III

3 0 0
                                    

After knowing that I am pregnant, hindi ko agad nasabi iyon kay Nathan. I am contemplating whether I'll tell him or not. You know that our relationship is ok but I never know how he felt towards me. We said 'I love you' to each other but I don't know if he mean it.

Yeah, I know I am pathetic. Pagkatapos kong sabihan ng pathetic iyong mga lalaking naghahabol sa akin noon, ako naman ngayon ang naging pathetic.

I know he doesn't love me that much. Umabot kami ng isang taon at kalahati dahil ganun daw talaga siya e, he's the type of a guy na into long term relationship. Alam kong mahal niya parin iyong ex niya kahit hindi niya sabihin o hindi niya pinapakita. Alam ko dahil gabi gabi nakikita ko siyang nakatutok at nakatulala lang sa picture nila ng ex niya.

Hinahayaan ko lang iyon dahil hindi ko rin naman alam na unti unti na pala siyang nakakapasok sa puso ko. Ah langya! Napakadrama ko hahaha ngayon lang ako naging ganito sa isang lalake ah. Swerte niya.

Pagkatapos kong makakuha ng lakas ng loob ay sinabi ko narin sa kaniya. Akala ko magagalit siya dahil hindi siya naka-imik ng ilang minuto. Naghintay lang ako kung ano ang unang lalabas sa bibig niya.

"Let's get married then." Now it's my turn to be silent for a few minutes. He just said that we should get married. How would I react to that?

But not long after, I also agreed with him, alangan namang hindi niya ako pakasalan eh nabuntis niya ako diba? I admit that I am happy. Finally I will have my own family. Kaso... umepal iyong Mama niya.

She didn't want us to get married not until I gave birth. Sabi pa niya, "Let's wait until you gave birth to that child then we will perform a DNA test with the child and Nathan. Dahil mahirap na iyong hindi kami sigurado baka hindi naman pala si Nathan ang ama ng anak mo."

Iyon iyong time na para akong maiiyak, hindi dahil sa masakit na sinabi niya pero dahil sa inis. Damn it! Kung pwede ko lang sabunutan ang matandang iyon ginawa ko na. Akala mo kung sino kung umasta, kahit na mayaman siya wala siyang karapatan na insultuhin ako. Oo malandi ako, oo marami na ang dumaan na lalaki sa buhay ko pero hindi paba sapat na dahilan na kami ang magkasama ng anak niya sa loob ng isang taon?!

Ano'ng gusto niyang palabasin? Na two timer ako? Na kapag nakatalikod ang anak niya kung sino sino nalang ang kinakalantiri ko? Tang*nang iyan! Kung alam ko lang talaga na ganito ang Mama niya, hindi na sana ako pumatol sa anak niya. Hindi ko kawalan kung maghihiwalay kami ni Nathan. Oo mahal ko siya pero hindi ako masokista! Konti nalang sana e, pagnakapasa sana ako sa board exam hihiwalayan ko na si Nathan kaso wala e, nabuntis ako dahil sa katangahan ko. Alangan namang hayaan kong walang ama itong anak ko?

Lumabas na ang resulta ng exam, ang sarap sanang i-celebrate na nakapasa ako, kaso heto lang ako ngayon at mag-isa sa condo. Nag-iisip na sana ako kung saan ako unang mag-aapply kaso hindi. Nagpa-check kami last week dahil dinudugo ako. Taena lang grabe iyong takot ko nun, akala ko mawawala na sa akin ang anak ko. Kahit hindi ko naman inaasahan ang pagbubuntis ko ay natutunan ko naring tanggapin iyon at ayaw kong may mangyaring masama sa anak ko.

Sabi ng doctor, dahil daw siguro sa stress o pagod kaya ako dinugo. She said that my baby is weak, kaya mahina ang kapit ng bata. I should be careful on what I consume and avoid doing heavy work. I should also do light exercise and drink vitamins for my baby and me para lumakas ang kapit ng bata.

Mama and Papa decided that I should not apply for work while I am still pregnant. Iyong bagay na sana ay kakapitan ko, nawala din. Mara knows about my situation and she badly wanted to take care of me pero may board exam pa siya. I felt lonely. Maybe because of my pregnancy hormones that I am so sensitive and feeling so emotional these days.

Nakatulugan ko na yata ang pag-iyak araw-araw. I know sabi ni Doctora na bawal ang stress pero wala akong magawa e.

"Nathan." Nagising ako ng madaling araw dahil naramdaman kong may tumabi sa akin. He held me in his arms and slowly brush my hair. The feeling was soothing and my heart beats faster just because of that. I wish he felt the same way towards me. I hugged him and buried my face in the crook of his neck. I love smelling him there, he just smells so good.

"I want to go home. Ayoko na dito." Mahinang sabi ko. Napahiwalay siya sa akin ng mahina at kunot noong tinignan ako sa mata.

"What are you saying? You'll leave me?" Ilang segundo din nag-lag iyong utak ko dahil sa sinabi niya. Mukhang mali ata ang pagkakaintindi niya e.

"No, what I mean is gusto kong umuwi dahil nabuburyo na ako dito at mas naiistress lang. Sa bahay kasi nandoon naman si Mama. Okay lang ba?" He just stared at me for how many seconds before nodding.

"Okay, but be sure to come back to me." He said before closing his eyes and we slept.

Doon ako sa bahay namin nakatira hanggang sa kabuwanan ko. Pumupunta naman doon si Nathan once a week lang. Pero naiintindihan ko naman dahil busy talaga siya. Sobrang miss na miss ko na siya at minsan pa nga ay hinahanap hanap ko ang amoy niya, may mga araw din na gusto ko siyang makita at mayakap at makurot. Kaso napaka-busy niya, pumupunta nga siya sa bahay kaso hindi ko naman na siya naabutan minsan dahil sobrang aga niya pumupunta at saglit lang din para bigyan ako ng mga kailangan ko.

Kaso may isang bagay na hindi niya maibigay-bigay at iyon ang hinihintay ko. Dumating na ang kabuwanan ko at hindi parin siya nagpaparamdam. Ilang text at tawag na ang ginawa ko pero walang reply kahit isa.

11:38 nang gabi, December 31, isinugod ako sa hospital dahil sumasakit na talaga ang tiyan ko at manganganak na ako. That time I felt like I was battling with life and death. It hurt so much that I badly wanted it to stop. They tried to make me deliver the child in a normal way but I couldn't kaya they decided na i-cesarean ako.

When I heard the baby cried, I smiled while tears are falling down my cheeks. I held him in my arms with care, I couldn't believe that I have my own child now. I can't believe that I am a mother. The feeling was overwhelming, I am beyond happy to see my son. And I promise na kahit anong mangyari hindi siya masasaktan, as long as I am still alive.

At exactly 12:00 am, I receive the most precious gift that I ever had. My love. My baby Ethan Laurent Sandiego Cameron. He resembles his Dad's physical features but he got his brown hair from me. He's so beautiful, I can't wait to raise him. Wala na akong pakealam sa DNA test na sinasabi ni Mrs. Cameron, kung ayaw nilang tanggapin ang anak ko okay lang sa akin. Hindi ko naman sila kailangan, I'm sure kaya kaming buhayin ng pamilya ko pansamantala hanggang sa hindi pa ako nakakapagtrabaho.

Sa Cameron hospital ako nanganak kaya imposibleng hindi nila malaman na nandito ako. Pero miski anino ni Nathan hindi ko nakita noong pumasok ako sa delivery room, nag text din ako sa kaniya na manganganak na ako at kung saan kaming hospital naroon. Kaso wala akong na tanggap na reply kahit isa. Tinawagan narin siya ni Kuya at tinanong ang front desk ng hospital kung naka duty ba si Nathan at ang sabi naman ay nandito raw siya kaso ni anino niya hindi ko nakita.

Paralleled FateWhere stories live. Discover now