Misteryo ng GALAK

101 2 1
                                    

MISTERYO NG GALAK

Napaka-matalinghaga man ng sinabi ni Andrew.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Bahagyang napatigil siya sa pagsuklay ng buhok.

"Wa-wala. Pasko na bukas, di ba? Baka lang maging busy tayo sa kanya-kanyang selebrasyon."

"Aysus!" Sambit ko. "Sa bahay namin naman kayo kakain bukas ng umaga!" Tinawanan ko lang siya. Siya naman, tahimik lamang at nakatingin sa akin.

"Sige, maiba ako," pagiibang topic ni Andrew. "Dahil kailangan kitang bayaran sa pitong taong pagkakautan ko sa'yo, bibigyan kita ng three wishes. Basta kaya kong gawin ha." Ngumiti siya sa akin habang nagsusuot ng white t-shirt.

Wow! Three wishes! Paskong-pasko talaga ang pakiramdam ko ngayon dahil sa tatlong wishes na ibibigay sa akin ni Andrew. Aba! Hindi ko papalagpasin ito.

"So, ano ang mga wishes mo?" Tanong sa akin ni Andrew.

"Sandali lang," sabi ko sa kanya tapos nag-isip ako. Aba! Mahirap mag-isip ha. "Pangit kung sasabihin ko lahat sa iyo ngayon. Dapat surprise para malaman ko kung magagawa mo. Okay ba yun?"

Medyo napasimangot si Andrew. Alam ko kasi na mabilis siyang mairita sa mga supresa dahil ayaw niyang hindi niya alam ang ilang mga bagay.

"Sige na nga. Total, ako naman ang may utang sa'yo," sabi niya sa akin.

"YEHEY!" Napasigaw ako sa tuwa. Nagtatalon pa ako. Napaupo siya sa kanyang kama. Nakita ko namang nakangiti siya.

"O, mag-ingat ka. Baka matapilok ka sa kakatalon." Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan ako sa aking braso. Tiningnan niya ako sa aking mga mata. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko at nang-init ang mukha ko. Kinindatan niya lang at ngumiti. Napangiti na rin ako.

"My first wish is..." sabi ko sabay gumawa ako ng tunog ng drum roll, "...sasamahan mo ako sa Christmas Fair sa plaza."

Napabungisngis si Andrew sa sinabi ko. Aba! Ang dali kaya ng unang wish ko sa kanya.

"No problem," sabi niya sa akin. "Halika na! Nang makarami tayo ngayong Bisperas."

"Taralets!" Sagot ko at tapos ay sabay kaming umalis. Hawak niya ang aking kamay. Ang saya lang ng pakiramdam ko. Akalain mong kasama mo na ngayon ang taong mahal mo na matagal mong di nakasama.

Hawak-kamay kaming naglakad papunta sa plaza kung saan naroon ang Annual Christmas Fair.

"Anong uunahin natin?" Tanong sa akin ni Andrew.

"Doon tayo!" Sabi ko nang nakaturo sa may Ferris Wheel. Hindi nag-atubili si Andrew at bumili na kaagad ng ticket naming para makasakay sa Ferris Wheel.

Nang makabili na siya ng dalawang ticket, sumakay na kaagad kami sa Ferris Wheel. Wala namang pila. Naupo kaming dalawa nang isara ang pinto ng slot namin.

"Alam mo bang first time ko na sasakay dito?" Tanong ko sa kanya. "Gusto ko kasi na kasama ka kapag sumakay ako dito."

"Ako rin naman," sabi niya sa akin. Bigla niya akong inakbayan. Naramadaman ko muli ang pagtibok ng puso ko. Di ko napigilang isandal ang ulo ko sa balikat niya.

Nagsimulang umikot ang Ferris Wheel kung saan kita naming ang buong bayan mula sa taas. Pati nga ata yung babuyan ni Mang Emeng sa bandang dulo, nakita naming. Nagtawanan kaming dalawa dahil may atraso kami pareho noon kay Mang Emeng nang pakawalan naming ang isang baboy niya.

"Ang galing noh," sabi ni Andrew sa akin. "Dinadala ka ng Ferris Wheel sa taas para makita mo ang maraming bagay habang pag nasa ibaba ka naman, makikita mo ang mga bagay na malapit sa'yo. Pero aanhin ko naman ang lahat ng iyon, kung nandito ka naman sa tabi ko."

Huwag Ka Nang UmiyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon