Part 1: The Smile

658 24 10
                                    

I consider myself a rational person. Hindi ako hopeless romantic at lalong hindi ko ugali ang pagpapa-cute. Pero kahit na ganoon ang paniniwala ko sa buhay ay tumingin pa rin ako sa suot kong relo para alamin ang oras. Dalawang minuto na lang bago mag-alas nuebe ng umaga. Hinding-hindi ko ito aaminin kahit pa tutukan ako ng isandosenang baril. Pero ang totoo ay hinihintay ko talagang mag-alas nuebe. Dahil sa eksaktong oras na iyan ay siguradong bubukas ang pinto at papasok ang isa sa pinakaregular naming customer kahit pa may global pandemic na nagaganap.

Ding! Ding!

Parang chorus ng mga anghel ang tunog ng bell sa pinto nang bumukas iyon at pumasok ang taong kanina ko pa inaabangan. Wala namang bago doon. Simula nang maging barista ako sa Steamy Latte-tude noong isang taon ay ganito na ang araw-araw na nangyayari.

Cole Lagman strode toward the counter with ease. As usual, pinanood ko lang siya hanggang sa matapos siyang umorder.

"One tall cafe americano for Cole," sabi ng cashier naming si Neri.

"With cream, two packs of red sugar, and a sprinkle of cinnamon on top," pagtatapos ko sa sinasabi niya. "Alam ko na. Mahigit isang taon ko nang inihahanda ang kape niyan."

Pinagalaw-galaw ni Neri ang kilay. Sigurado akong nakangisi din siya sa ilalim ng suot niyang face mask. "Aminin mo na kasi, Chelsea. Crush mo din si Sir Cole," sabi niya sabay turo sa lalaking nakasandal na sa mataas na mesa.

Pinaikot ko ang mga mata. Because really, I don't want to be categorized as one of his admirers. "Puhleezzz!"

Tumalikod na ako at nagfocus sa paghahanda ng kapeng in-order ni Cole. Nang matapos ako ay ipinatong ko sa counter ang coffee cup at tumingin sa kanya. Tutok na tutok ang atensiyon niya sa pagbabasa sa hawak na tablet. Nakakunot pa ang noo niya. Bigla akong may naisip na ideya. Kinuha ko ang marker ni Neri at sinulatan ang to-go cup ng kape ni Cole.

"One tall cafe americano for Cole," malakas na sabi ko.

Lumapit naman agad si Cole sa counter. "Thank you," sabi niya na may kasama pang kindat. He started doing that since he couldn't very well show off his killer smile because of the face mask.

Yup, that's Cole Lagman for you. He is a true charmer without even trying. And then I saw his gaze settle on the coffee cup. Wala sa sariling napatingin din ako doon.

Look up and smile. It's free therapy. Iyon ang isinulat ko. I'm not really sure why I did that. Kaya nag-iwas agad ako ng tingin. Pero bigla na lang nagsalita si Cole.

"How's this for a smile?"

I couldn't help but look back at him. Pinanood ko ang swabeng paghawi niya sa suot na face shield at mask. I think my brain froze.

Kapag dumating ang araw na kailangan kong i-pinpoint kung kailan ako eksaktong nawala sa sarili dahil kay Cole, itong eksenang ito ang una sa listahan.

***


Hindi mo pinakinggan ang warning ko no? Binasa mo parin. hihi! Thank you sa pagbabasa kahit na alam mong mabibitin ka in the end.

Miss Workaholic Meets the Professional BumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon