Misteryo ng LIWANAG

70 2 0
                                    

MISTERYO NG LIWANAG

Isang taon ang lumipas. Bisperas muli ng Pasko. Sa ganitong panahon noon, masayang-masaya ako lalo na noong isang taon nang bumalik dito sa Bayan ng San Luis si Andrew. Huli kaming nagkita sa tabing ilog noong Araw ng Pasko. Mula noon, nagbago na ang pagtingin ko sa maraming bagay, lalo na sa pag-ibig at tadhana.

Nakahiga pa ako sa aking kama nang pumasok sa aking kuwarto si Mama.

"Anak, may balita ako sa'yo," pahayag niya sa akin. "Bumalik na si Andrew."

"Mabuti sa kanya, nakabalik na si Bro. Andrew," malamig kong sagot kay Mama. Naintindihan na nilang kapag si Andrew ang pinag-uusapan, sadyang masama ang aking timpla.

"Tingin ko kailangan mo na siyang makita ngayon dahil..." natigilan panandalian si Mama, "...baka hindi mo na siya makita muli."

Napatingin ako kay Mama. "Anong ibig niyo pong sabihin?"

"Mabuti pa't bisitahin mo na siya," alok sa akin ni Mama.

Hindi man bukal sa aking loob, nagbihis ako nang pang-alis at pumunta sa bahay nina Andrew. Habang papunta ako sa kanila, natanaw ko mula sa malayo ang Annual Christmas Fair sa plaza. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Nagluha muli ang aking mga mata.

Tinuon ko na lamang ang aking sarili sa pagpunta sa bahay nina Andrew. Pagkarating ko, sinalubong ako ni Tita Trina.

"Maggie, anak," pagbati niya sa akin saka niya ako niyakap. Napansin kong namumula ang mga mata nia Tita Trina.

"Bakit po namumula ang mga mata niyo, tita?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot. Bagkus, sinamahan niya ako sa loob ng bahay at dinala sa kuwarto ni Andrew.

Binuksan ni Tita Trina ang pinto. Doon ako nagulat sa aking nakita. Nakahiga si Andrew sa kanyang kama at may nakakabit na suwero sa kanyang kanang kamay. May nakakabit din na inhaler sa kanyang ilong. Sa kanyang tabi, nakaupo si Tito Roman na binabantayan siya.

"Maggie," tawag niya sa akin at niyakap niya ako.

"Ano pong nangyari kay Andrew?" Tanong ko sa kanila.

"Andrew was diagnosed with a rare case of cardio arrhythmia or irregular hearbeat," sagot sa akin ni Tito Roman na parang hirap na hirap siyang ipaliwanag. "Unti-unting humihina ang pagtibok ng puso niya. This year alone, nakailang cardiac arrest siya. It was a miracle that we were able to revive him. Pero ang sabi ng doctors niya sa Manila, the next attach will be fatal."

Napatigil si Tito Roman at napaluha. Lumapit sa kanya si Tita Trina na umiiyak din..

"Bago kami umuwi dito, may tatlong wish si Andrew sa amin," sabit ni Tita Trina. "One, na babalik siya dito sa San Luis dahil dito niya nais...nais..." Hindi na tinuloy ni Tita Trina. Napaluha na rin ako pero hindi ko ininda ang pagtulo nito.

"Two," tuloy ni Tito Roman. "Ibigay ang sulat na ito sa iyo ngayong bisperas ng Pasko."

Kinuha ni Tito Roman ang isang putting sobre mula sa side table ni Andrew. Inabot niya sa akin ito. Sulat-kamay ni Andrew na nakalagay ang aking pangalan.

"Wala siyang binanggit na pangatlong hiling," dagdag ni Tito Roman. "Ngunit, sinabi niya sa amin na nasa sobreng iyan ang pangatlong hiling niya. Hindi namin ninais buksan iyan dahil alam namin na para sa iyo ang huling hiling niya. Kaya sana, Maggie, tuparin mo ito."

Tumulo muli ang aking luha nang maupo ako sa tabi ni Andrew. Tahimik na lumabas sina Tita Trina at Tito Roman ng kuwarto. Hindi na nagpaalam sa akin. Mukhang alam nilang kinakailangan naming ng oras ni Andrew kahit na mahimbing na natutulog ito.

Huwag Ka Nang UmiyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon