napakahirap talagang magka-crush sa kaedad! Nakita mong tumulu-tulo ang uhog dati.
Pero kung soundtrack ng first love ang pag-uusapan, siguradong kasama ang Kanlungan. Ginawa ko rin noon 'yang pag-ukit ng puso sa puno. Sa puno ng bayabas d'yan sa likod bahay. Sa loob ng heart, may nakaukit na D at J. Yep, the real initials. Wala na ang bayabas na 'yon.
May ipinagtataka lang ako noong mga panahong boyfriend ko na si Zeus. Hindi ko siya madalas makita gaya dati.
Pero dahil malapit na noon ang Valentine's Day, excited ako. May surprise ba sa 'kin si Zeus? Malabo ang flowers. 'Di pa uso sa probinsya noon ang pa-flowers. Sa mga lamay nga noon crepe paper pa ang ginagawang korona ng patay, eh. Chocolates? Ayaw ko ring umasa, pero siyempre umaasa ako. Oo, malabo ako.
Anyway, bumili ako ng valentine card para kay Zeus.
Tandang-tanda ko pa ang picture sa harap ng card. Sunset. May silhouette ng isang couple na magkahawak-kamay. Orange and black ang dominant colors. Ang nakasulat: I love you, I love you, I love you... Need I say more? Oo, tandang-tanda ko. Selective ang memory ko.
I did not get to give him the card, though. 'Di kami nagkita. 'Di ko rin alam kung bakit 'di ko ibinigay sa mga sumunod na araw na nagkita kami. And yes, wala siyang valentine gift para sa 'kin.
Bakit parang ang depressing ng eksenang ito? 'Kainis 'no? Hindi hero material. Walang grand gestures para sa heroine. Lumipas ang araw na iyon na parang ordinaryong araw lang. Sad.
Pero parang nagiging unfair ako nang konti kay Zeus sa part na 'to.
Ako kasi, panay hingi lang ng allowance sa mga magulang ko, pero si Zeus, pumupunta sa bukid para kumita. Kaya nga may pakwan, 'di ba? Nagpa-part-time pa sa siya isang piggery. Isinama niya kami one time ni Bubbles habang nagbabantay siya ng manganganak na baboy.
Yep, Zeus worked really hard. And he had big dreams.
Noong time na 'yon, mayroon pang National College Entrance Examination. NCEE. Kapag hindi ka pumasa sa NCEE, hindi ka puwedeng kumuha ng four-year course. Siyempre, pumasa si Zeus. Marami ang hindi.
Inabutan ko rin ang NCEE. Kami, actually, ang last batch na kumuha. Ang rating ko, 97 percent lang. Oy, mataas na 'yon! Hindi rin naman kasi ako masipag na estudyante. Ni hindi nga ako honor student noong high school.
Anyway, pumapasok noon si Zeus sa unibersidad sa kabisera. Sabi niya, gusto niyang maging lawyer. Pre-law ang course niya. Puwede naman. Maboka. At maganda ang mga mata. Napakasarap tingalain noon ang mga mata niya kapag isinasayaw niya ako sa napakabaduy na sayawan sa kalye...
Hindi obvious na hiyang-hiya talaga ako 'pag sayawan sa kalye ang pinag-uusapan, 'no? Pero no'ng mga panahon na 'yon, enjoy na enjoy naman ako.
Dumating ngayon ang summer break.
Bigla na lang akong pinaluwas ng parents sa ate kong naka-base na noon sa Manila. 'Di ko na maalala why. Nataranta ako! 'Di ako nakapagpaalam kay Zeus! 'Di naman ako pinayagang pumunta sa plaza noong gabing iyon dahil nga maaga ang biyahe the next day.
Sabi ni Bubbles habang hawak ang mga kumot, "Ano, itatali ko na 'to sa bintana para makatakas ka?" Oo, kumag si Bubbles. Eversince.
Mahirap ang magka-lovelife noong panahong hindi pa uso ang cellphone. Maraming mga relasyon ang nawawasak dahil hindi pa ultra-modern ang technology noon. Ganoon na ganoon ang mga conflict sa mga lumang Tagalog romance novel. Itinago lang ng mahaderang nanay o ng evil stepsister ang dumating na sulat galing sa jowa, isa nang buong nobela!
Eh, ang pagpapadala noon ng mga urgent message natatandaan n'yo pa kung paano? Telegram, remember? Per word ang bayad. Kapag may dumadating noon na telegrama, bad news ang unang iisipin. Kailangan mo munang umupo kasi madalas, ang nakasulat <Come immediately, so-and-so is dead.> Napaka-traumatic!
Noong summer break na 'yon, lumuwas ako nang hindi nakakapagpaalam kay Zeus. At buong summer break, wala kaming communication. April 13 pa naman ang birthday niya.
Nag-break ba kami dahil do'n? Nope. No LQ, either. It made the relationship stronger.
'Ayan ha, na-establish na nating struggle is real para kay Zeus ang mga bagay na kailangang gamitan ng pera. Dapat hindi ako maghanap ng mga bagay na 'di niya kayang ibigay. Mag-sacrifice ng konti.
Hindi madali. Nakakainggit ang friends na may generous boyfriends. Tapos no'ng time na 'yon, sentimental pa talaga ako. Kahit pinagbalatan ko ng candy habang kasama ko siya, itinatago ko. Ngayon, ibinubulsa ko na lang ang balat ng candy kasi may pagka-tree-hugger ako. Sa paglipas kasi ng mga taon, habang tumatanda at mas maraming pinagdadaanan, you learn to let go of things.
Pag-uwi ko galing ng Manila, nakakapagtakang lagi na kaming nagkikita ni Zeus. Madalas siyang nasa bahay 'pag gabi. Nanonood kami ng basketball. All-Filipino conference 'yon no'n. Magkalaban ang teams namin sa Finals.
Maka-San Miguel siya. Nandoon pa noon sina Samboy Lim, ang napakaguwapong si Yves Dignadice at 'yong tatay ni Kiefer Ravena na laging foul. Ako, maka-Purefoods. Deads na deads ako noon kay Alvin Patrimonio.
Awkward noong una, pero nasanay rin ang mga magulang kong nakikita lagi si Zeus. Naisip siguro nilang mahirap pigilan ang mga ganoong edad. Na mas mabuti nang nakikita nila kami. Dahil ano nga namang hindi tamang bagay ang puwede naming gawin habang nanood ng PBA sa TV, 'di ba?
Siyempre 'pag walang nakatingin, yayakapin ako ni Zeus mula sa likod. Third year high school na ako nito. Habang naga-assignment ako, nakabantay lang siya.
One time biglang siyang pumilas ng page sa notebook ko. Sumulat siya sa pilas na papel.
Diosamia, I love you so very much!!!
Parang kinahig ng manok ang handwriting niya, pero nagwala talaga ang puso ko. A few years ago, nakita ko pa ang note na 'yon sa bahay namin sa Antipolo. Nakaipit sa isang lumang organizer ko noong college. Hahanapin ko one of these days...
Hmm... ano pa ang kulang sa kuwento? Ah, first kiss. Kakayanin ko bang ikuwento ang first kiss? Baka mabasa ni Gael at itakwil ako.
Lalagyan ko na lang ng disclaimer. This is a work of fiction. Yada-yada-yada... 'Ayan, lusot na sa pakialamero kong anak.
Napahikab ako. Napatingin ako sa relo. It's almost ten. Kailangan ko nang matulog. Tomorrow is another day. Baka nga mas juicy pa ang mga maaalala kong ikuwento sa susunod na mga araw dahil mai-inspire ako sa mga makikita ko sa paligid...
Aakalain ko bang two days later, si Zeus pala mismo ang makikita ko?
*****for the succeeding chapters, follow my new wattpad account: CelineAlqueza*** Q yan, hindi G.
BINABASA MO ANG
Something Old, Something New
RomansaKung tipikal na heroine sa isang romance novel ang hanap n'yo, hindi ako 'yon. I am not a drop-dead gorgeous, feisty heiress or a damsel in distress with flawless features. And at the age of forty-two, some would even say I am way past my prime. Eh...