Hindi ko nalang talaga alam kung paano ako nakarating sa pinagttrabahuan ko nang nakita ko na ang malaking 'Bumble Bee's' na logo sa harapan ko.
I was devastated but worried at the same time, Di ko talaga sinadya yung kanina, di naman talaga natin alam kung kailan tayo mahahaching di ba? Di ko na kasalanan kung malagyan ko ng ano man yung mukha niya, bakit ba kasi nilapit niya yung mukha niya saakin? At saka, paano niya kaya nalaman yung pangalan ko? Oh hush up Rox, just focus on your work.
*
"Miss Monteverde, I am assuming that you will not be late on your work here especially this day, so I am really disappointed on what you have done today." Sabi ng aming manager na si Ms. Reales dito sa Bumble Bee's. Kung di lang dahil doon sa lalaking iyon, edi sana di na ako napagalitan pa.
Humingi ako ng tawad sa pagiging late ko kaya't pinaalala niya saakin na wag ko nalang daw uulitin dahil marami ang mga costumer tuwing hapon dahil kasagsagan ng kagutuman iyong mga oras na iyon.
Pagkatapos ng ilang minutong sermon ni Ms. Reales, ay dumiretso na ako sa aking pagtratrabaho.
Normal lang naman at hindi naman mahirap ang aking trabaho, pero depende nalang yun sayo kung hindi ka masyadong magalaw sa bahay. Una kong ginagawa ay ang pagpupunas at paglilinis ng mga table pagkatapos kumain ng mga costumer. Sunod ay syempre, ang pag-aassist sa mga tao. Sa ngayon, iyon muna ang mga naka-assign saakin, hindi pa kasi ako marunong doon sa counter mismo at pati narin doon sa may drive thru, kaya't heto ako at naglilinis lang muna ng mga mesa.
Halos 10 na ako noong ako ay nakauwi, halos araw-araw namang ganito ang set-up ko eh. School-work-dorm. Kaya medyo fit n' right ang aking katawan, chos! Pero maski ako ay nagagandahan sa katawan ko, kaya di ko na kailangan pang mag-gym at mag-exercise para lang maging fit ang katawan ko.
Habang nag-mununi-muni ako, sabay ring bumukas ang pintuan at hudyat na iyon sa pagkadating ng amazona kong dormmate, si Franz France Irisa Donicre Garciano. Oh diba pang royal family ang name niya.
"HOOOOY BABAE! ALAM MO BANG MAY POGI DOON SA MAY TAPAT NG BUILDING DOON SA KANTO! YUNG PAGKATAPOS NG INTERSECTION! UHMAYGAS!" Halos pahiyaw na sabi niya saakin with matching actions pa yan. Kung ano ang ikinaganda at ikinayaman ng babaeng yan, yan din ang ikinaingay at nakakabasag eardrums niyang boses. Yeah, She looks like an angel but I would rather compare her to an army soldier, yung tipong pinakamabilis at pinakamalakas armalite yung bunganga niya kakasalita.
But still, I love this girl right here. Siya yung taong hindi ako iniwan, pati hanggang college, hindi niya ako hinayaan na mag-isa. She knows how much effort at saka work ang ibinigay ko para makapasok sa GCSU, even my back story, kung paano ako nangulila at kung paano ako itinaboy ng mga kapamilya ko. She's like my very own family. A new meaning of family to me.
"Hoy tulaley ka nanaman. Ano ba men, wake up! It's time to make us some move and then make hanap hanap some guys noh!" Sabi niya, PS, di po siya bakla at di po siya wrong grammar, she passed UPCAT for effin's sake, Uso lang po talaga saaming magkaibigan ang magconyo-conyohan, so pagpasensyahan niyo na siya.
"Men, wag mo kong isali dyan sa pagiging broken hearted mo kay baby marlo mo or somebody else, kaya't lumayas ka muna sa harapan ko at mag-aaral muna ako"
"WHAAAT! Sabi ko na nga ba eh, sabi ko kasi sayo diba, Humingi nalang sana tayo ng tulong kay dad para dyan sa studies mo, besides he treated you as his daughter narin after what happened sa parents mo diba. Now, don't be such a grumpy and let's party just for this night, I cannot stand seeing you do all of this shtty school stuff. Okaaay?"
No choice Rox, No choice.
Dumiretso siya sa aming "walking closet" or ang aming kabinet na halos puro damit niyang sumisigaw ng karangyaan. Ewan ko nga kung paano ko ito napapayag sa pagsama saakin dito sa dorm, eh pwede naman siyang kumuha nalang ng condo at doon na forever.
"What name should we pick for you? Roxy or Lexis?" Tanong niya habang namimili ng damit at may kasiguraduhang talagang tutuloy kami sa party.
"For what the ef is that, Franz?" Kinakabahang tanong ko sa kanya, parang kasing may balak siya na hindi ko alam na makakasama sa amin, ay hindi pala, saakin lang pala.
Tumigil siya sa paghahanap at lumingon saakin just like what everyone sees in a hair commercial, slooow moooo
"Just in case lang na, you might wanna use different name for the night, you know high-end bar yun, meaning it is pouring hot guys with unlimited six packs of pandesal" she said and winked at me. Mukhang it's gonna be a long night.
Oh noeees.

BINABASA MO ANG
Another Karma Story
Genç KurguAnong nga ba ang mas maganda, Destiny o Journey? Maraming bumoto sa Journey, bakit? Kasi wala daw thrill ang buhay kung wala kang pagsubok na pagdadaan. Bakit ang destiny rin naman may mararanasan ka rin naman ha. Mas maganda nga lang kasi ito talag...