"WHAAAAT!?!" Napanganga ako. Yes, literally.
I may have a slight hindrance doon sa mga pinagsasabi niya, but I am no saint. I am open and vocal pero I still have no firsts in everything, kaya doon lang nagkatalo.
"Oo! Bingi ka na pala ngayon teh? You know naman, ang typical na mga guys sa club are those who are reliable." Napabuntong-hininga ako pagkasabi niya doon, ngunit bago pa man ako makapagtanong ulit ay binigo naman ako ng mga iniisip ko.
"But that's merely a joke my dear" halakhak niya. Ofcourse that's a joke, si franz pala to. I forgot. "Also, don't go around that party getting and drinking unfamiliar drinks. Especially, when it's offered to you. Just like what I said earlier, guys there are reliable. As in yung gigising ka nalang isang umaga, at mapapamura ka nalang sa pagiging hospitable nila." Sarkastikong sabi niya.
"Hmm... Ano yan, based on your experience?" Asar ko habang nakangisi. Hihihi.
"Gaga." Mura niya. Tumawa nalang ako. "Magbihis ka nalang bruha ka." Sabay bato niya saakin ng isang black na cocktail dress na parang may see-through sa may bandang dibdib hanggang sa neck-line ko. It fits perfectly.
"Wow men ha, improving yang katawan mo ah. Parang dati lang flat lang yan, tsk tsk." Sabay nguso sa hinaharap ko. "Loka loka, syempre nag bbirthday din to, nag mmature rin. Kaya hayun." Nagkatinginan kami, prinoproseso ang aking sinabi, sabay tawa ng malakas.
*
On the way sa Dominoes ay hindi ko masikmura at maintindihan yung nagwawala na mga paru-paro sa tiyan ko, I don't know pero, I feel like something big will happen. Madam Auring lang ang peg pero mas maganda nang maging handa kesa tatanga-tanga ka nalang habang nangyayari na.
"ROXY!" Tawag ni Franz. Ayan sa kakaisip ko ng mangyayari, di ko namalayan na nandoon na pala kami.
Labas palang ay sobrang ingay na ng ambiance ng lugar na ito. I don't what should I feel right now, disturbed or totally absorbed to it?
Bago ko pa man masagot ang mga tanong sa utak ko, hinatak na niya ako and voilaaa! Nandito na ako sa loob.
"Franz, hayun yung table ha," sabay turo sa table na pacurve ang design at masasabi mo talagang maganda ang cushion nito. "Sasayaw lang ako! WOOOOH!" Sabi niya habang naglalaho na sa mga taong nagsasayawan sa dancefloor.
Now I'm alone.
Pumunta ako sa sinasabi niyang table at nagulat ako dahil nandito pala ang mga circle of friends namin. I think I need some drink.
"Hi Rox!"
"Lexi gurl! Kamusta!"
"Roxyyy!"
"Wassup Rox!"
Nginitian ko sila isa't-isa at bumati pabalik. Habang umiikot ang aking mata ay natigilan ako dahil may nakita akong hindi pamilyar na pigura, actually dalawa sila. One girl na brunette and you can really tell na may lahi siya. And one guy na somewhat familiar to me, that hazel brown eyes. We just looked at each other for like a moment, both examining faces like they have seen each other before. And just like a thunder, It strucked to me that he is already taking my heart, just because of his genuine smile that took over my inner thoughts.
Natigilan ako pero ipinagpatuloy ko nalang ang gagawin ko sana, which is yung pagkuha ng maiinom ko. Sumunod ka, sumunod ka.....
Hangga't makarating ako sa bar counter, wala paring humihigit saakin. Assumera ka Rox.
Umorder ako ng isang shot glass na Jim Beans, at habang sineserve ito ng bartender, naalala kong wala akong pera.
Napatingala at napahawak ako sa noo. Shet.
"What's wrong miss?" Kahit isang beses ko palang siya nakausap, kilalang-kilala ko na ang boses na yan.
Sumunod siya.
BINABASA MO ANG
Another Karma Story
Teen FictionAnong nga ba ang mas maganda, Destiny o Journey? Maraming bumoto sa Journey, bakit? Kasi wala daw thrill ang buhay kung wala kang pagsubok na pagdadaan. Bakit ang destiny rin naman may mararanasan ka rin naman ha. Mas maganda nga lang kasi ito talag...