Part 2: Coffee and Flirting?

216 19 3
                                    

ANOTHER day, another challenge. Oo, para sa akin ay isang challenge ang bawat araw. Na mas pinalaki pa ng pandemyang 'to. But what else can I do other than putting on my big girl pants and shouting a big 'fuck you' to all the problems I had this year? Alam ko na kasing wala akong mapapala kung magmumukmok at magrereklamo lang ako. I consider myself as more of a doer than a thinker. Speaking of being a doer, wala akong magagawa at matatapos na trabaho kapag nagkasakit ako. Kaya todo-todong iwas ako kay Neri ngayong umaga. Unang beses ko palang siyang makitang bumahing ay lumayo na agad ako.

"Hoy, grabe ka naman, Chelsea. Allergy nga lang 'to."

Pero hindi pa rin ako kumbinsido. "Kahit na. Sa panahon ngayon, mas mabuti nang maging sigurado."

"Iinuman ko lang to ng anti-allergy na gamot."

Sasagot pa sana ako pero bumahing nanaman siya. Natawa na lang tuloy ako.

"Yung counter."

"Ako na muna ang bahala sa counter. Magpaalam ka na lang kay Sir Jerry na magbe-break ka sandali para kumalma yang allergy mo."

"Thank you, mars," sabi ni Neri sabay hakbang palapit sa akin. But my feet automatically moved back. "Allergy nga lang to."

"Sorry, reflex." But I'm not sorry at all. Tulad ng sabi ko kanina, mas mabuti na ang maging sigurado. Hindi ako pwedeng magkasakit.

Tumango na lang si Neri bago umalis para kausapin ang manager namin. Habang ako ay naging abala na sa trabaho. Mornings were always busy. And before I knew it, it was already 9 o'clock. Hindi ko nga rin namalayang alas nuebe na pala. Kung hindi pa biglang nagbulungan yung dalawang babaeng customer na kasalukuyang umo-order ay hindi ko pa malalaman.

For probably the millionth time, I watched Cole strode toward the counter. Mabilis na tinapos ko ang pagkuha sa order ng dalawang babae.

"Good morning, Sir," agad na bati ko nang nasa tapat ko na siya. At kahit pa sinasaway ko ang sarili kong wag siyang titigan, hindi ko pa rin magawa. Teka, tama ba yun? I mean, hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi siya titigan.

Don't get me wrong. Totoo ang sinabi ko kay Neri. Hindi ko talaga siya crush. I swear. It's really just so hard not to stare when you are confronted with a perfectly handsome face. Tao lang ako, and most importantly, babae parin ako. Kahit pa trabaho lang ang focus ng buong buhay ko ngayon, hindi ibig sabihin na wala na akong kakayahang maka-appreciate ng perfection. And this male specimen in front of me right this very moment is possibly the closest thing to perfection in this world.

Ah, nagiging makata na yata ako. I shook my head and focused on trying to maintain my nonchalant expression. Mabuti na lang pala at nakasuot ako ng mask. No one except me would know how hard I'm biting my lips right now just so I won't start talking and say something stupid like suggest a sandwich to go with his usual coffee.

"Hi, Leviña."

The bubble I'm in suddenly burst. Oo nga pala, kilala niya ako bilang Leviña. Iyon ang nakalagay sa nameplate ko. At pangalan ko din naman iyon. It's actually my second name. Pero ginagamit ko lang ang pangalang 'yan sa trabaho. Which reminds me that I should be working right now.

"Would you like anything else to go with your coffee, Sir?"

Kumunot si Cole. "Hindi pa naman ako umo-order ng kape."

Nakagat ko nanaman ang labi ko. "Ahm... You always order cafe americano with cream, two packs of red sugar, and a sprinkle of cinnamon on top."

Cole's full attention suddenly dawned on me. "Paano kung ngayong araw pala ay gusto kong um-order ng iba? Halimbawa, yung cappuccino."

Miss Workaholic Meets the Professional BumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon