Part 9: You Belong

403 20 9
                                    

KANINA pa ako nag-i-scroll sa mga contacts ko. Karamihan sa kanila ay matagal ko nang hindi nakakausap. Kahit 'yung mga ka-close kong classmates, hindi ko na matandaan kung kailan ko sila huling nakausap.

Hindi ko tuloy malaman kung sino ang tatawagan ko. Actually, hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko. I'm just out of options already. As in wala na akong maisip na puwedeng gawin para magkapera. I badly need money for Dex's tuition. The fact na sa akin na siya diretsong nagsabi, ibig sabihin ay wala na ding cash si mama. Shit! Ano ba ang gagawin ko?

"Chels, okay ka lang?"

"Neri, ikaw pala." Pinilit kong ngumiti.

"Alam mo, kanina pa kita pinapanood. At kanina ko pa napapansin na mukhang may problema ka."

Napatitig ako kay Neri. Mahigit isang taon ko na din siyang kakilala at kasama sa trabaho. I can't say na close kami. But we get along fine.

"Uy, ano na? Natulala ka nanaman diyan."

"Neri, may kakilala ka bang gustong bumili ng cell phone?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang una kong nasabi. But the moment that the words left my mouth, I realized that it's really the only thing I can do right now. Kaya inilabas ko sa bulsa ang cell phone ko. "Bago lang 'to kaya nanghihinayang akong isanla. Mas malaki ang makukuha ko kapag ibebenta ko."

Nanlaki ang mga mata ni Neri. "Seryoso ka ba?"

Tumango ako. "Kailangan ko kasing bilhan ng bagong laptop ang kapatid ko. Hindi na kaya ng lumang laptop niya yung sabay-sabay na school works at online classes."

"May kapatid ka?"

Tumango uli ako. "Third year college na siya sa La Salle. Shit, Neri, ang mahal ng tuition niya."

Lalo pang nanlaki ang mga mata ni Neri. "Eh bakit kasi sa La Salle pa nag-aaral ang kapatid mo? Marami namang eskwelahan na mas mura diyan saka—"

Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa mukha ko at bigla siyang tumigil sa pagsasalita. I don't really care what it is. Dahil mas importante sa akin ngayon ang magkaroon ng pera.

"Chelsea, umamin ka nga sa'kin, sa La Salle ka din ba nag-aral dati?"

"Neri, ano'ng relevance ng tanong na yan sa usapan?"

"Sabi ko na nga ba eh."

"Ha?"

"Tama talaga ang hinala ko sa'yo. May aura ka kasi na ano... na... basta, alam mo yun?"

Umiling lang ako.

"Parang sosyal, ganun. Kapag nakikipag-usap ka sa mga customers natin, parang komportableng-komportable kang makipagkwentuhan sa kanila. Para bang you belong. Alam mo yun?"

Umiling lang uli ako.

"So, paano nangyari na nandito ka at nagtratrabaho sa Steamy Latte-tude?"

"Neri--"

"Sige na, magkuwento ka naman. Ang tagal na nating magkawork tapos tignan mo naman, ngayon ko lang nalaman na may kapatid ka pala. Saka may sampung minuto pa naman bago matapos ang break time natin kaya sige na. Kahit konting kwento lang. At wag kang mag-alala sa perang kailangan mo. Pwede kitang pautangin."

For some reason, I suddenly felt like telling her my whole life story. Yung pang-MMK version. Baka lang mabawasan yung bigat ng pakiramdam ko kapag ginawa ko yon.


****

I'm back. Sorry ang tagal kong nawala. I'll try to update more often :) Thank you sa paghihintay niyo sa updates ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss Workaholic Meets the Professional BumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon