Misteryo ng PIGHATI

44 1 0
                                    

MISTERYO NG PIGHATI

Kinaumagahan ng Araw ng Pasko, naghanda ako para sa Christmas Day Mass. Tradisyon na namin ito sa pamilya. Ngunit, may iba ngayong araw.

"Anak, baka gusto mo munang huwag um-attend," parang balisang pag-aalok sa akin ni Papa.

"Ano po? Bakit naman po?" Tanong ko kay Papa.

"Wala lang," sagot niya sa akin. Ano yun? Pwede bang wala lang.

"Wala naman po pala," sabi ko sa kanya nang nakangiti. "Eh di a-attend po ako."

Napatingin kay Mama si Papa na parang nag-aalala. Hindi ko na lang pinansin dahil abala ang aking puso't isip para sa muli naming pagkikita ni Andrew. Syempre naman.

Pumunta kami sa parokya kung saan nakita ko sa pintuan ng simbahan sina Tito Roman at Tita Trina. Lumapit kami para makipag-kamay sa kanila.

"Merry Christmas po, Tito and Tita!" Pagbati ko sa kanila. "Si Andrew po?"

Nawala ang mga ngiti sa mukha nina Tito Roman at Tita Trina. Nagkatinginan pa sila. Unang nagsalita si Tita Trina.

"Halika na! Magsisimula na ang misa."

Nakakapagtaka. Bakit parang lahat sila ay balisa o hindi mapakali kapag hinahanap ko si Andrew.

Pumasok kami ng mag-anak sa simbahan at naupo sa pangalawang row mula sa harap. Ilang sandali pa, nagsimula ang misa. Habang kinakanta ang panimulang himno, nakita ko siya! Si Andrew! Nakasuot nang sutana. Ang guwapo niya talaga kapag nakasuot ng sutana. Sakristan mula pagkabata kasi si Andrew. Pero ang napansin ko, kasunod na niya si Padre Domingo, ang aming kura paroko. Madalas ang sacristan ay nasa unahan ng prosesyon.

Ngingiti-ngiti ako kay Andrew pero mukhang hindi niya ako napapansin. Di bale! Hintayin ko na lang matapos ang misa.

Nang matapos ang komuniyon, tumayo si Padre Domingo at nagsalita sa madla.

"Bago ang huling pagbabasbas," panimula ni Padre. "Nais kong ipahayag ang pagbabalik sa ating bayan ngayong araw ng Pasko ni Andrew Suarez! Welcome back."

Nagpalakpakan ang mga tao. At hindi ako nagpahuli sa pagpalakpak. Tumayo si Andrew at yumuko-yuko nang pasasalamat sa lahat.

"Nais ko na rin i-anunsiyo na ang ating Andrew ay mapapabilang na sa hanay ng mga diyakono o deacons bukas sa kanyang pagbabalik sa Maynila. Mismong si Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang magtatalaga kay Andrew at sa sampung iba pa bilang mga susunod na disipilo ni Hesukristo. Palakpakan natin siya!"

Mas malakas na palakpakan ang narinig ko. Maliban sa akin. Gulat na gulat at gulong-gulo ako sa aking narinig. Unti-unti, nagtubig ang aking mga mata. Walang pagpapaalam, dali-dali akong umalis mula sa aming upuan at mabilis na lumakad papalabas ng simbahan.

Hindi ko alam kung ano  ang una kong iisipin: ang pagmamahal ko ba kay Andrew, ang pagpapasaya niya sa akin, ang mga habilin at payo niya sa akin o ang paglilihim niya sa akin ng katotohanan.

Nagsimula akong tumakbo. Ayaw kong ilabas ang aking luha mula sa aking mga mata. Kaya para mapigilan ito, tumakbo ako. Tumakbo nang tumakbo nang tumakbo hanggang sa nakarating ako sa tabing ilog kung saan hinintay naming ni Andrew na lumubog ang araw. Huminto ako. Kinuha ko ang isang bato at tinapon ito sa ilog, sabay sumigaw ako:

"GAGO KA, ANDREW! NILOKO MO AKO!"

Kumuha muli ako ng isa pang bato na mas malaki ng kaunti at tinapon ito sa ilog, sabay sigaw:

"PINAASA MO AKO, ANDREW!"

Kukuha sana ako ulit ng isa pang mas malaking bato nang may biglang...

"MAGGIE!"

Lumingon ako. Si Andrew na nakasuot ng sutana. Lumapit siya sa akin pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Sinampal ko siya, malakas at matunog.

"BAKIT? BAKIT, ANDREW? SABIHIN MO SA AKIN KUNG BAKIT?" Pahagulgol kong tanong sa kanya. Tumulo na rin ang luha ni Andrew.

"Patawarin mo ako, Maggie," pagmamakaawa niya sa akin. "Ayaw kitang saktan kaya hindi ko sinabi sa iyo."

"Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa ginawa mo? Andrew, naglihim ka sa akin! Niloko mo ako! Higit sa lahat, pinaasa mo ako! TARANTADO KA! Pinagpalit mo ako, Andrew. Ang masaklap pa dun, sa Diyos pa. Anong laban ko sa Kanya?" Kumuha ako ng buhangin at tinapon ko ito sa kanya.

Pinilit niya ang sarili niya sa akin at niyakap ako. Nagpumiglas ako noong una ngunit malakas ang pagkakayakap sa akin ni Andrew. Humagulgol na lamang ako.

"Patawarin mo ako," umiiyak na sambit sa akin ni Andrew. "Wala na akong alam na dapat kong sabihin sa'yo kung hindi patawad. Dahil minahal kita."

Muling nagpintig ang aking mga tenga at inialis ang aking sarili mula sa kanyang pagkakayakap.

"HINDI MO AKO MAHAL! DAHIL KUNG MAHAL MO AKO, HINDI MO AKO SASAKTAN! NASASAKTAN AKO NGAYON, ANDREW!"

Pagkasigaw ko, iniwan ko siya sa kanyang kinatatayuan.

Huwag Ka Nang UmiyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon