"YOU have a boyfriend?"
Muntik na akong mapatalon sa gulat.
"S-sir Cole?"
"You have a boyfriend?" ulit niya.
Ibinuka ko ang bibig para sumagot pero hindi ko naman alam ang sasabihin. That's when I noticed Cole looking behind me. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya.
"Nakikinig ka?" I whipped my head back to him and started advancing. "That was a private conversation."
His expression turned to something similar to unease. "Well, hindi ko naman sinasadyang makinig. Hinahanap kasi kita."
"Bakit mo ako hinahanap?"
"Kanina ka pa daw kasi lumabas at kailangan na ni Neri ng katulong sa counter."
Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "At ikaw ang inutusan niya para tawagin ako?" I didn't even try to hide my sarcasm.
Nagkibit ng mga balikat si Cole bago nagsalita. "Well, palabas din naman ako kaya pinasabi na lang niya sa akin iyon."
I folded my arms against my chest. Sigurado akong nagdadahilan lang si Cole. Hindi gagawin iyon ni Neri. Kahit pa feeling close siya minsan sa mga customers, she would never cross the line.
"Fine, hinahanap kasi kita."
"Bakit?"
"Well, pagdating ko kasi sa coffee shop wala ka doon."
I was momentarily speechless. Alam ko na namang natural kay Cole ang pagiging flirty. Ilang beses ko nang nawitness iyon. But these sugary words is still quite impressive. "Hindi ko alam na required pala ang presence ko kapag dumadating ka sa coffee shop."
Hindi siya nakapagsalita. Sinadya kong hindi din magsalita. I let him wallow in his own guilt. I'm sure naiilang na siya ngayon dahil hindi siya makatingin sa akin ng derecho. And to be honest, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob kong umakto ng ganito ngayon. I just felt pissed.
Yeah, that must be it. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang pakikinig sa pag-uusap namin ni Dex. And no amount of reasoning or explanation will justify what he just did. And I made sure that he knows exactly how I feel about this. Tinignan ko siya ng masama saka ako tumalikod at naglakad pabalik sa Steamy Latte-tude.
"Sino 'yung kausap mo?" tanong niya mula sa likod ko.
"That's none of your business."
Bigla na lang ay nasa tabi ko na siya at sinasabayan ako sa paglalakad. Tumigil ako at humarap sa kanya. Seryoso parin.
"Alam ko. Pero concerned lang ako para sa'yo."
"Salamat sa concern pero ko yan kailangan."
"Is he your boyfriend?"
I just looked at him before walking again.
"Chelsea," nakasabay agad siya sa tabi ko.
Right now, I kinda hate that my legs aren't that long. Kahit pa bilisan ko ang paglalakad ay mabilis na nakakahabol si Cole. Naiinis na hinarap ko uli siya. "You are seriously overstepping your boundaries, Sir." May diin ang pagbigkas ko sa huling salita.
I thought that would be the end of this weird and irritating conversation. Pero malapit na ako sa back door ng Steamy Latte-tude nang may pumigil sa kamay ko. Hindi ko kailangang lumingon para malamang si Cole iyon. Kitang-kita ko na kasi sa repleksiyon sa salaming pinto ng shop.
"Alam kong wala akong karapatang makialam pero hindi ko mapigilan ang sarili kong maging concerned, Chelsea. Bilang kaibigan—"
"Hindi tayo magkaibigan," putol ko sa sinasabi niya. I felt him tense. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang binitiwan ang kamay ko. So I added, "Isa akong crew sa Steamy Latte-tude at isa ka sa mga customers namin. Hindi tayo magkaibigan."
"Wow. Hearing you say that actually hurts." He said that last word softly.
Medyo nakonsiyensya tuloy ako sa sinabi ko. But I have to do this. Importante na mai-set ko agad habang maaga pa ang boundaries sa pagitan namin. Totoo naman kasi iyon eh. We're not friends. We can't be friends. Wala akong oras na makipagkaibigan. Iyong pagdalaw ni Dex sa akin kanina, reminder iyon sa sarili ko na wala akong time para magpa-distract sa kahit na ano o sino. I can't afford that. Kaya hindi ko na sinagot si Cole at dere-derecho na akong pumasok sa loob ng shop.
BINABASA MO ANG
Miss Workaholic Meets the Professional Bum
RomanceThis is a glimpse to a possible story for Cole Lagman, brother of Dan from My Bossy Assistant. Sinimulan kong isulat ang kwentong ito a few years back. And unfortunately, I haven't picked it up again. Pero nanghihinayang ako ng konti sa mga eksenang...
