Now, itong si Zeus, hindi naman siya ang nag-iisang crush ko noong mga panahong 'yon. Eh, hello, 'dami kayang cute sa mundo! 'Tsaka crush lang naman.
May isa pa akong crush. Itago natin siya sa pangalang Maverick. Sikat kasi noon ang Topgun. Schoolmate ko. Mas matanda ng two years.
First year high school ako noong una kong makita si Maverick at nasa "off-again" ako noon sa "on again-off again" na pagkaka-crush ko kay Zeus. Madalas kong nakakasabay sa bus si Maverick. Palagi ko ring inaabangan noon ang pagdaan niya sa tapat ng classroom namin.
Ni minsan, hindi ko nakitang nagdala ng school bag si Maverick. Kapag naglalakad siya, pinapaikot niya ang notebook sa hintuturo niya. Dark blue jeans at puting T-shirt ang laging suot ni Maverick. Puwede ang ganoong attire ng boys sa public school. Yes, paaral ako ng gobyerno mula kinder hanggang college. Pero kinder drop-out ako kasi tinamad ako. Hindi pa noon required na g-um-raduate ng kinder ang mga bagets.
Isang araw ng Linggo, second week ng January, nagbabasa ako ng Horoscope sa Liwayway. Sabi ng horoscope ko: Magtatapat na sa 'yo ang matagal mo nang minamahal.
Shookt ako!
Time first, natatawa ako. Wait, alam n'yo na bang 'time freeze' daw pala 'yon dapat at hindi 'time first'?
Pero nakakaloka ang horoscope! Magtatapat. Minamahal. Baduy! Napapangiwi talaga ako ngayon. Pero siyempre, no'ng time na 'yon, na-excite ako nang todo. Magtatapat na raw si Maverick! Kung paano, hindi ko alam. Ni minsan naman kasi ay hindi kami nagkausap. Suntok sa buwan pero umasa talaga ako. Muntanga lang.
Hindi ko nakita si Maverick kinabukasan. No worries. Sabi ng horoscope, Friday ang lucky day. Pero uwian na ng Friday, wala pa rin. Mali ang horoscope!
Para 'di na raw ako malungkot, niyaya ako ni Bubbles sa birthday party ng boyfriend niyang si Richard, a.k.a. Cardo. Dahil malapit lang naman, sumama ako.
Ganoon na lang ang bilis ng heartbeat ko pagdating namin sa party kasi bigla na lang nag-appear out of nowhere si Zeus. Pero pinsan nga pala ni Zeus si Cardo kaya hindi na ako dapat nagulat.
Hindi na malinaw sa utak ko ang mga pangyayari. Ang natatandaan ko, walang sayawan sa kalye sa birthday ni Cardo. Pero bigla na lang sinabi ni Zeus sa 'kin, "Ihahatid kita pauwi, Mia, ha?"
'Di ko alam ang sasabihin ko! Kaya ano'ng ginawa ko? Huwag kayong tatawa, ha? Tumakbo ako.
Eh, pero sabi ko nga, kapag twenty ka, 'you know nothing,' Kapag fifteen ka, hindi ka pa dapat pinapayagang lumabas ng bahay kasi para ka pang tanga.
Pero bakit ko ba kasi tinakbuhan si Zeus? 'Di kasi ako naniniwala na seryoso siya. Baka nalaman niyang crush ko siya kaya ginu-goodtime ako. Too good to be true kasi. At alam natin kung ano talaga ang totoo sa mga bagay na too good to be true, 'di ba? Isa pa, ano ang pag-uusapan namin?
And then I remembered the horoscope. Wait... bakit ba kasi si Maverick ang naisip ko? Si Zeus ba ang ang tinutukoy? Ang magtatapat? Oh, noes!!! Pinabayaan ko lang bang lumampas ang chance?
Pero pagkatapos kong takbuhan si Zeus, nakita ko siya the next day.
Kung ipapalabas siguro ang episode na ito ng buhay ko sa MMK, ang title 'Pakwan.' May dala kasing pakwan si Zeus nang makita ko from afar. Malaki. Nagulat na lang ako no'ng may iabot sa 'kin ni Bubbles na pakwan. Bigay daw ni Zeus. Sa akin.
Halos mag-hyperventilate ako. Nagpagulong-gulong ako sa kilig. Humahagikhik mag-isa. Inilagay ko sa ref ang pakwan. Sabi ko, akin lang ang pakwan. No comment naman ang mga tao sa bahay. Sanay na sila sa mga kabaliwan ko.
Now, itong si Bubbles, madalas natutulog sa bahay namin. Pinsan ko, remember? Kinagabihan, binisita siya ni Cardo. Magi-eighteen na si Bubbles kaya hindi na issue kung makipag-boyfriend.
May kasama si Cardo. Kelangan ko pa bang sabihin kung sino?
Pinapasok sila ni Apong Bestre... o mas tama 'atang sabihing pinapasok si Cardo, sidekick lang si Zeus. Tinawag, siyempre, ako ni Bubbles. Kunwari daw maki-chika ako.
Hindi ako bumaba. Nahihiya ako. Wala naman akong maisip na sasabihin. At kung may maisip man ako at i-try kong magsalita, baka mautal lang ako. 'Kakahiya! Pero nang marinig ko na silang nagtatawanan, inggit na inggit na ako.
And then I heard footsteps. Oro, plata, mata... Oro, plata, mata... Oro...
Siyempre, hindi si Zeus! Hahaha! Although, sino ba ang hindi nangarap sa ganyang edad na akyatin ng crush sa kuwarto? O landicious lang ba ako? Pero 'kakaloka 'yong Twilight, ha! Binabantayan ka ng bampira habang tulog ka kasi naaakit sa amoy ng dugo mo? Yay!
Si Bubbles ang umakyat. Pahingi daw ng papel at ballpen. Bumaba rin agad. Naiwan na uli akong mag-isa. Nagpaka-busy na lang ako kunwari. Later, narinig ko nang sumara ang pinto sa baba. Umakyat na si Bubbles. May iniabot sa 'kin. Nakatuping papel. 'Yong papel ko kanina.
"Bigay ko daw sa 'yo, sabi ni Zeus," sabi ni Bubbles.
Kumabog ang dibdib ko! May ideya na ako kung ano 'yon pero nagtanong pa rin ako. "Ano to, Bubbles?" Mahirap na! Mamaya listahan lang pala 'yon ng kung ano. Binuklat ko.
Dear Diosamia...
Sa start pa lang, obvious nang loveletter! Natanggap ko nang gabing iyon ang kauna-unahan kong loveletter! Yata. Bakit 'di ako sigurado? Para naman kasing nanunumbat lang si Zeus sa sulat!
Bakit daw 'di ako pumayag magpahatid? Bakit daw 'di ako bumaba? Makatanong! Demanding agad! Pero may pa-'i like you' naman.
Hindi ko na natatandaan ang ibang sinabi. Twenty-seven years na ang nakalipas. Kasabay ng pagtapak sa kuwarentahin ang pagiging makakalimutin.
Narinig kong tinawag ako ni Mamang para mag-dinner. Matagal ang dinner. Mahabang kuwentuhan dahil nakikain si Arnold at ang hipag kong si Jenelyn. Nang makauwi sila, umakyat na uli ako.
Saan nga ako natapos kanina? Ah, sa medyo loveletter.
Nang sumunod na araw pagkatanggap ko ng medyo loveletter, tinanong ni Zeus kung ano raw ang sagot ko. Saan kami nagkita? Sa ilalim ng punong mangga.
Hindi sinadya ang pagkikita namin kaya, please, huwag sabihing nakikipagtagpo ako. Sinamahan ko lang si Bubbles sa bahay nila, nasalubong namin si Zeus.
Sagot ko, "Ewan."
Sabi ni Zeus, "Ayaw mo ba ako?"
Sagot ko uli, "Ewan. 'Di ko alam." Kung Engleshera na ako no'n, sasabihin ko siguro: I don't know, Zeus! I'm confused. Char!
Sabi uli ni Zeus, "Bakit 'di mo alam? Bakit ewan mo?" Kung salubong ang kilay at naniningkit lalo ang mga mata, hindi ko alam. Madilim. Walang streetlight! Walang pondo ang barangay.
Jusko, napaka-frustrating ko sigurong kausap noong araw. Eh, pero frustrated din naman ako no'ng mga panahong 'yon!!!
Bakit ang manhid ni Zeus! Hindi ba halatang deads na deads ako sa kanya?
BINABASA MO ANG
Something Old, Something New
RomanceKung tipikal na heroine sa isang romance novel ang hanap n'yo, hindi ako 'yon. I am not a drop-dead gorgeous, feisty heiress or a damsel in distress with flawless features. And at the age of forty-two, some would even say I am way past my prime. Eh...