AKS #2

28 2 1
                                    

*Kriiiing*

Isn't it so nice to hear the soothing sound of your school's bell when you're at your last subject?

"Roxy! Sasama ka ba sa party mamaya?" Pahiyaw na tanong ni Ira, blockmate ko sa isa kong major. Nasa bandang dulo kasi ako ng room, eh nasa unahan naman siya.

Nagulat ako sa sinabi niya, bukod sa tinawag niya akong Roxy, tinatanong niya pa kung sasama ako sa party niya. Niya as in Ira Jamaica Camali, the peymut Miss Intrams.

Napanganga ako sa sinabi niyang yun, Oo nga at nakakaengganyo pero hindi parin ako belong doon noh. Mas gugustuhin ko pang lunurin ang sarili ko sa mga sandamakmak naming mga paperworks kesa naman tiisin ko yung mga malalagkit na mga tingin ng mga tao doon at yung mga isip nilang nagtatakha kung bakit ba nandoon ang isang magandang nilalang na tulad ko, chos! Hahaha.

Assuming lang ako pero ganun talaga ang mga ugali ng tao, mga echosera't echosero.

As much as I want to go, di parin talaga ako pupunta, may trabaho pa ko.

"Ira sorry pero I have work to do" I said pathetically. Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng kanyang mukha.

"Oh right, you have work sa tapat ng Dominoes diba? Yung fastfood chain na may mascot na bee? Well i'm so sad hearing that." Sabi niya emphasizing the word sad.

Naguguluhan din ako kung saan siya malungkot eh, yung hindi ako makakasama sa party niya o yung fact na doon ako nagtratrabaho sa Bumble Bee's.

Tumungo nalang ako para hindi na ako makasabat pa sa kanya. Wala narin naman akong magagawa sa mga iniisip nila eh. Minsan talaga ang tao, kung ano yung nalaman nilang masama ukol sayo, yun nalang talaga yung maiiisip nila kapag naaalala yung pangalan mo.

Sabay ng pagka-alis ni Ira, nakisabay rin sa unti-unting pagtakas ng mga luha ko galing sa mata ko.

Hay nako, grabe ka na luha ha, daig mo pa ang angat dam sa paguumapaw kapag nabagyo.

Tuloy lang ng tuloy ang pagbaba ng mga luha ko ng napansin kong may something na malambot sa kamay ko.

Ano to? Panyo?

Pagka angat ko ng tingin, ay nasa soccer field na pala ako ng school namin at nakatingin na saakin ang isang lalaki na konting push nalang eh, magkakadikit na ang aming mga ilong.

"ACHOOOO!"

WAAAAAAAAAH! KADIRI KA TALAGA ROX! WATDA.

Nakita ko ang lalaki sa harapan ko na mangiyak-ngiyak dahil sa kanyang mukhang may laway at something. Waaaaaaah.

"SORRY PO KUYA! AY TOTOY! AY MANONG! ANO BA TALAGA!" Taranta kong sabi. Di ko naman sinasadya eh. Bat kasi ang lapit niyang makatingin eh, malay ko bang mahahaching ako. Baka di siya naligo.

Patuloy ko siyang pinupunasan gamit yung panyo na ewan ko kung saan galing, siguro ito na yung regalo sakin ni santa noong christmas, nalate lang ng dating.

"Binigay ko nga sayo yang panyo, mukhang mas kakailanganin ko pa pala." Sabi niya. Wow. Ngayon ko lang napansin ang kanyang malalalim na mata, ang expressive. Ang makinis niya mukha, ay at ang ilong niya ay ang tangos, parang may lahi. And last but not the least, ang mapupula niyang labi.

"Hello? Miss?"

"Ay labing mapula!" Nasambit ko.

Puche, lecheng buhay to.

"Anong labing mapula?" Tanong niya sabay kamot ulo.

Isip palusot, isip palusot. TING! AHH!

"Y-Yung damit mo! Parang mga labi ko dahil sa sobrang pula!" Palusot ko. Wheeeew. Naka pulang v-neck shirt siya tapos black pants at top sider.

"Ah. Akala ko kung ano" Sabi niya habang tinitignan ang panyong nasa kamay ko parin.

"Ay! Yung panyo oh, sayo nalang! Baka kailangan mo!"

"Hindi na! Mukhang kailangan mo pa kesa sakin."

"Sorry ha, bibigyan nalang kita ng pambayad ng pampafacial, nahachingan pa kita."

"Hindi ayos lang!"

Bago pa man ako makasagot, naalala ko na may trabaho pa pala ako. Shemay late na ako.

"Ay sige una na ko ah! Bye! Sorry ulet!" Sabi ko habang patakbo. Ngunit nagpatindig balahibo naman saakin ng may narinig ako galing sa kanya.

"No worries, Roxanne Lexis Pascal Monteverde."

~

A/N:

Dedicated to butterstar! Hi nak!

Another Karma StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon