Author's Note

75 2 2
                                    

AUTHOR'S NOTE (February 7, 2015)

Hi, Wattpad Reader!

Maraming salamat po! Natapos mong basahin ang kauna-unahang Short Story ko po dito sa Wattpad. Isang malaking utang na loob ko sa iyo ang basahin ninyo ang aking mumunting kuwento tungkol sa pag-ibig and that thing called Tadhana (medyo may hangover pa ako ng pelikula nina Angelica at JM habang sinusulat ko ito. Haha!). Sana natuwa at naiyak kayo sa kuwentong isinulat ko.

"PASKO NA, SINTA KO" an original title nito. Iyan ang dating title dahil naka-set ang kuwento during the Christmas Season. Sa totoo lang, malaki ang inspirasyon ng Pasko para matapos ko ang pagsusulat nito. Pinalitan ko lamang ang title nito para maging bukas sa lahat ng mambabasa sa kahit anong panahon. After all, love is a universal emotion that we mostly find amusing, interesting and exciting. Matagal nang nabuo ang kuwentong ito sa aking mumunting imahinasyon ngunit ngayon lang ako nagkalakas-loob na tapusin ito. Iba pa rin talaga kapag may inspirasyon sa pagsusulat. At isa ka sa inspirasyon na iyon, Wattpad Reader.

Sana po ay inyong i- vote at i-share ang kuwentong ito! Comments and suggestions are always welcome, as long as hindi personal. Puwede niyo rin i-promote ito para mas marami pang ma-inspire sa kuwentong ito na dapat piliin pa rin ang magmahal at mahalin kahit na masakit at mahirap tanggapin.

Again, maraming maraming salamat! Spread the Love!

Geniecharlie

U.I.O.G.D.

Follow me on Twitter: @geniecharlie

Friend me on Facebook: /genecharles

PS: Hindi ako solid KathNiel although hinahangaan ko silang dalawa. Pero kung may pagkakataon man, sa kanila ko talaga idi-dedicate ang kuwentong ito. Hence, sila ang naisip kong maging bida rito. Hindi dahil para mapansin ang kuwento ngunit dahil silang dalawa ang naisip kong babagay sa katauhan nina Maggie at Andrew. :)

Huwag Ka Nang UmiyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon