Sa loob ng mainit na simbahan. Sa gitna ng nagsisipag-iyakang mga sanggol dahil kahit kalagitnaan ng summer ay lacy outfit na makati ang mga suot. Sa San Clemente Church. Sa binyag ng apo ni Bubbles.
Ang ipinagtataka ko ay kung bakit may binyag sa araw na iyon. Noon kasi ay sabay-sabay lang na binibinyagan ang maraming sanggol tuwing Linggo. Maraming beses akong nag-anak ng binyag. Ang panganay ni Bubbles ang kauna-unahang inaanak ko. Ang araw naman ng misa sa libing noon, Huwebes lang. Patay na, mag-a-adjust pa. Ang kasal, 'di ko alam.
"Bakit may binyag ngayon? Tapos Lenten season pa," sabi ko kay Bubbles.
"'Yon ang gusto ni Father," bulong ni Bubbles. "Alam mo naman ang mga father. 'Di ba nga gusto mo rin noon na dito binyagan si Gael pero ayaw nila? Tapos na-highblood ka lang."
Ayaw ngang binyagan ng pari sa San Clemente si Gael noon dahil sa huwes lang daw kami ikinasal ni Nick. Kung gusto ko raw talaga, magpakasal daw muna kami sa simbahan. Kung ayaw ko raw ng gastos, sumabay daw kami sa mass wedding.
Nag-init ang ulo ko siyempre. Pero ganoon daw talaga. Sana raw kung illegitimate talaga si Gael at wala talaga akong partner, papayag silang binyagan. Naloka talaga ako noon sa logic nila. Or the lack thereof.
Pero alangan namang kontrahin ang mga father? Teritoryo nila ang simbahan at sila ang Bible at Canon Law experts, bakit ako makikipagtalo? Kaya para matapos na, sa QC ko na pinabinyagan si Gael. I have nothing against the Catholic church. Naloka lang ako nang slight.
Dahil busy si Bubbles sa pagpapatahan sa apong hindi pa alam patahanin ng twenty-three year old nanay, iginala ko ang paningin ko sa simbahan.
Totoong projector screen na ang dati ay katsa lang noon na screen. Ang mga pews ay 'yon pa ring mga donasyon noong unang panahon ng mga Panginoong May-Lupa. Iyong nasa harapan ko, may naka-engrave sa likod na 'Donado por Doña Maria Aguida Fernando y Mercadero viuda de Suarez'.
Noong early eighties, may mga tinatawag pang mga don at donya sa San Clemente. Sila ang may-ari ng mga imahen sa karosa na ipinu-prusisyon tuwing Semana Santa. May ganoon ang angkan nina Bubbles sa fatherside. Iyong may hawak na panyo. Santa Veronica 'ata?
In two more weeks, aayusan na ang karosa nina Bubbles.
Haharap na sana uli ako kay Bubbles nang mapatingin ako sa lalaking nakaupo dalawang pews mula sa amin. Nasilaw kasi ako sa suot na polo ng lalaki. Napakatingkad na orange. Sorry, Lord, nasa simbahan ako pero kung anu-ano ang napapansin ko.
Lumingon ang lalaki. Nagulat ako. He had Zeus' eyes! Pero may nunal sa pisngi. Nakababatang kapatid ni Zeus!
Mukhang nagulat din siya pero ngumiti. Mukhang nakilala rin ako agad. Ex ng kuya ko, sabi siguro niya sa isip niya. Ganda pa rin, sabi rin siguro. Siyempre sabi ko lang 'yong last part. Mukhang 'tita' sabi rin siguro. You see, I get that a lot na lately. That 'tita' part. Hindi na maiwasan.
Sinuklian ko ang ngiti niya. Bumaling na rin siya agad sa altar.
"Si Zeus at Chico!"
Natigilan ako sa sinabi ni Bubbles. 'Zeus' ang dinig ko. Nagkamali lang ba ako? "Sino?"
Tumingin sa akin si Bubbles. "Ex mo at si Chico," sabi niya. Inginuso ang bandang likod ko kung saan siya nakaharap habang inihehele ang apo.
Tama pala talaga ang dinig ko. Pero what??? Nasa San Clemente ang first love ko? 'Di ko kilala si Chico, pero lumingon ako. Feeling ko slow motion.
And there, really, was Zeus. Siya talaga ang unang nakita ko sa dami ng tao. Baka dahil mas matangkad siya kaysa sa mga nandoon. O baka dahil naka-baby pink poloshirt siya. O baka dahil parang may spotlight na tumama sa kanya. Okay, fine, OA ang spotlight.
BINABASA MO ANG
Something Old, Something New
عاطفيةKung tipikal na heroine sa isang romance novel ang hanap n'yo, hindi ako 'yon. I am not a drop-dead gorgeous, feisty heiress or a damsel in distress with flawless features. And at the age of forty-two, some would even say I am way past my prime. Eh...