Cleigh's POV
Naglalakad ako sa mahabang pasilyo ng university na pinaglipatan ko. Naasar ako dahil naligaw ako kanina at ngayon late na ako sa unang klase ko.
Buti na lang may napagtanungan akong janitress kanina at tinuro ang daan papunta sa room 307.
Nang mahanap ko ang nasabing room. Bubuksan ko na sana ng marinig ko ang ingay ng magiging kaklase ko sa loob. Narinig ko din na parang may nagsasaway sa kanila. Panigurado yung professor yun. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob.
Natahimik ang klase nung pumasok ako. Dere- deretso akong pumunta sa harapan ng professor at di inalintana ang tinging binibigay sa akin ng mga kaklase ko.
“Yes young lady? What can I do for you?” nagtatakang tanong niya sa akin.
Inabot ko sa kanya ang registration card ko. Kinuha naman niya at binasa. Nawala ang pangungunot noo niya at maaliwalas ang mukhang bumaling sa akin.
“So your the transferee student. Why are you late? Oh well nevermind. I'm your professor in History, Nicolo Pasco. Would you mind to introduce yourself Miss.”
Humarap ako sa mga kaklase ko at nagsimulang magpakilala.
“I'm Cleigh Josephine Saavedra, nice to meet you all.” nakangiti kong pagpapakilala sa kanila. May napansin akong nagtaas ng kamay.
“Hey Cleigh,are you related to Cray Saavedra?”
Tanong niya sa akin. Napakunot noo ako. Wag mong sabihing fan din ito ni kuya. “He's my brother.” napa ' owwwwww' naman yung mga tao.
Kapatid pala siya ni Cray
Maganda naman siya kahit mukha siyang nerd
Oh em gee isang Saavedra sa classroom natin
Duh! Mas maganda pa ako diyan noh!
Haler yeah right! Mukha siyang manang na nerd
Ilan lang yan sa mga naririnig kong sinasabi nila patungkol sa akin. WTH. Mas maganda sa akin?
Eh kulang na lang lagyan ng tubig dagat dito sa classroom. Halo halo mga lamang dagat eh. May bisugo, hipon, pugita, siyokoy. Oh saan ka pa. May mukha pa ngang goldfish.
BINABASA MO ANG
Revenge of Cleigh
General FictionShe doesn't know that she'll be hurt as she loves the only man she dreamed of. She was played and tricked by the man she loves because of a bet. She's hurt like hell. She's not just a broken woman but a totally damaged one inside. She even wanted to...