Chapter 2

238 14 6
                                    


Ano kaya ang sasabihin ni Zeus kung mababasa niya ito, 'no? Pero malay ba niyang ako ito? Malay ba naman niyang writer ako? Maliban na lang kung nakikibalita siya. Na malabo. Last ko siyang nakita, in the flesh, noong late 90s. Hindi niya ako nakita.

Anyway, itong si Zeus ay kabarkada ng pinsan kong si Jong na kapatid ng BFF kong si Bubbles na girlfriend naman ng pinsan ni Zeus na si Cardo. Huwag nang pag-aksayahan ng oras na i-analyze ang degree of affinity and consanguinity, hindi importante. Pero dahil doon, palaging nagagawi si Zeus sa may amin.

Laging naka-baseball cap si Zeus noon. Iinom-inom sila. College na siya noon. Ako, second year high school. Hindi kami nag-uusap, kasi, hello, ano naman pag-uusapan namin? Hindi kami close.

Pero isang Sunday ng umaga, galing ako ng simbahan...

Promise, palasimba ako noon. Ngayon, once a year na lang. Tuwing Ash Wednesday. Secret ito na close friends ko lang ang nakakaalam. Nakasanayan ko. The rest of the year, pumapasok lang ako sa simbahan dahil sa social obligations.

Kapag Ash Wednesday, sinasabi sa sermon na kapag nagdasal ka, isara ang pinto at bintana. 'Wag magpapakita sa iba para lang maipakitang nagdarasal ka. Sinunod ko. Kaya hindi ako palasimba.

Noong maliit pa si Gael at minsang nasa simbahan kami, may importante siyang itinanong. "What is it this time, Mommy? Is there a wedding or is somebody dead again?"

Mali si Gael. May binyag.

So, hayun, noong araw na 'yon, galing ako ng simbahan. Hindi ko na matandaan kung bakit, pero dumungaw ako sa mismong bintanang ito. At nagulat.

Si Zeus kasi, nakatayo sa may bakuran namin! Sa ilalim ng punong mangga.

Para nang itinahip ang dibdib ko. Para na akong lumulutang...

Kung naramdaman ni Zeus na nakatingin ako, hindi ko alam. Bigla kasi siyang nag-angat ng tingin, nagtama tuloy ang mga mata namin.

Hindi ako agad nakagalaw! Napakabilis na ng tibok ng puso ko. And then he smiled. Sweet na smile. Abot hanggang mata.

Nang mga sandaling iyon, hindi na lang butterflies ang naramdaman kong nagliparan sa sikmura ko. May stampede na sa dibdib ko. Parang may zoo. Oo, may ganoon talagang feeling. Hindi nagsisinungaling ang kanta.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong sinusuklian na ang ngiti ni Zeus.

No idea kung gaano katagal kaming nagngitian. Pero bigla na lang akong nakaramdam ng hiya. Nagtago ako sa likod ng kurtina. Kung ano na ang ginawa ni Zeus, hindi ko na alam.

May bigla akong naisip ngayon-ngayon lang.

Bakit ba ako nagmaganda at ang pinili kong assignment, eh, kuwentong Hapon! Parang mas madali yata kung 'young love, sweet love' na lang, 'no?

Hindi kasi talaga ako makapag-decide kung paano ko ba dapat ikukuwento ang kuwentong Hapon. Madrama ba? Maaksyon? Love triangle na may mga mega-hot na bida gaya ng Pearl Harbor? Gusto ko ang Pearl Harbor. Team Josh Hartnett ako. Gusto ko rin ang soundtrack ng Pearl Harbor. Masarap kantahin sa videoke ang There You'll Be.

Pero sige, granted na makapag-decide ako kung paano ko ikukuwento... paano naman ang details? Ayokong mag-base lang sa History books. Mas maganda kung may interview. Kaso walang kuwentang kausap sina Mamang at Pop. Bagong panganak lang daw sila noon.

Nakakapanghinayang na hindi ako nagpakuwento noon sa lolo at lola kong sina Apong Bestre at Apong Tonyang. Wala na sila ngayon para magkuwento. Eh, malay ko bang kakailanganin ko ng info?

Ang tanging alam ko lang, pagkatapos ng World War II ay kasama si Apong Bestre sa mga Sakada na nagpunta sa Hawaii. Sumakay ang Sakada batch nila sa barkong dumaong sa Salomague Port sa Cabugao, Ilocos Sur noong early 1946. Nakarating daw sila sa Hawaii makaraan ang ilang linggo. Doon, nagtabas sila ng tubo. Sa loob ng dalawampung taon!

Noong umalis si Apong Bestre, maliliit pa raw sina Pop. Pag-uwi ni Apong Bestre, dala ang tatlong malalaking baul na kasya ang tatlong Houdini sa isa, marami na siyang apo. Ipinanganak na rin noon ang ate ko.

Pero, wow, twenty years kang hindi uuwi sa pamilya mo! 'Yong iba, doon na nanirahan sa Hawaii. Ipinestisyon na ang mga kapamilya. Marami sa mga kapitbahay namin, may relatives sa Hawaii. Si Apong Bestre, piniling umuwi, nag-pensyon later ng US Dollars. Kaya maaga kong natutunan ang tungkol sa peso-dollar rate. Twenty pesos ang isang US dollar noong early eighties.

Tumingin ako sa relo ko. Mag-aalas-tres na. Hindi pa ako nagla-lunch. Wala kasi akong gana kanina. Sino ang gaganahan, 'di ba? Ngayon, nakakaramdam na ako ng gutom.

Pero bago pa man ako makalayo sa bintana, nag-ring ang phone ko. It was Kevin.

Vet din si Kevin. Classmates kami noon sa paanan ng Mount Makiling. Kasama ko siya sa Happiest Pets, ang clinic ko ng aso, pusa, kuneho... name it, we can treat it. Pati pansabong na manok, welcome.

"Hola, Kevin!"

"Hey, Mia bakasyunista! Kumusta, 'te?" Yep, Kevin is bading. Ninong siya ni Gael. Puwede sanang tumayong father-figure kay Gael dahil halos araw-araw naming kasama, kaso inaamin niyang hindi niya kaya. Mas malakas daw ang tili niya kesa sa 'kin. Ako pa ang papatay sa ipis na feeling butterfly.

"Okay lang. Kumusta d'yan?"

"Huwag mo kaming intindihin. Bakasyon ka lang muna. Kahit two weeks lang. O kahit three. Hanggang matapos ang holy week. Makapagpahinga ka nang matagal-tagal."

Iyon ang matagal nang sinasabi sa akin ni Kevin. Mula daw kasi nang mawala si Nick parang sinasadya ko raw na pagurin ang sarili ko.

Nagpa-plano naman ako noon na umuwi pero hindi natutuloy. Palagi akong may nahahanap na excuse para huwag tumuloy. At ngayong hindi ko pinagplanuhan, nandito ako. Inaamin kong natuwa ako sa sinabi ni Kevin. Tempting. Kapag lumuwas ako bukas, hindi ko alam kung kailan uli ako makakabalik ng San Clemente.

Baka nga puwede naman? Alam kong hindi ako magwo-worry sa clinic. Kayang-kaya nilang patakbuhin iyon. Maliban sa amin ni Kevin, may dalawang Vet Assistant at dalawang Groomer. Isama pa si Tintin na tindera sa katabing pintuan na poultry supply store ko. "Hindi ba ako parang nagti-take advantage?"

"Gaga. That's what friends are for."

Tumawa ako. Bakit nga ba ako nagpapakipot? "Balik ako ng Palm Sunday d'yan." Tama na ang two weeks.

"Dahil? Hello, lahat ng tao magbabakasyon," sabi ni Kevin. "At hindi ka dapat magbukas ng clinic sa holy week. Masusunog ang kaluluwa mo sa impiyerno."

Tumawa ako. "Paano kung may emergency?"

"Eh, 'di pupuntahan ko! I'm serious, Mia."

Feeling ko rin serious siya. "Kaso, konti lang ang dala kong damit. Padalhan n'yo ako sa bus. I'll text you a list. Pakipaayos na lang kay Tintin."

Sure daw.

Bumaba na ako. Pero bago pa man ako makarating sa pinakamababang step, may narinig na akong sumigaw.

Nanlaki ang mga mata ko. Si Bubbles! Sumigaw na rin ako. Sinalubong ko siya ng yakap. At para na kaming tangang magkayakap habang tumatalun-talon at tumitili-tili.

Nakatingin lang si Gael. Sigurado ako na kung wala siyang atraso ay pinapaikot na naman sana niya ang mga mata dahil sa ingay ko.

***

for the succeeding chapters, follow my new wattpad account: CelineAlqueza

Something Old, Something NewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon